"I've always thought it was you," came Fred's chilling voice from behind him.
Bumagal ang pagtatype ni Ethan pero hindi parin siya tumigil. Malapit na kasi niyang madecode ang mensahe.
"Me?" tila balewalang tanong ni Ethan.
"Oo," parang mas malapit na ang pinanggalingan ng boses ni Fred. "Sa lahat ng taong nakapaligid sa akin, ikaw ang consistent na nasa taas ng listahan ng mga taong pwedeng magdouble-cross sa akin."
"Bakit?" muling tanong ni Ethan. Sa wakas ay tapos na siya sa pagdedecode. Kailangan na lang niyang hintayin ang computer na i-reveal ang laman ng mensaheng iyon.
"You are by far the smartest man who ever worked for me."
"So?" tanong ni Ethan na tumigil na sa pagtatype pero nanatiling nakaharap sa computer monitor.
"Dati ay iniisip kong wala kang kinatatakutan. Ni hindi ka natatakot sa akin."
"Hmm," was all Ethan could say as he watched the screen slowly reveal the contents of Robbie's coded message.
"Pero ngayon ay alam ko na kung ano ang kinatatakutan mo," Fred announced in a chilling voice.
Kasabay niyon ay tuluyan nang nakita ni Ethan ang mensahe mula kay Robbie. Maikli lang iyon actually. It only said, "R. Taken. Tracking now," kasunod niyon ay isang GPS coordinate na pamilyar sa kanya.
Nanlamig ang buong katawan ni Ethan. His heart sank in his chest. Dahan-dahang iniikot niya ang kinauupuang swivel chair at agad na sinalubong siya ng eksenang parang hinugot mula sa kanyang bangungot. Kaya pala pamilyar ang coordinate na ibinigay ni Robbie ay dahil kapareho niyon mismo ang nakalagay sa suot niyang GPS watch. It was because Raen was now in front of him. Hindi ito nakatali. Ni walang humahawak dito. Pero nakaupo ito sa isang upuan at mukhang hinang-hina. Ethan immediately knew that she was injected with a muscle relaxant.
"You son of a bitch," Ethan muttered as he slowly stood up. Pagkatayo niya ay agad na narinig niya ang pagkalas ng safety ng isang baril. Sigurado siyang nakatutok sa kanya ang baril na iyon.
Pinilit ni Ethan na kalmahin ang sarili. Kailangan niyang mag-isip. Kailangan niyang ibalik 'yung dating Ryder na kilala ni Fred. Yung walang kinatatakutan.
"Ethan..." umabot sa pandinig niya ang mahinang bulong ni Raen.
Ah, fuck! Sino ba ang niloloko niya? Hindi na siya ang Ryder na iyon. Ethan didn't know exactly when he changed. Basta sigurado siya na hindi na siya iyong kaparehong taong tinutukoy ni Fred kanina. Because for the first time in his life as Ryder, Ethan prayed. Ni hindi niya nga iyon pinag-isipan. Basta natagpuan na lang niya ang sariling umuusal ang simpleng dasal para sa kaligtasan ni Raen. Noon din niya napatunayang tama si Fred. Bago niya nakilala si Raen, wala siyang kinatatakutan.
"Buhay pa siya, ibig sabihin ay may kailangan ka pa sa akin," nang magsalita si Ethan ay hindi na niya itinago ang galit sa tinig. Tapos na siya sa pagtatago ng tunay na nararamdaman. And he very well wanted Fred to know how angry he was for doing this to Raen.
"'Yan naman ang gusto ko sa'yo, Ryder. Palagi kang direct to the point."
"Ano ang kailangan mo?"
"Adam Marasigan."
Naikuyom ni Ethan ang mga palad.
"I want him delivered to me in a body bag within twenty-four hours," walang kakurap-kurap na wika ni Fred.
"Paano kung hindi ko magawa?" naisip na itanong ni Ethan.
"For every hour na hindi mo ibinibigay ang gusto ko ay isang parte ng katawan ng pinakamamahal mong si Raelyn ang ipapadala ko sa'yo."
BINABASA MO ANG
S.T.A.I.D. 2 (COMPLETE) - Published under PHR
AçãoHindi normal ang kabataan ni Raen dahil sa uri ng trabahong mayroon ang kanyang mga magulang. Naging black belter na siya sa apat na klase ng martial arts at marunong na siyang mag-assemble at disassemble ng nine-millimeter handgun bago pa siya tumu...
