RAEN had trouble sleeping with a man. Well, technically hindi naman talaga ganoon ang nangyayari. She wasn't sleeping with Ethan at all. Nakaupo pa rin ito sa nag-iisang upuan doon habang siya ay tensiyonadong nakahiga sa malaking kama.
Pinanood ni Raen si Ethan. Nakapikit ito at hindi gumagalaw pero pupusta siya na gising ito. Hindi niya alam kung bakit siguradong-sigurado siya doon. Basta alam niya. Pagdating kay Ethan ay parang aware na aware siya sa lahat ng nangyayari dito. Pero kailangan niyang balewalain muna iyon. Dapat ang iniisip niya ay ang kasalukuyang nangyayari.
Obvious na professionals ang mga kalalakihang iyon. Mukhang nagalaw nila ang kotse niya. Pupusta din si Raen na kalkulado ng mga ito ang eksaktong lugar kung saan siya masisiraan. Halatang napaghandaan nila ng mabuti ang ambush. Isang bagay lang ang hindi nila naisali sa equation. Or rather, isang tao lang: si Ethan.
Speaking of Ethan, hindi pa rin makapagdesisyon si Raen kung saang kategorya ito ilalagay. Ayaw man niyang aminin pero totoong iniligtas nga siya nito. Pero hindi ibig sabihin niyon na kakampi na niya ito. Bata pa lang ay naitanim na sa kanyang isip na lahat ng tao ay palaging may sariling motibo sa kahit na anong ginagawa nila. Isa 'yan sa mga words of wisdom ng mga magulang niya. Kaya ang kailangan alamin ngayon ni Raen ay kung ano ang motibo ni Ethan sa pagliligtas sa kanya.
MATAGAL na naghintay si Ethan bago niya narinig ang banayad na paghinga ni Raen. Kailangang makasiguro muna siyang tulog na ito bago siya gumamit ng telepono.
Maingat na tumayo si Ethan sa kinauupuan at lumabas ng kuwarto. Hindi niya isinara ang pinto para madali niyang masisilip si Raen mula sa maliit na garahe sa baba. Pagkatapos ay inilabas na niya ang kanyang cell phone at nagdial.
Isang beep ang narinig niya bago siya nagsalita sa mahinang tinig. "Subject is safe." Iyon lang at pinutol na niya ang koneksiyon. Pagkatapos ay muli siyang nagdial.
"Glad to hear from you, Ryder."
"What the hell was that, Fred?"
Mahinang tumawa si Fred sa kabilang linya. "I take it you're both very much alive."
"'Wag mo akong insultuhin, Fred."
"Kung iniinsulto kita, hindi ang Pact Brothers ang ipinadala ko. Those guys are good."
"And expensive," nanunuyang sagot ni Ethan.
"Ah, yes. That too. Pero hindi ko na kailangang problemahin ang bayad sa kanila. I'm assuming they're already out of commission by now."
Napailing-iling si Ethan. "Ano sa tingin mo ang ma-a-accomplish ng ginawa mo ngayong gabi?"
"Tinutulungan lang kita. Base sa nabalitaan ko, ni hindi ka pa nakaka-first base sa target mo."
"I was working on it."
"You don't have time to work on it. I want results yesterday. You got it, Ryder?"
Naikuyom ni Ethan ang kanyang kamay. "Yeah, I got it." Iyon lang at naputol na ang linya. Wala nang nagawa si Ethan kundi bumalik sa kuwarto at bantayan si Raen. Pinagmasdan niya ang natutulog na dalaga. Naalala niya bigla ang unang beses na nakita niya ang litrato nito. Mukha talaga itong inosente. Na-tempt pa nga siyang ayusin ang kumot na nakabalot dito. Pero agad ding nagbago ang isip niya nang makita ang barrel ng baril na sumisilip mula sa ilalim ng kumot. Hindi napigilan ni Ethan ang mapangiti.
BINABASA MO ANG
S.T.A.I.D. 2 (COMPLETE) - Published under PHR
AksiHindi normal ang kabataan ni Raen dahil sa uri ng trabahong mayroon ang kanyang mga magulang. Naging black belter na siya sa apat na klase ng martial arts at marunong na siyang mag-assemble at disassemble ng nine-millimeter handgun bago pa siya tumu...
