KANINA pa gustong mapaluha ni Raen pero pinipigilan niya ang sarili. Sigurado siyang ayaw makita ni Ethan na nag-aalala siya para dito. Nabasa agad niya iyon sa mukha nito kanina. But damn, he had a gun shot wound on his left shoulder. Ang good news lang doon ay hindi mula sa isang baril na may mataas na fire power ang balang iyon.
Raen knew her guns alright. Sinigurado ng kanyang mga magulang iyon. At kung hindi siya nagkakamali ay stray bullet lang ang tumama kay Ethan. Hindi kasi malinaw ang trajectory ng entry points ng mga sugat. Isa pa ay hindi naman ganoon kalalim iyon. Pero maaari pa rin iyong maging sanhi ng pagkawala ng madaming dugo.
"Ethan?"
"Hmm?"
"Magpunta na lang kaya tayo sa ospital. Masyado na kasing madami—"
"No."
"Pero—"
"No hospitals, Raen. Ipangako mo sa akin."
Humugot muna ng malalim na hininga si Raen bago pikit-matang tumango at nagpatuloy sa panggagamot ng sugat nito. "This is going to kill you."
"You already know what to do in case I die, right? Tatawagan mo agad ang mga magulang mo at hahayaan mo silang protektahan ka."
"Oo, kanina mo pa paulit-ulit na ibinibilin sa akin 'yan," may halong inis na sagot ni Raen. Pero ang totoo ay tagos na tagos sa puso niya ang mga sinabing iyon ni Ethan. Para bang concerned talaga ito sa kaligtasan niya.
"Ikwento mo na lang sa akin kung bakit mo naisip na gawing safe house ang isang mausoleo."
"'Yan ang gusto mong pag-usapan?"
"Wala naman tayong ibang mapag-uusapan eh," tila bale-walang sagot ni Ethan.
"Anong walang ibang mapag-uusapan? How about the fact that you work for the man who is basically the epitome of villainy?"
Tumawa lang si Ethan. "Masyadong boring ang topic na 'yan. This is much more interesting." Pagkatapos ay iginiya nito ang paningin sa paligid hanggang sa maglanding ang mga mata nito sa kanya. Then he smiled at her most charmingly.
Napasimangot si Raen. Alam na kasi niya ang kalalabasan nito. Tested and proven na kasi noong umpisa pa lang na kayang-kaya siyang pasunurin ni Ethan gamit lang ang isang tingin at ngiti.
"Fine, ano ang gusto mong malaman tungkol sa mausoleo?" tanong ni Raen habang tinatapos ang pagtatahi sa sugat nito. Kasalukuyan silang nakaupo sa mahabang bench na nasa pinakagitna ng mausoleo. Madami nang improvements na ginawa si Raen doon. May mga in-install siyang cabinets na naglalaman ng mga importanteng bagay tulad ng gamot at mga armas. Mayroon din siyang mga spare na damit, pagkain, at pera.
"Everything."
"Well," sinubukan niyang mag-isip ng interesting na bagay na maaaring sabihin pero wala namang pumapasok sa utak niya. So she just settled for the truth. "Nung mamatay si Kuya Adamay halos linggo-linggong dumalaw sa puntod niya." Tumango si Ethan. "Dito sa sementeryong ito siya nakalibing. At 'yung spot sa harap ng mausoleo ang siyang pinakaperfect na lugar para mapanood ko ang puntod niya."
"Oh."
"Dahil nagustuhan ko na itong mausoleo, binili ko na lang siya."
"Ano?" tila hindi makapaniwalang tanong ni Ethan.
"Oh, nakalimutan ko bang sabihin na isang araw ay may nakita akong envelope sa puntod ni Kuya Adam? May lamang cash at instruction ang envelope na 'yon."
Suddenly, Ethan looked serious. Bigla din itong umiba ng pwesto hanggang sa magkaharap sila. "Ano'ng nakalagay sa instruction?"
"Na pwede kong gamitin ang perang naroon sa kahit na anong paraang gusto ko. Then I'm supposed to hide all the other contents."
BINABASA MO ANG
S.T.A.I.D. 2 (COMPLETE) - Published under PHR
AksiHindi normal ang kabataan ni Raen dahil sa uri ng trabahong mayroon ang kanyang mga magulang. Naging black belter na siya sa apat na klase ng martial arts at marunong na siyang mag-assemble at disassemble ng nine-millimeter handgun bago pa siya tumu...
