NAPATAYO si Raen sa kinauupuan nang pumasok doon ang mga magulang nilang sina Abel at Rose. "Pa, Ma, I'm so glad you're here." Patakbong sinalubong niya ang mga ito. Pero bago pa niya masugod ng yakap ang mga magulang ay natigilan siya.
What the hell is happening here?
Her parents' faces were devoid of any emotion.
"Ma?" pabulong na tawag dito ni Raen.
Tila naman noon lang siya nito nakita. Sandaling lumambot ang mukha nito bago bumaling sa papa niya. Pinanood ni Raen ang pagpapalitan ng tingin ng kanyang mga magulang. Pakiramdam ni Raen ay ilang oras ang lumipas bago bumaling sa kanya sa wakas ang papa at mama niya. Sa pagkakataong iyon ay nakangiti na sila kaya ngumiti din si Raen.
"Halika, Raen, dito tayo maupo," wika ng mama niya na mabilis namang sinunod ni Raen. Pagkaupo ay saka lang niya napansin na may iba pa pala silang kasama doon sa loob.
Isang lalaking nakasuot ng T-shirt at shorts ang nakita ni Raen sa likod ng papa niya. May hawak itong tablet saka remote. "Ah, hi," nahihiyang bati nito pero parang hindi naman nito ina-address yun sa kahit isa sa kanila. Nakayuko kasi ito at nagpipipindot sa hawak na gadget.
Patience was never Raen's strongest characteristic. Kaya naman parang inaasahan na ng mga magulang niya nang bigla na lang siyang magtanong. "Anong lugar ito? Bakit tayo nandito? Saka, sino siya?" sabay turo sa lalaki na ngayon ay may kinakalikot sa ilalim ng mahabang mesa.
Pero ngumiti lang ang mama at papa niya. Ang Kuya Luke naman niya ay naiiling na tumabi sa kanila ng mama niya.
Nang muling ilibot ni Raen ang paningin sa paligid ay napansin niyang hindi pa rin gumagalaw sa kinatatayuan sina Myka at Stone. Tanging ang lalaking hindi niya kilala ang siyang libreng gumagalaw. May mga wires itong hinihila. And then Raen heard a snapping sound.
"Okay, it's all set," tila proud na wika ng lalaki nang tumayo na ito ng maayos. "The jamming device is now active."
Muli itong pinasadahan ni Raen ng tingin. Sa hula niya ay magkalapit lang sila ng edad. He also looked normal enough with his cargo shorts and sneakers. But there was a certain knowledge in his eyes that Raen wasn't able to dismiss easily. Tumikhim ito at saka tumango sa papa niya.
"I'll be presiding this meeting," maawtoridad na pahayag ni Abel.
Tila iyon lang ang hinihintay ni Stone para magreact. "Nasaan si Gideon?" madilim ang anyong tanong nito.
Bago sumagot ang papa ni Raen ay narinig pa niya ang sarkastikong komento ng Kuya Luke niya. "Meeting na pala ang tawag niyo dito ngayon."
"He's otherwise occupied at the moment," sagot ng papa ni Raen.
"Busy siya," singit ng lalaking hindi kilala ni Raen. Muntik na niyang makalimutang naroon pala ito. Pagkatapos ng mga pinagdaanan niya nitong mga nakaraang araw, wala siya sa mood na maging friendly. Pero nginitian pa rin siya ng lalaki. "Sorry, I think I need to introduce myself."
Pinagtaasan ito ni Raen ng kilay. Pero hindi man lang naapektuhan ang lalaki. Lalo pa nitong pinalapad ang ngiti.
Tumikhim si Stone. The man called Robbie immediately backed away. Pagkatapos ay itinaas nito ang dalawang kamay na parang sumusuko. "Sorry, man. You're the boss."
"Damned right I am. Kaya kung sino man ang dapat na magpreside sa meeting na ito, 'yun ay ako." Sa pagkakataong iyon ay nakatingin na si Stone sa papa niya.
"I don't mean to steal your thunder, but you'll have to trust me on this."
"Fine," tila napipilitang wika ni Stone bago humalukipkip. "But just this once."
"Good, now Robbie," bumaling ang papa niya sa lalaki. "Do your thing."
"Wait," biglang singit ni Myka. "Bakit parang mukhang close na agad kayo?" Saka itinuro si Robbie at ang mga magulang niya.
"You really don't want to know, Myka," matamis ang ngiting sagot ni Robbie.
Raen heard Luke's grunt at Robbie's flirty behavior. Napangiti siya doon. Pero iyon na yata ang huling ngiting nagawa niya. Dahil ang mga sumunod na oras ay napuno na ng usapang tila nagmula sa isang bangungot.
BINABASA MO ANG
S.T.A.I.D. 2 (COMPLETE) - Published under PHR
ActionHindi normal ang kabataan ni Raen dahil sa uri ng trabahong mayroon ang kanyang mga magulang. Naging black belter na siya sa apat na klase ng martial arts at marunong na siyang mag-assemble at disassemble ng nine-millimeter handgun bago pa siya tumu...
