9.1

3.7K 116 1
                                        

ANG AKALA ni Ethan ay magkakaroon pa siya ng oras para makapaghanda bago niya muling haharapin si Fred. Pero ni hindi pa siya nakakalayo sa clinic ay nakatanggap na siya ng tawag mula sa isang tauhan ni Fred. Pinapapunta daw siya ni Fred sa isa nitong pag-aaring building. Hindi maganda ang kutob ni Ethan doon.

Actually, simula pa kaninang umaga ay hindi na maganda ang nararamdaman ni Ethan. Kaya nga siya nagdesisyon na umalis na ngayong araw mismo. At kaya rin hindi siya pwedeng maging kampante na intact pa rin ang kanyang identity bilang Ryder. Hindi niya nakakalimutang isa sa mga pioneer STAID operatives si Fred. May mga contacts ito sa mga lugar na hindi basta-basta. Kaya naman nagtungo siya sa hideout ni Fred na handa sa isang laban.

Pagkadating ni Ethan doon ay sinamahan siya ng isang tauhan ni Fred patungo sa isang kuwarto. Madilim sa loob. Ang tanging pinanggagalingan ng ilaw ay ang ilang monitors na nakapatong sa isang mahabang mesa. Sa harap ng mga monitors na iyon nakaupo si Fred.

"You sure took your time," wika ni Fred na nakatingin pa rin sa monitor na nasa harap nito.

"You can't expect me to just leave everything I'm doing every time you call," matigas ang boses na sagot ni Ethan.

Noon lang nag-angat ng paningin si Fred. Pagkatapos ay nginitian siya nito. "Tama ka, Ryder. And for that, I apologize."

Hindi malaman ni Ethan kung anong klaseng laro ang niluluto ni Fred ngayon. "Bakit mo ako pinapunta dito?"

"May gusto akong ipagawa sa'yo."

"Ano 'yun?"

Sa halip na sumagot ay sumenyas lang si Fred para lumapit siya. Napilitan tuloy na umikot si Ethan sa kabilang panig ng mesa. "What the hell?" paasik na tanong ni Ethan nang makita ang nilalaman ng mga monitors. "Fuck this, Fred! Hindi pa ako lume-level up sa manslaughter."

Tumawa lang si Fred.

Humalukipkip naman si Ethan saka pinakatitigan si Fred. Ayaw na niyang tumingin pa sa monitor. Hindi na niya kailangan pang gawin iyon dahil tila nakaukit na sa isip niya ang itsura ni Luke na naka-strap sa isang—damn, he didn't even know what to call that bed or inclined chair. Sa isang monitor naman ay makikita ang isang kuwarto na may ilang lalaking nakahandusay. At sa isa pang monitor ay kitang-kita niya ang bulto ni Myka na naglalakad. Obvious na injured ito.

"This is serious shit, Fred." Pagkatapos ay itinuro niya ang isang monitor. "Si Luke Marasigan 'yan. At 'yan," itinuro niya ang isa pang monitor. "Ay isang STAID agent."

"You never fail to impress me, Ryder, or should I call you Ethan now?"

Nakaramdam ng tensiyon si Ethan. Agad na nag-iba ang kanyang postura. Handa na siyang lumabas dito anumang oras. Pero tumawa lang si Fred.

"Relax, Ethan. Na-impress mo ako dahil nagawa mong itago ang tunay mong pagkatao ng ganito katagal. At pinahirapan mo din ako sa paghahalungkat ng impormasyon tungkol sa'yo. Your cover was almost perfect. Almost."

S.T.A.I.D. 2 (COMPLETE) - Published under PHRMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon