24.2

3.4K 121 0
                                        

"SLOW down, please, Ethan," habol ni Raen kay Ethan. Hindi na niya alam kung saan na sila nagsusuot ni Ethan. Basta pagkalabas sa briefing room kanina ay sinundan lang niya si Ethan na mukhang walang balak tumigil sa paglalakad ng mabilis.

"Bumalik ka na doon, Raen."

"Gusto lang kitang makausap."

"There's nothing to talk about." Tumigil na si Ethan sa tapat ng isang pinto. Mabilis namang lumapit si Raen.

"You and I both know that's not true." At bago pa makasagot si Raen ay siya na ang nagbukas sa pintong nasa tapat nila at nagpatiunang pumasok doon. Narinig pa niya ang sumusukong buntong-hininga ni Ethan bago sumunod sa kanya sa loob.

"Lock the door," mabilis na utos ni Raen bago pa siya mawalan ng lakas ng loob. Pagkatapos ay inilabas niya mula sa bulsa ang maliit na gadget na hiniram niya kay Robbie.

Some time the other day, kinorner niya si Robbie at hiniram iyon. Iginiit niya na may utang si Robbie sa kanya at kapag ipinahiram nito ang signal jammer na iyon ay quits na sila.

"Ano 'yan?"

Hindi sumagot si Raen. Ini-on lang niya ang jammer at ipinatong iyon sa pinakamalapit na mesa. "Now we can really talk."

"What the hell are you doing, Raen?"

Napaatras si Raen sa tindi ng intensidad ng anyo at boses ni Ethan. Pagkatapos ay dahan-dahan itong lumapit sa kanya.

"Ethan—"

"Tigilan mo na ang pagtawag sa akin ng Ethan."

Umiling si Raen. "Kahit na ano ang mangyari, you will always be Ethan to me."

Hindi tumigil si Ethan sa paglapit kay Raen. Napilitan tuloy siyang umatras hanggang sa mabunggo na siya sa pader.

"You have no idea what you're getting yourself into."

Hindi ito pinansin ni Raen. "I wish that you had told me about your connection to STAID sooner."

"Hindi iyon ganoon kasimple, Raen. There are eyes and ears everywhere."

"Naisip ko din 'yan. Si Gideon man ay gumagamit parin ng jammer kahit na supposedly ay secured naman ang STAID HQ."

"Nag-iingat lang siya. Kailan lang ay may trumaydor sa kanilang isang STAID agent. Alam ko dahil ako mismo ang nakipagnegosasyon sa agent na 'yun. His name was Hector. And I can only imagine what Stone did to him." Tapos ay biglang naging mapanganib ang anyo ni Ethan. "Sa mundong ginagalawan ko, hindi mo alam kung sino talaga ang tunay na kakampi at kaaway."

"Hindi ka ba napapagod? Hindi mo ba naisip na may choice ka naman para iwan ang ganitong klase ng buhay?"

Umiling-iling si Ethan. "It's a little bit too late for that, Raen. Ito na ang buhay ko." Mapait na tumawa ito. "Hell, ito lang ang buhay na alam ko. At kahit pa matapos na ang bangungot na dala ni Fred, hindi pa rin matatapos ang bangungot ng buhay ko. Just give it up, Raen. Stop making things even more complicated that it already is."

"Ako pa ngayon ang nagpapakomplika ng lahat? Kung tutuusin ay simple lang naman ang gusto kong mangyari. Simple lang din ang hinihingi ko mula sa'yo. And that is for you to stop lying to my face. Hindi ako tanga, Ethan. And damned if I'm going to just let you define this," pinaglipat-lipat ni Raen ang pagturo sa sarili at kay Ethan. "As a fucking job."

"Raen—"

"This isn't just a job, Ethan. I know it and I can feel it. Kaya please lang, tigilan mo na ito. Hindi mo ba kayang alisin muna yang suot mong maskara kahit sandali lang?"

Sa gulat ni Raen ay bigla na lang sinuntok ni Ethan ang pader na sinasandalan niya. Doon mismo sa gilid ng ulo niya. "You're asking too much."

"For once, I just want you to be completely honest with me."

"No one can ever be completely honest. Some of us simply have fewer lies to tell. At hindi ako kasali sa mga iyon. The skeletons in my closet can cover a hell longer than a mile."

"But don't you just want all of these to be over?"

"For guys like me, it's never over." Iyon lang at iniwan na ni Ethan si Raen sa kuwartong iyon.

~~~

Thanks for reading! Don't forget to vote and share this to your friends.

- Kensi

S.T.A.I.D. 2 (COMPLETE) - Published under PHRMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon