KANINA pa nilalaro ni Raen and pagkaing nasa plato niya. Wala siyang gana. Hindi parin kasi mabura-bura sa isip niya ang naganap sa pagitan nila ni Ethan kaninang umaga.
"Raen, okay ka lang ba?" tanong ng kasabay niyang si Kelly.
"Ahm, oo, wala lang akong gana ngayon."
"Bakit? May sakit ka ba?" Umiling si Raen. "Hindi mo gusto ang pagkain?" Umiling siyang muli. "Hindi masarap?"
Tuluyan nang napangiti si Raen. "Hindi lang talaga ako gutom, Kelly. 'Wag mo na lang akong pansinin."
"Okay, mukhang wala ka nga sa mood. So it's probably not the right time to tell you that someone has been watching you play with your food for the last," tumingin pa si Kelly sa relo. "Ten minutes."
"Ha?" agad na napadiresto ang likod ni Raen. Lilingon na sana siya nang pigilan siya ni Kelly.
"'Wag kang titingin. Masyadong magiging obvious."
"Obvious ang alin?"
"Na pinag-uusapan natin siya."
"Sino ba ang pinag-uusapan natin?"
"Sino pa ba? Eh di si Mr. Tall, Dark and Dangerous."
"Ano?" napalakas yata ang boses ni Raen dahil napansin niyang napatingin sa kanila ang ilan nilang kasamahan na naroon din sa pantry.
"Kaunting hinhin naman, Raen. Masyado kang tensed. Si Ethan lang naman ang tinutukoy ko. Uy, ano ba ang feeling na maghapon kayong magkasama ni Ethan sa iisang consultation room?" tila kinikilig pang tanong ni Kelly. Tiningnan ito ni Raen ng masama. "Grabe ka, possessive agad? Para nagtatanong lang naman ako ah."
Napailing na lang si Raen. "Hay naku, Kelly, wala kang mapipiga sa akin."
"Pero ang balita ko ay nirequest pa talaga niya kay Doc De Jesus na sa'yo mag-assist."
"Wala 'yun, Kelly."
"Palagi ka din niyang pinapanood."
Natigilan na si Raen doon.
"Uy, interesado," pang-aasar ni Kelly.
Pero hindi iyon pinatulan ni Raen. "Ano'ng ibig mong sabihing palagi niya akong pinapanood?"
"'Yan, ganyan," iginalaw ni Kelly ang kamay sa direksiyong hula niya ay kinapupwestuhan ni Ethan. "Palagi siyang nakabantay kung nasaan ka."
Parang nanigas sa kinauupuan si Raen.
"Hindi mo ba alam?"
Umiling si Raen bilang sagot. Hindi talaga niya alam ang tungkol doon. Kung nagagawa ni Ethan na bantayan at sundan siya nang hindi niya namamalayan, iisa lang ang ibig sabihin niyon. Hindi isang ordinaryong tao lang si Ethan.
"I think it's sweet," pagpapatuloy ni Kelly. "Sa tingin ko malakas talaga ang tama sa'yo. Nung minsan nga kinorner ko 'yang si Ethan at in-interrogate. Pero wala naman akong napala. Mukhang natotorpe yata sa'yo eh. Sabi ko nga 'wag siyang kakabahan dahil approachable ka naman."
"Alam mo, Kelly, ang lakas ng boses mo. Baka gusto mong mas lakasan pa kasi baka si Ethan na lang ang hindi nakakarinig," sarkastikong pananaway dito ni Raen.
Pero tumawa lang si Kelly. "Hindi talaga niya maririnig. Nandoon kasi siya sa lounge. Sakto lang talaga ang pinwestuhan niya para kitang-kita tayo dito sa pantry."
This time, napakunot na ang noo ni Raen. Alam na niyang nagsisinungaling si Ethan tungkol sa tunay nitong pagkatao. Pero kung pagbabasehan ang mga kakaunting bagay na natuklasan niya, parang lumalabas na binabantayan siya nito.
BINABASA MO ANG
S.T.A.I.D. 2 (COMPLETE) - Published under PHR
ActionHindi normal ang kabataan ni Raen dahil sa uri ng trabahong mayroon ang kanyang mga magulang. Naging black belter na siya sa apat na klase ng martial arts at marunong na siyang mag-assemble at disassemble ng nine-millimeter handgun bago pa siya tumu...
