4.2

4.5K 128 0
                                        

KANINA pa napapamura si Ethan. Hindi niya naiintindihan kung ano ang pakulo ni Fred ngayon at bigla nitong inatake si Raen. Sigurado siyang si Fred ang nasa likod ng pag-atakeng ito. Kinilala ni Ethan ang lahat ng taong nagtratrabaho para kay Fred. Pati ang mga independent contractors na ginagamit nito ay kilala niya. At ang kasalukuyang umaatake sa kanila ni Raen ay isa sa mga contractors na hindi madaling patumbahin. Pero hindi din naman mahirap. Kailangan lang niyang masiguro na hindi makikialam si Raen—

Nasira ang rhythm ni Ethan nang marinig ang isang putok. "Goddamn it!" napapamurang hinanap niya ang pinanggalingan niyon.

Nakalabas na pala si Raen sa kotse nito at kasalukuyang nagtatago sa gilid ng trunk. Hawak nito ang baril nito at nakatutok iyon kay Ethan.

"What the hell are you doing?" galit na tanong ni Ethan.

"You're welcome," sarkastikong sagot ni Raen na lalong nagpainit ng ulo ni Ethan.

Pero hindi iyon ang oras para pagsabihan ito. Sa gilid ng mga mata ni Ethan ay nakita niyang gumagalaw pa ang isa sa mga gunmen.

"Don't move," matigas ang boses na utos niya kay Raen bago hinarap ang natitirang gunman. Then Ethan proceeded to doing exactly what he did best. Pagkalipas ng maiksing sandali ay muling nangibabaw ang katahimikan sa paligid.

KINAKABAHANG tumayo si Raen sa pinagtataguan niya pero hindi niya iyon ipinahalata. Actually, hindi naman talaga niya kailangang mag-effort pa sa pagpapanggap na hindi siya apektado. Mukha naman kasing mas interesado si Ethan sa pag-i-inspeksiyon sa mga kalalakihang um-ambush sa kanya.

Dahan-dahang lumapit si Raen sa kinaluluhuran ni Ethan katabi ng nakahandusay na katawan ng isang lalaki. Pero nakakailang hakbang pa lang siya ay agad din siyang tumigil dahil biglang tumutok sa kanya ang mapanganib na titig ni Ethan. Hindi ito nagsalita pero sapat na ang tingin na iyon para iparating kay Raen kung ano ang nais nito. At mukhang sapat na din ang tingin na iyon para mapasunod siya dahil hindi na muli pang gumalaw si Raen.

"Halika na," maya-maya ay wika ni Ethan.

"Ha?" distracted na wika ni Raen habang pinapanood ang paglalakad ni Ethan patungo sa motorsiklo nito.

"Hop in," utos nito nang makasakay sa motorsiklo.

Naiintindihan ni Raen ang ibig nitong sabihin. Ang hindi niya naiintindihan ay kung bakit nito sinasabi iyon.

"I don't think—"

"You don't have to think. Basta sumakay ka na lang."

"Pero—"

Bigla na lang ay nasa tabi na ni Raen si Ethan sakay ng motorsiklo. "Sumakay ka na. Kailangan nating umalis agad dito bago dumating ang crew ko."

"Crew?"

"Sila na ang bahala sa mga 'yan," pagkatapos ay itinuro ni Ethan ang mga nakahandusay na gunmen.

"Teka lang, Ethan, hindi ako pwedeng basta na lang sumama sa'yo."

"Pwede at gagawin mo. Now, go get your bag. Iwan mo na lang ang susi sa kotse mo. Ang crew ko na din ang bahala diyan."

Magpro-protesta pa sana si Raen pero bigla na lang bumaba uli si Ethan sa motorsiklo at ito na mismo ang gumawa ng mga pinapagawa nito sa kanya. Habang si Raen ay nakatayo lang doon sa gilid ng motorsiklo nito.

"Raen."

"Ha?"

"Sumakay ka na." sa pagkakataong iyon ay mas malambot na ang pagsasalita ni Ethan. Kaya siguro agad na sumunod si Raen. Ni hindi na nga niya namalayang iniabot nito sa kanya ang kanyang bag. Hindi din niya agad narealize na napakabilis ng takbo nila at kanina pa nakabaon ang mukha niya sa likod ni Ethan. 





S.T.A.I.D. 2 (COMPLETE) - Published under PHRMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon