23.1

3.7K 103 5
                                        

"ETHAN, pwede bang bagalan mo ng konti?" medyo hinihingal na wika ni Raen. Kanina pa siya tumatakbo para lang masabayan si Ethan sa mabilis nitong paglalakad.

Nakakunot ang noong bumaling sa kanya si Ethan. "Sorry," tanging sabi nito saka nagpatuloy sa paglalakad.

Oh God, how she adored this man. She really do. Tanggap na niya iyon ngayon ng maluwag na maluwag.

"Pwede na siguro dito," maya-maya ay wika ni Ethan saka siya hinila papasok sa isang maliit na kuwarto.

Awtomatiko ang pagbukas ng ilaw doon kaya nagulat si Raen. "Anong lugar ito?"

"Briefing room."

"Paano mo nalaman?"

"Memoryado ko ang floor plan ng HQ."

"Talaga?" Tumango si Ethan. "So 'yung pagiging undercover mo, totoo talaga 'yon? I mean, it's just so unbelievable. Ten years? That's just so hard... and dangerous."

"Hindi kita dinala dito para pag-usapan ang tungkol sa trabaho ko. Hell, it was the last thing I want to talk about right now."

And then suddenly, Ethan was right there in front of her. It felt like déjà vu. "Oh."

Napalunok si Raen dahil sa tindi ng intensidad ng titig ni Ethan. Awtomatiko ding napaatras siya. Pero hindi naman siya nakalayo dahil bumunggo na agad ang likod niya sa malamig na pader.

"Natatakot ka ba sa akin?"

Umiling-iling si Raen. Gusto niyang sumagot pero parang hindi na gumagana ang boses niya. Yumuko si Ethan para magkatapat ang kanilang mga mukha. And for the first time since Ethan entered STAID HQ, his expression turned soft.

"Raen," masuyong bulong ni Ethan na ikinatunaw naman agad ng puso ni Raen. Ito na ang Ethan na paminsan-minsan ay nakikita niya. 'Yung Ethan na alam niyang nagtatago sa ilalim ng matigas at mapanlinlang na si Ryder.

"Ethan," ganting bulong din ni Raen.

"I know I'm not in any position to say this, pero ang masasabi ko lang ngayon ay sorry. I'm sorry for causing you pain of any kind. I'm sorry sa lahat ng kinailangan kong gawin at sabihin," sandaling tumigil ito at umiling-iling. "God, I'm such a jerk. But for whatever it's worth, ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para mabawasan ang impact niyon sa'yo. And I know I'm going to be more of a jerk for saying this, but I'm just doing my job."

Napakunot na ang noo ni Raen. Hindi ganito ang inaasahan niyang maririnig mula kay Ethan.

"I'm sorry for leading you to believe that there's more to this."

"This?" tanong ni Raen kahit na naiintindihan na niya ang ibig nitong sabihin.

Tumango si Ethan at saka itinuro si Raen bago itinuro ang sarili. "This is just a job."

"A job?"

"Oo, ginawa ko lang ang trabaho ko. At gusto kong magsorry dahil ginamit kita sa pagmamanipula ko ng sitwasyon."

"Teka," inis na itinaas ni Raen ang isang kamay. "So noong iligtas mo ako sa umambush sa akin, parte lang din iyon ng trabaho mo?"

"Your safety was my top priority at that time."

"Eh 'yung pagpunta mo sa clinic? Nung may kasama ka pang mga goons. Ano 'yun?"

"Tulad ng sabi ko kanina, I was manipulating the situation. Parte 'yun ng plano ko."

"Plano mo talaga na tutukan ako ng baril ng mga lalaking 'yon?"

"I wouldn't have let anything happen to you," indirect na sagot ni Ethan.

"Pero tinutukan pa rin niya ako ng baril. At kinausap mo pa yung lalaki na parang close na close kayo."

"All part of the plan."

"Parte din ba ng plano mo na makatakas ako?" Hindi na maganda sa pandinig ni Raen ang tinatakbo ng usapan nila. Pero kailangan talaga niyang tanungin ang mga iyon. Para na rin sa peace of mind niya.

"Mas madali sana kung sumama ka na lang sa akin nang gabing iyon."

Raen let out a snort. "So 'yung pagkidnap mo sa akin habang papunta ako sa safe house, ano 'yon? Plan B?"

"Oo."

Wala sa sariling naitulak ni Raen si Ethan. "Really?" Pero ni hindi man lang ito natinag kaya itinulak niya itong muli. Sa pagkakataong iyon ay nagpatangay na si Ethan. Humakbang ito paatras at saka pinakatitigan siya.

"This is what I do, Raen. I lie, I cheat, I manipulate people, and I'm damned good at it."

"Anong klaseng buhay 'yan?"

"Buhay ng isang undercover STAID operative," tahimik na sagot ni Ethan.

"So ganoon lang 'yun? Sasabihin mo lang na trabaho mo lang ang lahat, tapos ano ang ineexpect mong sasabihin ko o magiging reaksiyon ko?"

"Wala, gusto ko lang na malaman mo."

"Parang FYI lang, ganoon ba?"

Dahan-dahang tumango si Ethan. Blanko pa rin ang mukha nito.

"Hindi ako naniniwala sa'yo," maya-maya ay wika ni Raen. Ayaw niyang maniwala na ilalagay lang ni Ethan sa kategoryang "trabaho lang" ang lahat ng pinagdaanan nila.

Bigla namang tumigas ang anyo ni Ethan. "I already said my piece. Kung maniniwala ka o hindi, bahala ka na roon."

Nang magsimulang lumakad si Ethan patungo sa pinto ay iniharang ni Raen ang sarili. "You gave me a body strap."

"Parte iyon ng pagprotekta ko sa'yo."

"You kissed me," may pag-aakusang wika ni Raen.

"As a distraction."

"Pero—"

"Kailangan ko nang bumalik sa debriefing ko." Iyon lang at iniwan na siya ni Ethan doon.

Naiwang naguguluhan at naiinis si Raen. Sa totoo lang ay hindi ganoon ang inaasahan niyang kalalabasan ng pag-uusap nilang iyon ni Ethan. Kung tutuusin ay nagsimula nga ng maayos ang usapan nila. He was even looking at her softly when they first entered the room. Pagkatapos ay bigla na lang nag-iba ang tono nito. Pakiramdam tuloy ni Raen ay may pinaplano nanaman si Ethan. But of course, she had a plan of her own.

S.T.A.I.D. 2 (COMPLETE) - Published under PHRMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon