ANG SUMUNOD na beses na nakita ni Raen si Ethan ay sa isa nanamang briefing room. Hindi pa rin siya nakakagetover sa kinalabasan ng pag-uusap nila ni Ethan kaya hindi siya makapagfocus sa ginaganap na briefing.
"Nagpadala na ako ng communication kay Fred at exactly," tumingin muna si Ethan sa suot nitong relo bago sinabi ang oras.
"Saan mo ito ginawa? Don't tell me you were here in HQ while—" naputol ang sinasabi ni Robbie nang itaas ni Ethan ang isang kamay.
Ethan really had that kind of effect on people. "I know my way around computers. Kahit tanungin mo pa si Gideon."
"I trust Ryder," tanging wika ni Gideon.
"Trust?" singit naman ni Papa Abel. "Alam mo ba ang ibig sabihin ng salitang 'yon?"
Ngumiti ng nakakatakot si Gideon. "I guess using the word trust is a bit too much. Sabihin na lang natin na sigurado akong alam ni Ryder ang ginagawa niya."
Pagkatapos niyon ay wala nanamang naintindihan si Raen. May kung anong pinipindot si Robbie sa laptop nito at sunod-sunod na nagflash sa projector ang blueprint ng isang gusali. Ang alam lang ni Raen ay iyon ang lugar na sinet ni Ethan para makipagkita kay Fred.
"It's a good plan," wika ni Myka.
Tumango din si Stone. "Gaano ka kasigurado sa mga detalye tungkol sa building na ito?"
"Kapag sinagot ko 'yan, makokompromiso ang isa ko pang active alias," sagot ni Ethan.
It felt too surreal. Pakiramdam ni Raen ay nanonood siya ng isang action movie. Ang ipinagkaiba lang ay puro miyembro ng pamilya niya ang characters. Ilang sandali lang ay natapos din agad ang briefing at nagsimula na ang planning proper.
"From this point forward, you will be taking my lead," maawtoridad na pahayag ni Ethan.
Napansin ni Raen na tila magrereklamo pa yata si Stone. Pero akala lang siguro niya iyon dahil tahimik na tumango ito makalipas ang ilang sandali. Ganoon din sina Myka at Robbie. Pagbaling niya sa kanyang mga magulang ay parang relaxed na nakikinig lang ang mga ito.
"Let's review our positions," wika ni Gideon.
Isa-isang nagsalita sina Ethan, Stone, at Myka.
"We might need additional hands to watch over the east and west exits," may itinuro si Ethan sa blueprint na naka-project parin sa screen.
"We'll provide another set of hands," singit ni Mama Rose.
"Luke, bakit hindi mo tawagan si Jared?" suhestiyon naman ni Papa Abel.
"Alright, Jared and I will watch over those exits," tumatangong wika naman ni Luke.
"And I'll be your eyes and ears around the place," wika ni Robbie. "Napag-usapan na namin ni Ryder kung paano maha-hack ang system ng building."
"Kami naman ang magiging extraction team," wika ni Papa Abel. "I'll assist in securing Fred."
"I'm driving," masayang wika naman ni Mama Rose.
Biglang natauhan si Raen. "Teka, paano ako? Nasaan ako sa lahat ng eksenang ito?"
Isa-isang tiningnan ni Raen ang mga kasama niya doon sa briefing room. Lahat sila ay kay Ethan nakatingin na para bang hinihintay ng mga ito na si Ethan ang magpaliwanag kung bakit walang naka-assign na task para sa kanya. It's either that or they were all afraid to tell her what her task was.
"Et—Ryder?"
Agad namang sinalubong ni Ethan ang mga mata ni Raen. And what she saw there, she definitely didn't like.
"Dito ka lang."
"Ano?" napataas ang boses ni Raen.
"Dito ka lang sa HQ kasama si Robbie," tipid na sagot ni Ethan.
"Okay, but what exactly am I supposed to do here?"
Umiling si Ethan. "The only thing you need to do is to be safe and alive."
Ibinuka ni Raen ang bibig para magsalita pero walang lumabas doon. Wala kasi siyang maisip na tamang salita para ipahayag ang pagkainis na nararamdaman niya ngayon. In the end, she just turned to her parents. "Nasabi niyo ba sa kanya na pinayagan niyo na akong tumulong sa misyong ito?" Pero hindi naman talaga naghihintay ng sagot si Raen kaya bumaling na agad siya sa dalawa niyang kuya. "May kinalaman ba kayo dito?"
"Kung ako lang ang masusunod, nasa isang safe house ka na noong umpisa pa lang," pahayag ni Stone na ikinakunot ng noo ni Raen.
"At tinulungan ko na sana si Stone," dugtong naman ng Kuya Luke niya.
Raen assumed that they were denying involvement with what Ethan just declared. Kaya ibinuhos niya dito ang buong pwersa ng kanyang pagkainis. "Don't insult me by keeping me out of the mission, Ethan. Alam mong kaya kong i-handle ang sarili ko."
Pinakatitigan muna siya ni Ethan bago ito tipid na tumango. "It's Ryder. At hindi ko ikinakailang kaya mo ngang i-handle ang sarili mo. I'm also not insulting you. I'm just protecting you."
"I don't need to be protected, damn it! I can very well fight alongside any of you."
"I really don't doubt that. I just don't want you to get in my way," kalmadong paliwanag ni Ethan na lalo pang dumagdag sa inis ni Raen.
"Get in your way?" halos hindi na namamalayan ni Raen na naglalakad na pala siya palapit kay Ethan. "Wow! Hindi mo nga ako iniinsulto sa lagay na 'yan," sarkastikong wika niya nang tumigil siya sa tapat nito.
Sa wakas ay nagpakita na ng kaunting reaksiyon ni Ethan. Para bang naging mas intense pa ang ekspresyon ng mukha nito. And for a moment, it felt like Raen's knees would buckle because of that single look.
"Stop this nonsense, Raen. Nagsasayang lang tayo ng oras. Tanggapin mo na lang ang ini-assign kong task para sa'yo."
"Niloloko mo ba ako? Wala nga akong task."
"Your task is to stay here in the HQ."
"That's not a goddamn task."
"It is. Just deal with it." Pagkatapos ay umiwas na ng tingin si Ethan.
And Raen was dismissed just like that. Hindi niya nagustuhan iyon. Lalo na nang magpatuloy si Ethan sa pagbibigay ng kung anu-anong mga utos sa bawat isang taong naroon. Everyone really had their own roles except for her. She felt left out. Ayaw niya ng ganoong pakiramdam.
~~~
Thanks for reading! Don't forget to vote and share this to your friends.
- Kensi
BINABASA MO ANG
S.T.A.I.D. 2 (COMPLETE) - Published under PHR
ActionHindi normal ang kabataan ni Raen dahil sa uri ng trabahong mayroon ang kanyang mga magulang. Naging black belter na siya sa apat na klase ng martial arts at marunong na siyang mag-assemble at disassemble ng nine-millimeter handgun bago pa siya tumu...
