TAHIMIK na pumasok si Raen nang makitang nagcoconcentrate si Ethan sa pagchecheck sa mga magazine ng baril. Hindi ito nagpakita ng kahit anong senyales pero sigurado si Raen na alam nitong naroon siya. Still, neither one of them spoke.
Si Ethan ay tuloy-tuloy lang sa ginagawang paghahanda sa mga dadalhin nitong armas habang si Raen ay matamang pinapanood lang ang bawat galaw nito. There's just something very intimate about watching Ethan prepare for a mission.
"Bilang isang undercover operative, hindi ako pwedeng basta lang pumatay ng kahit sino," basag ni Ethan sa katahimikan. "Responsibilidad ko pa rin ang pumrotekta ng mga inosenteng tao. But there are times when I really had to kill." Pagkasabi niyon ay saka lang bumaling si Ethan kay Raen at nakita niya ang paghihirap sa mga mata nito. "Alam mo naman ang tungkol sa sikreto ko, Raen."
"Anong sikreto?"
"My eidetic memory."
"Oh," was all Raen could say.
"Hindi lang ang mga nababasa ko at napapanood ang natatandaan ko. Pati ang mukha ng mga taong napatay at pinatay ko. Naaalala ko ang bawat isa sa kanila, Raen."
"Oh, Ethan," nagsimulang lumapit si Raen dito pero umiling ito para pigilan siya.
"I remember the look in their eyes when they realize that they were going to die. And I distinctly remember the exact moment when the life in their eyes started to fade. Nandito lahat 'yun, Raen," itinuro ni Ethan ang ulo nito. "Hindi ako mabuting tao. Don't romanticize what I do for a living. Being a STAID operative is a fucked-up job."
"Nakakalimutan mo yata kung sino ang pamilya ko. So don't give me this bullshit about being a STAID operative." Tuluyang nang lumapit si Raen kay Ethan. Hindi niya alam kung matatawa siya nang umatras ito para makaiwas sa kanya. Pero malas lang nito dahil wala nang balak pa si Raen na pakinggan ang mga sermon nito tungkol sa kung bakit hindi ito karapat-dapat sa kanya. Sa totoo lang ay napapagod na siya sa ganoong dialogue ng binata.
"You really don't know what you're getting yourself into, Raen."
"Ikaw ang hindi yata alam kung sino ang kaharap mo."
Sa wakas ay tumigil na sa pag-atras si Ethan kaya napatigil na din si Raen sa mismong tapat nito.
"Ako si Raelyn Marasigan, bunso at nag-iisang anak na babae ng dalawang pioneer operatives ng STAID, kapatid ng second-in-command sa STAID hierarchy, may hipag na hilaw na isa ding STAID operative, may abogadong kapatid, at five-three lang ang height pero may black belt sa apat na martial arts practices." Then Raen abruptly raised her right hand to settle it at the back of Ethan's neck. "And if you don't kiss me right now, you might be physically reminded of all the things I just said. Isang tawag ko lang ay dadating silang lahat dito para iganti ako."
Ethan's lips twitched a little. Para bang pinipigilan nito ang mapangiti. "Pinagbabantaan mo ba ako?"
"Malalaman mo ang sagot kapag hindi mo ako hinalikan."
"This is crazy," Ethan said before claiming Raen's mouth in the most possessive and aggressive kiss she had ever experienced.
But Raen's thriump was short-lived. Bigla na lang kasing bumitiw uli si Ethan.
"Damn, Raen, hindi mo ba nakikita na ginagawa ko ito dahil ayaw kong lalo ka pang madamay?"
"Pero damay na ako dito at hindi na magbabago iyon, whether you like it or not."
"God knows, kung kaya kong baguhin ang sitwasyon ay gagawin ko. Hell, Raen, I did everything I can to spare you from all these ugliness." Pagkatapos ay bigla na lang naging masuyo ang pagsasalita ni Ethan. "You were the first person to ever remind me of the life that I used to dream of. Nang makilala kita," parang pumiyok ang boses ni Ethan kaya tumikhim ito. "After more than ten years of being in the dark, it's as if I suddenly want to come out to the light."
BINABASA MO ANG
S.T.A.I.D. 2 (COMPLETE) - Published under PHR
ActionHindi normal ang kabataan ni Raen dahil sa uri ng trabahong mayroon ang kanyang mga magulang. Naging black belter na siya sa apat na klase ng martial arts at marunong na siyang mag-assemble at disassemble ng nine-millimeter handgun bago pa siya tumu...
