WALA sa sariling pumasok si Raen sa control room. Para kasing hindi totoo ang mga nangyari. Hindi siya makapaniwalang sinabi talaga ni Ethan ang mga bagay na iyon.
"You don't really believe that bullshit, do you?" agad na salubong ni Stone kay Raen.
"Narinig niyo?"
"Of course," nakakunot noong sagot naman ng Kuya Luke niya.
"Isa itong high-tech facility, Raen. Kahit ang pinakamahinang bulong ay kayang pick-up-in ng mga microphones," paliwanag ni Myka.
"Ano?"
"Gusto talaga niyang iparinig sa atin ang mga iyon," sang-ayon din ng Mama Rose ni Raen.
Nararamdaman ni Raen na malapit nang gumuho ang maliit na pag-asang bumangon sa puso niya. Pero hindi siya papayag na mangyari iyon. Kaya pinili niyang manahimik na lang at sarilinin ang tunay na iniisip.
"Masyado tayong focused sa mga sinabi ni Ryder kay Raen," biglang wika ng Papa Abel niya. "Myka, i-replay mo nga 'yung huling sinabi niya."
Pero bago pa magawa iyon ni Myka ay nagsalita na si Raen. "Tinkerbell." Naramdaman niyang limang pares ng napaka-intense na mga mata ang nakatutok sa kanya. Pero nanatiling nakatutok ang mga mata ni Raen sa screen. "Ang sabi niya ay sabihin ko daw iyon sa inyo, Ma, Pa."
"Tinkerbell?" ulit ni Mama Rose.
"Well, I'll be damned," buong pwersa namang bulong ni Papa Abel. Bigla tuloy napabaling dito si Raen.
"Bakit, Pa?" nag-aalalang tanong ni Raen.
Sa halip na sagutin si Raen ay tinungo ng papa niya ang main control panel saka inutusan si Myka na i-operate iyon. "I want you to play the whole footage of Ryder's stay on the interrogation room on fast forward."
"Whole footage?" paniniguro ni Myka na sinagot naman ng papa niya ng isang tango.
"Bakit?" tila hindi nakatiis na tanong ng Kuya Adam niya.
"Kailangan lang naming makasiguro," si Mama Rose ang sumagot.
Sa mga sumunod na minuto ay wala ni isang nagsalita sa kanila. Lahat sila ay matamang pinapanood lang ang footage. Then suddenly, Abel spoke. "Okay na 'yan, Myka. We've seen enough."
"Enough?" tanong ni Luke.
"Yes," sagot ni Mama Rose. "Now we need you to turn it off." Pagkatapos ay iginalaw nito ang isang kamay upang ituro ang mga devices na naroon sa control room. "Turn everything off."
"Kakausapin lang namin sandali si Rdyer. Pagkatapos ay hintayin niyo kami sa opisina ni Gideon," utos naman ni Papa Abel.
"No arguments," pahabol pang utos ng mama ni Raen bago lumabas ng control room.
ANG SANDALING tinutukoy pala ng mga magulang ni Raen ay halos dalawang oras. Malapit nang maubos ang pasensiya niya nang sa wakas ay bumukas ang pinto ng opisina ni Gideon. Then Raen stared in amazement as a decently clothed and undetained Ethan walked in behind her parents.
"What the hell?" galit na wika ni Stone na bigla na lang lumapit sa tatlong bagong dating.
Perhaps it was safe to say that Stone was a man of action rather than of words. Napasinghap siya nang bigla na lang bumagsak sa sahig si Ethan. Ni hindi nakita ni Raen ang paggalaw ni Stone. At lalong hindi niya nahulaan ang ginawa ni Ethan na bigla na lang pagtayo at saka umatake din.
"Oh my God," was all Raen could say as she watched Myka and Luke join Stone in fighting against Ethan. "Tumigil kayo!" Pero parang wala nang naririnig ang mga ito. "Pa! Ma!" Nang tumingin naman siya sa kanyang mga magulang ay parang enjoy na enjoy pa ang mga ito sa panonood habang pinagtutulungan nina Stone, Myka, at Luke si Ethan.
BINABASA MO ANG
S.T.A.I.D. 2 (COMPLETE) - Published under PHR
ActionHindi normal ang kabataan ni Raen dahil sa uri ng trabahong mayroon ang kanyang mga magulang. Naging black belter na siya sa apat na klase ng martial arts at marunong na siyang mag-assemble at disassemble ng nine-millimeter handgun bago pa siya tumu...
