1.1 - Deleted Scene

2K 71 3
                                        

"MABUTI naman at naisipan mo nang magpakita," pabulong na wika ni Ethan nang maramdaman niya ang paggalaw ng isang lalaki sa kanyang likuran.

Hindi agad sumagot ang bagong dating na lalaki. The man just took his time lighting a cigarette. Nakailang buga pa ito ng usok bago sumagot. "I was busy." Mababa at puno ng awtoridad na wika nito. "We need to keep this short. What do you need?"

Hindi din agad sumagot si Ethan. Pinagmasdan lang niya ang lalaki. Matagal na itong kilala ni Ethan. Kilala na niya ito bago pa siyang naging si Ryder. Ang totoo ay ito ang matatawag niyang mentor.

"Raelyn Marasigan," sagot ni Ethan saka bahagyang inayos ang pagkakatalungko sa gilid ng kalsada. May dumaan kasing sasakyan at medyo tumama sa kanila ang ilaw na nagmumula doon.

Nang may dumaan muling sasakyan ay nagkunwa si Ethan na may inaayos sa kariton na nasa harap niya. Speaking of kariton, nalukot ang kanyang mukha nang maamoy ang sarili. Nagpapanggap kasi siyang isang taong grasa ngayon. Isa iyon sa mga pinakaayaw niyang cover identity. Pero iyon ang pinaka-epektibong disguise kung gusto talaga niyang maging invisible dahil siguradong walang ibang papansin at lalapit sa kanya.

"Damn it, Ryder, what's that smell?"

Ngumisis si Ethan. "Kailangang realistic ang disguise ko." Pagkatapos ay sumeryoso na siya. "Alam mong masyadong delikado kapag may nakakitang magkasama tayo. So it has to be this way or no way at all."

"I'm not complaining about your methods. 'Yang amoy mo ang inirereklamo ko." Narinig ni Ethan ang malakas na pagbuntong-hininga ng lalaki. "But this is exactly why you're damned good at what you do. And it's also why I trust you enough to give you this information." Kasunod niyon ay basta na lang ibinato ng lalaki ang nakatuping dyaryo sa ibabaw ng kariton. "Nahulaan ko nang si Raelyn ang dahilan kaya gusto mong makipagkita."

Pasimpleng kinuha ni Ethan ang dyaryo saka binuklat. May isang piraso lang ng papel na nakaipit sa pinakagitna ng mga dyaryo. "Ito lang?"

"'Yan lang ang kailangan mong malaman."

Hindi na sumagot pa si Ethan. Inilabas na lamang niya ang nakatuping papel at pinasadahan ng tingin ang nakasulat doon. Bigla siyang natigilan nang maintindihan ang ibig sabihin ng mga code words na nakasulat sa papel. Muli iyong binasa ni Ethan. Binagalan pa niya ang pagbabasa para masigurong tama nga ang pagkakaintindi niya. "Totoo ba ito?" may halong pagkamanghang tanong niya.

The man just gave Ethan a pointed look. Para bang sinasabi nito sa tingin na iyon na wala siyang karapatang kwestyuhin ang impormasyong dala nito.

Suddenly, the situation became clearer yet complicated at the same time. "This is..." sandaling tumigil si Ethan. "Unexpected."

"That is strictly confidential information, Ryder. Other than the family, you are now one of the only four people alive who know about this. So I'm trusting you to handle this more sensitively," wika ng lalaki sa mapanganib na tinig.

Tumango si Ethan. "I'll handle it the best way I can."

Pero mukhang hindi satisfied ang lalaki sa sagot niya. "Let me make it clear, Ryder. Your first priority is her safety."

Muling tumango si Ethan bago isinauli sa lalaki ang papel. Mabilis na tinanggap naman nito iyon saka naglabas ng lighter mula sa bulsa. Sinindihan nito ang papel at hinayaang masunog. Pinanood lang ni Ethan ang pagkasunog ng papel. Pagkatapos ay tumayo na siya para umalis pero pinigilan siya ng lalaki.

"May kailangan pa akong sabihin sa'yo, Ryder."

Tumingin si Ethan sa lalaki at hinintay na magpatuloy ito.

"We will be cutting our communication channels."

Hindi iyon inaasahan ni Ethan. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Starting tonight, we can no longer contact each other in any way."

Kumunot ang noo ni Ethan. Sigurado siyang may iba pang ibig sabihin ang mga salitang iyon.

"May nangyayari bang hindi ko alam?"

"Nothing that concerns you."

Pero hindi parin kumbinsido si Ethan. "Sigurado ka?"

Tipid na tumango ang lalaki. At parang nakita pa ni Ethan na lumambot ang mukha nito. Pero masyadong mabilis din iyong nawala kaya hindi siya sigurado kung tama ba ang nakita niya. "Kapag tapos na ang lahat ng ito, we're going to sit down in a nice place and have a long talk." Pagkasabi niyon ay umayos na ng tayo ang lalaki at tinapik siya sa balikat. "Mag-iingat ka, Ethan."

Damn! Nakaramdam ng kaunting tensiyon si Ethan. Hindi niya inaasahan ang pagtawag ng lalaki sa kanyang tunay na pangalan. Simula nang i-adapt niya ang pangalang Ryder ay iyon na ang itinawag nito sa kanya. Pakiramdam tuloy ni Ethan ay nagpapahayag ito ng concern sa ganoong paraan. Hindi magandang senyales iyon. Lalo pa tuloy tumindi ang masamang pakiramdam niya. Pero hindi iyon isinatinig ni Ethan. Sa halip, ang sinabi lang niya ay, "Right back at you, Gid."

Pagkatapos ay hinayaan na ni Ethan na umalis ito bago siya gumalaw paalis din sa lugar na iyon. Nakalayo na siya nang muli niyang balikan sa isip ang impormasyong nakuha.

Raelyn Marasigan was the only daughter of the infamous STAID duo, Striker and Starlight.

Shit! This was definitely much more complicated than Ethan originally thought. Kailangan niyang pag-isipan ng mabuti ang mga susunod na gagawin. Ethan knew that this could get ugly very fast and he didn't like being on the losing end.



************

I originally didn't add this part kasi gusto kong i-maintain ang mystery sa pagkatao ni Ethan. But then naisip ko na nasa published version naman ito so I might as well add it here. :) Enjoy reading!

S.T.A.I.D. 2 (COMPLETE) - Published under PHRMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon