14.1

3.6K 102 0
                                        

NANG oras na iyon ay parang gustong magrebelde ni Raen at gawin na lang basta ang gusto niya. Pero hindi naman siya tanga. Ayaw niyang siya pa ang maging dahilan para may ibang taong masaktan. Ang gusto lang talaga niya ay bigyan siya ng chance na mapatunayang kaya din niyang tumulong. Hindi iyong ganito na basta lang nila siyang itatago sa kung saang lugar. Nagsasawa na siya na palagi na lang siyang kailangang bantayan at protektahan. Pero kasalanan naman talaga niya iyon.

"Bakit ba kasi naniwala ka sa sinungaling na Ethan na 'yun?" napapabuntong-hiningang tanong ni Raen sa sarili. Ang pinakanakakainis sa lahat ay hindi din niya pwedeng isisi kay Ethan ang lahat. "This was all my fault. Damn it!"

"Woah there!"

Napalingon si Raen sa pinanggalingan ng boses. Hindi niya napansin na may ibang tao nang pumasok doon.

"May kailangan ka ba, Robbie?"

Pero hindi sinagot ng lalaki ang tanong ni Raen. Mabilis na lumapit ito sa kanya at saka may inilabas na kung anong maliit na gadget mula sa bulsa. Pagkatapos ay ipinatong nito iyon sa kalapit na mesa. "There, it's safe to talk now."

"Safe?"

"Listen, Raen, in exactly four minutes," tumingin muna si Robbie sa suot na relo bago nagpatuloy. "And twenty-five seconds, may darating dito para i-escort ka papunta sa kuwartong gagamitin mo. Oras na nandoon ka na, wala nang ibang taong pwedeng makapasok sa kuwarto mo. So I'm gonna make this real quick."

"Okay," nagtatakang sagot ni Raen. Pero napaatras siya nang may ilabas na malaking syringe si Robbie. "Woah! Don't make me hurt you, Robbie."

"Relax, wala akong balak na masama sa'yo. This isn't what you think it is. This one is a—" naputol ang pagsasalita ni Robbie nang magbeep ang relo nito. "Shit, we only have three minutes left. Wala na tayong oras. Makinig kang mabuti sa mga sasabihin ko, Raen. Shut up and just listen," wika nito nang ibuka ni Raen ang bibig para magsalita.

Napailing nalang tuloy siya at pinakinggan ang napakabilis na pagsasalita ni Robbie.

"We know that Ryder wants you. Base sa mga sinabi mong nangyari sa clinic, hindi ka sinaktan ni Ryder at ang gusto niya ay sumama ka sa kanya. He must need something from you. Now, this is just between the two of us. I know that Stone will not allow this if he found out. Kaya direkta akong nakikipag-usap sa'yo ngayon. Anyway, we have reason to believe that Ryder will try again."

"Ano?"

"He will make contact with you again. Our analysts are very sure. Kahit si Myka ay naniniwalang susubukan ka uling puntahan at kunin ni Ryder. Iyon ang tunay na dahilan kung bakit nagmamadali si Stone na ilayo ka sa lugar na ito. But we can't let that happen, Raen. We can't let this opportunity pass."

"Ano'ng ibig mong sabihin, Robbie?"

Sa halip na sagutin ang tanong ni Raen ay itinapat ni Robbie ang syringe sa mukha niya. "Isa itong GPS biotracker. We want to inject you with it. Just in case Ryder tries again."

"Pero hindi ko na kakailanganin 'yan kung dadalhin naman ako ni Stone sa safe na lugar."

"Okay, let me rephrase that. Gusto naming lagyan ka ng tracker para matrace ka namin kapag nakuha ka na ni Ryder. And I'm not talking in hypothetical terms. We want you to let him take you."

"We?"

Hindi nanaman pinansin ni Robbie ang tanong ni Raen. "Kailangan mo nang magdesisyon ngayon. We have less than two minutes, bago dumating ang sundo mo."

"Hindi ito alam ni Stone at ng pamilya ko?" Umiling si Robbie. "Akala ko ba siya ang boss mo. Why are you going behind his back?"

"Yes, technically, he's my boss. Pero hindi siya ang boss ng STAID."

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"This is a direct order from Gideon. So, ano na ang desisyon mo?"

Unti-unting sumilay ang ngiti ni Raen sa narinig. Ito na ang pagkakataon niya para tumulong. "Saan ba ini-inject 'yan?"

S.T.A.I.D. 2 (COMPLETE) - Published under PHRMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon