MALAKAS na sumigaw si Raen. Napakadilim kasi ng paligid at ginaw na ginaw na siya.
"Raen?"
"K-Kuya?" Iniangat ni Raen ang ulo at hinanap ang pinanggalingan ng tinig. Pagkatapos ay iniangat niya ang kanang kamay upang haplusin ang mukha ng Kuya Adam niya. "You're here," pabulong na wika niya habang hawak ang pisngi nito.
"Raen..."
Napakunot ang noo ni Raen. Parang hindi ganoon ang boses ng Kuya Adam niya. Muli niyang hinaplos ang pisngi nito. But she only felt the rough stubble on his jaw. Sigurado siyang hindi iyon ang pisngi ng kuya niya. Sa reyalisasyong iyon ay parang binuhusan ng nagyeyelong tubig si Raen. Inilibot niya ang paningin sa paligid at agad na nakilala niya ang kanyang desk sa clinic. Pero ayaw paring kumalma ng pakiramdam niya.
"Nananaginip ka, Raen." Biglang nabalot ang mga pisngi ni Raen sa dalawang magaspang na mga palad. "Relax ka lang. Tumingin ka sa akin." Pinilit ni Raen na itutok ang mata sa pinanggagalingan ng boses.
"Raen, it's me, Ethan."
"Ethan?" Kasunod niyon ay unti-unting nagkaroon ng linaw ang blurred na imaheng nasa harap niya.
Oh, shit! This couldn't be happening!
"Ako nga, Raen."
Marahas na napaatras si Raen hanggang sa mabunggo siya sa isang file cabinet. Sumunod si Ethan sa kanya at hinawakan siya sa balikat. Hindi na niya matandaan kung paanong natrap siya sa pagitan ng malamig na metal file cabinet at ng matigas na katawan ni Ethan. "Relax. Hindi kita sasaktan, Raen."
Kinilabutan si Raen. Malapit na malapit lang kasi sa tenga niya ang bibig ni Ethan. Naramdaman pa niya ang mahinang pagdampi ng hininga nito sa gilid ng kanyang leeg. Pero ayaw talagang sumunod ng katawan niya kahit paulit-ulit na nitong sinasabing magrelax siya. Nagpumiglas siya hanggang sa naramdaman niya ang isang braso ni Ethan na pumalibot sa bewang niya.
"Bitiwan mo ako, Ethan."
Sa halip na sundin ang sinabi niya ay lalo pang humigpit ang pagkakayakap ni Ethan sa kanyang bewang. "Kailangan ko munang makasigurong hindi ka biglang aatake."
Ngunit hindi pa man tapos si Ethan sa sinasabi ay umaatake na si Raen. Hindi niya alam kung anong klaseng move ba ang ginawa niya. Basta nagawa niyang kumawala mula sa pagkakahawak ni Ethan. Pagkatapos ay malakas na itinulak niya ito. Napilitang umatras si Ethan. Pero mabilis din itong nakabawi.
Sa isang iglap ay natagpuan ni Raen ang sariling nakaupo na sa mababang file cabinet at ang likod niya ay nakasandal sa malamig na pader. "Just leave me alone, Ethan."
"Hindi kita pwedeng iwan ng ganito."
"Just go away." Hinawi ni Raen ang kamay ni Ethan nang subukan nitong i-check ang kanyang mga mata.
"Don't be unreasonable, Raen. Gusto ko lang makasigurong okay ka."
Naglabas na din ng pen light si Ethan saka muling sinubukang i-check ang mga mata ni Raen.
"I'm not a pet animal," wika ni Raen habang umiiwas.
"Hindi lang ang pagche-check sa mga hayop ang pinag-aralan kong gawin," confident na sagot ni Ethan. "Now, follow the light," kasunod niyon ay tumutok sa kaliwang mata ni Raen ang maliwanag na ilaw.
"No, stop." Saka muling hinawi ni Raen ang kamay ni Ethan.
Pinakatitigan siya ni Ethan bago ito nagsalita sa malumanay na boses. "Hindi mo ako nakilala agad kanina. Tinawag mo akong kuya."
Natigilan si Raen. Nagtake advantage naman agad si Ethan. Mabilis na nahawakan nito ang dalawa niyang kamay at ikinulong iyon sa likod niya. Then without any warning, Ethan expertly parted Raen's thighs and stepped between them. Idiniin pa ni Ethan ang kanyang mga kamay sa likod niya. Awtomatikong napaliyad si Raen palapit dito. Tila iyon lang ang hinihintay ni Ethan bago iniipit sa sariling bibig ang pen light. Pagkatapos ay ginamit nito ang isa pang kamay para ibuka ang kanyang mga mata.
Hindi naman sa hinayaan na lang ni Raen si Ethan sa ginagawa nito sa kanya. Siguro ay masyado lang siyang na-shock. Hindi naman kasi normal para kay Raen na basta na lang i-manhandle na tulad ng ginagawa ni Ethan ngayon sa kanya. Pero ang nakakagulat doon ay parang nae-excite siya.
"Ethan," nagulat pa si Raen nang lumabas na pabulong iyon. "Stop this," mas malakas na ang pagkakasabi niya doon. Pero nagpatuloy lang si Ethan sa ginagawa nitong pagche-check sa kanyang mga mata. "Ethan, okay lang ako!"
Ilang sandali pa ang lumipas bago tumigil si Ethan sa ginagawa. Dahan-dahang ini-off nito ang pen light at inilagay sa breast pocket ng suot na scrub suit. Ang akala ni Raen ay lalayo na din ito sa kanya pero nanatili ito sa pwesto. Ang nagbago lang sa posisyon nila ay hindi na nito hinahawakan ang kamay ni Raen sa kanyang likuran.
"How do you feel right now?"
"Suffocated," inis na sagot ni Raen. Pero sa sarili niya talaga siya naiinis at hindi kay Ethan.
"I guess that also answers my next question. Kung nakakahinga ka ba ng maayos."
"Lumayo ka sa akin at siguradong makakahinga ako ng maayos."
Hindi agad sumagot si Ethan. Pinakatitigan lang nito si Raen hanggang sa pakiramdam niya ay gusto na niyang malusaw sa pagkailang.
"I'm making you uncomfortable." Ang paraan ng pagkakasabi doon ni Ethan ay para bang nagrerecite lang ito ng isang universal fact.
"I'm being pressed against a cold, hard wall while sitting on top of an equally cold and metallic file cabinet. Yeah, you could probably say I'm uncomfortable." Pagkatapos ay sarkastikong ngumiti si Raen para pagtakpan ang kanyang kaba.
"Hmm..." tanging sagot ni Ethan. Ikiniling pa nito ang ulo habang matamang nakatitig sa mukha niya. It was like he was smiling but not really smiling. Teka, pwede ba 'yun? Well, obviously pwede iyon dahil ganoong klase ng ngiti ang nakikita niya sa mga labi ni Ethan ngayon.
Pagkatapos ay biglang nahigit ni Raen ang hininga nang tumutok sa kanyang mga labi ang mga mata ni Ethan.
Ah, shit! Bakit ba parang nawawala na ako sa sarili? Hindi pwede ito! Ako si Raelyn Marasigan. Black belter ako sa apat na klase ng martial arts. Marunong na akong mag-assemble at disassemble ng nine millimeter handgun bago pa ako tumuntong sa edad na sixteen. At hindi ako basta-basta madadala dahil lang sa isang guwapong mukha, goddamn it!
Pero mukhang hindi na kailangan ni Raen ang pep talk na iyon. Sa isang iglap ay bigla na lang umatras si Ethan. Ginamit ni Raen ang pagkakataong iyon para bawiin ang kontrol niya sa sarili. "Uuwi na ako," anunsiyo niya saka patalong bumaba sa file cabinet.
Ngunit nakadalawang hakbang pa lang yata siya nang muling magsalita si Ethan. "Nakatulog ka sa desk mo. Binabangungot ka yata kanina nang tawagin mo akong kuya."
Nilingon ni Raen si Ethan. Mataman itong nakatingin sa kanya. Kailangan na niyang makaalis doon ng mabilis. "I have to go."
************************
Thank you for reading. You may notice na may kaunting inconsistencies sa mga scenes. That's because this is the raw version. So it's unedited and you may find some typographical and grammatical errors. IStill, I hope magustuhan niyo! And let me know what you think! ☺ Don't forget to vote and share this to your friends. Also, don't forget to follow me!
I hope you can buy the published book.
If that's not your thing, you can still read STAID 1 and 3 here on Wattpad.
BINABASA MO ANG
S.T.A.I.D. 2 (COMPLETE) - Published under PHR
AksiHindi normal ang kabataan ni Raen dahil sa uri ng trabahong mayroon ang kanyang mga magulang. Naging black belter na siya sa apat na klase ng martial arts at marunong na siyang mag-assemble at disassemble ng nine-millimeter handgun bago pa siya tumu...
