14.2

3.6K 106 5
                                        

NANG makasakay si Raen sa kotse at magsimula silang umandar ay pinigil niya ang sariling mag-isip. Hindi nga siya naniniwala sa mga fate-fate na yan. But for once, she wanted to just lie there and let the forces of nature guide her—

Napadilat si Raen nang biglang pumreno ang kotse. "Shit!" narinig pa niyang wika ng STAID agent na nagdadrive. Naaalala niyang binanggit ni Myka kanina ang pangalan nito pero hindi naman niya matandaan. "Don't worry, may konting aberya lang," sabi ng STAID agent saka ibinalik ang atensiyon sa pagmamaneho.

Hindi naman nag-aalala si Raen. Ibinalik lang niya ang pagkakasandal ng ulo sa sandalan at ipinikit ang mata. Kahit nang magpagewang-gewang ang takbo ng kotse ay hindi siya kinabahan. For some reason, she felt an inner peace that she had never felt before.

Matagal na sandaling tila nakipagbuno ang kotse nila sa kung sinumang sumusunod sa kanila. Nang biglang tumigil ang kotse ay nanatiling relaxed ang pakiramdam ni Raen. Ilang minuto pa yata ang lumipas bago niya narinig na bumukas ang pinto sa kanyang tabi. Then suddenly, familiar hands were touching her cheeks.

"Ethan?" Nang idilat niya ang mga mata ay sinalubong siya ng mga matang hindi yata niya makakalimutan kahit kailan. Pagkatapos ay napansin niya na nakasuot nanaman ng maskara si Ethan.

"I'm here to get you."

And just like that, Raen suddenly felt whole. Yung kulang na nararamdaman niya kanina ay parang biglang nawala. "I know," bulong niya.

"I'm sorry," wika ni Ethan bago nagdilim ang paningin ni Raen. Piniringan na kasi nito ang mga mata niya. Ang mga mata nito ang tanging imaheng naiwan sa isip niya.

ANG PEACEFULNESS na nararamdaman ni Raen kanina ay wala na ngayon. She was now pissed off. Kahit sino naman siguro ang piniringan, tinalian ang kamay at paa, at isinakay sa trunk ng kotse ay makakaramdam ng ganoon. Mabuti na lang at tumigil na ang kotse.

Sinubukang alisin ni Raen ang piring niya pero hindi niya magawa. Nangangawit na siya at pinagpapawisan pa. Idagdag pang masakit na ang pagkakatali sa kamay niya. Nagawa lang niyang galawin ng kaunti ang piring. Ang una niyang tiningnan ay ang suot niyang relo. Mahigit tatlong oras na pala siyang naroon.

Nagulat si Raen nang bigla na lang bumukas ang trunk ng kotse. Pagkatapos ay narinig niya ang boses ni Ethan. "You won't need this anymore." Kasunod niyon ay nawala na ang blindfold ni Raen. Nag-a-adjust pa sa liwanag ang kanyang mata nang hawakan nito ang kanyang kamay. "And this," pagkatapos ay mabilis na kinalas ni Ethan ang tali.

Ang akala ni Raen ay bibitiwan agad siya nito. Pero nagulat pa siya nang haplusin nito ang kanyang kamay. "Nice watch."

"Oh," tanging nasabi ni Raen. Ang akala pa naman niya ay hinahaplos talaga nito ang kamay niya. Yun pala ay tinitingnan lang nito ang relo niya.

"It's a GPS watch."

Tumango lang si Raen habang nakikiramdam kung ano ang susunod na gagawin ni Ethan.

"Hmm," wika nito bago inalis ang kanyang relo. Pagkatapos ay iniharap nito iyon sa kanya. "Paano ino-on ito?"

"Ha?"

"Paano ino-on ang GPS?"

Nagtataka man ay sumagot na din si Raen. Sinabi niya kung ano ang kailangan nitong pindutin. Hinintay niyang magsalita itong muli pero tahimik na kinalikot na nito ang kanyang relo. Nang tila makuntento na si Ethan sa pagpipindot sa kanyang relo ay itinuon na nito ang atensiyon sa kanyang paa.

Hindi makita ni Raen kung ano ang ginagawa ni Ethan. Pero naramdaman niyang nakalas ang taling nakatali doon. Pagkatapos ay biglang hinawi ni Ethan ang suot niyang pantalon. "Ano'ng ginagawa—Aw!" daing niya nang mauntog. Basta na lang kasi niyang iniangat ang ulo nang maramdamang ipinaloob ni Ethan ang kamay sa laylayan ng kanyang pantalon. Then he strapped her watch on her right ankle.

"Tsk-tsk," umiling-iling lang si Ethan. And in one smooth movement, he carried her out of the trunk.

"Ethan—"

"Mayroon lang akong tatlong rules na kailangan mong sundin, Raen. First, don't make eye contact with anyone. Second, don't ever fucking talk. Never open your mouth to say anything or answer any question."

"Ano'ng sina—"

Biglang natagpuan ni Raen ang sariling nakasandal sa nakasaradong trunk ng kotse. Ethan was looming above here and giving her a very grave look. "Hindi ba kasasabi ko lang na 'wag kang magsasalita?" Lalo pa siyang idiniin ni Ethan doon.

Napasinghap si Raen nang bigla na lang haplusin ni Ethan ang kanyang buhok. He threaded his fingers in her hair and gently massaged her head. "Listen to me very carefully, Raen."

Muling napasinghap si Raen nang bumaba ang kamay ni Ethan sa kanyang leeg. He caressed it before moving his hands down to her shoulders. Pagkatapos ay inilapit nito ang bibig sa tenga niya. "This isn't what you think. Bago tayo pumasok sa loob, gusto kong magkaintindihan muna tayong dalawa." Nasa bewang na niya ngayon ang mga kamay ni Ethan. "Isipin mo na ang kung anong gusto mong isipin at paniwalaan tungkol sa akin at sa nangyayari ngayon. Wala akong pakialam sa mga iyon."

"W-What's the third?" bulong ni Raen.

"Third?"

"Ang sabi mo kanina ay may tatlo kang rules. Dalawa pa lang ang nababanggit mo. Ano ang pangatlo?"

Nang oras na iyon ay nakarating na sa legs niya ang mga kamay ni Ethan. "Ah, here's the third." Pero hindi naman ito nagpatuloy. Sa halip ay ang paghaplos sa legs niya ang itinuloy nito. Nang yumuko si Ethan para maabot ang kanyang paa ay noon lang narealize ni Raen ang ginagawa nito. He wasn't really caressing her after all. Kinakapkapan siya nito!

Raen was horrified at that. Kailan pa naging magkapareho ang paghaplos at pagkapkap?

Sa wakas ay dumiretso na ng tayo si Ethan saka pinakatitigan siya. "Kahit na ano pa ang makita o marinig mo sa loob, believe this. I will never let anything bad happen to you." Pagkasabi niyon ay bigla na lang yumuko si Ethan at itinapat ang balikat sa kanyang tiyan at saka siya binuhat na parang isang sako ng bigas.

S.T.A.I.D. 2 (COMPLETE) - Published under PHRMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon