"MA, GUSTO kong malaman kung ano ang nangyari kay Ethan. Sabihin mo na sa akin, please," pagmamakaawa ni Raen habang inaalalayan siya ng mama niya na maglakad palabas ng building.
Injured si Ethan at ayon kay Robbie ay may paparating na daw na medic team doon. Iyon lang ang nalaman niya bago iniutos ni Stone na putulin ang signal ng kanyang suot na earpiece. Ngayon ay wala siyang marinig ni isang ingay sa paligid. Kung paano nagawa ng STAID iyon ay hindi niya alam. Ipinaliwanag ng mama niya kanina na malamang ay irereport lang iyon bilang power failure. Pwede ding palabasin ng STAID na may sumabog na electric transformer. But Raen didn't care about that. Ang gusto lang talaga niyang malaman ay kung ano na ang kalagayan ni Ethan.
"I'm sorry, Raen. Ryder is badly injured."
Gustong gumalaw ni Raen at tumakbo patungo kay Ethan pero hindi naman niya magawa. Letseng muscle relaxant ito. Ni hindi siya nakapalag nang pahigain siya ni Mama Rose sa backseat ng SUV.
"Tell me more, please."
Sumusukong naupo sa tabi ni Raen si Mama Rose at kinandong ang ulo niya. "Mukhang hindi naman talaga si Gideon ang target ni Fred kundi si Ryder. He received a gun shot wound to the shoulder. Hindi naman iyon fatal. But the bullet was laced with poison."
Biglang nahirapang huminga si Raen. "Oh my God, Ma, he can't die."
Niyakap na si Raen ng mama niya habang patuloy ang pagpatak ng mga luha niya. Noon nga lang niya namalayan na umiiyak na siya. "I'm really sorry, Raen. I don't want you to keep your hopes up. Noong teammate pa namin si Rookie sa STAID, isa sa mga trademarks niya ang paggamit ng poison-laced bullets. Kahit kailan ay wala pang nakakaligtas sa mga iyon."
Lalong napaiyak si Raen sa narinig. Dahil sa background ng pamilya niya ay hindi siya lumaki na tulad ng ibang mga batang babae na nangangarap na maging fairytale princess. Kahit kailan ay hindi din siya bumuo ng mga pangarap na mala-fairytale. Pero nagbago iyon dahil kay Ethan. He made her want to wish for the kind of love that starts with once upon a time and ends with happily ever after. Isang beses na nga lang siyang mangarap ng ganoon ay hindi pa matutupad. Bakit ba napaka-unfair ng buhay?
IT'S BEEN six months—six goddamned months. Sa loob ng anim na buwan ay napakarami nang nagbago sa paligid ni Raen. Doon na uli siya nakatira sa bahay nila kasama ang kanyang mga magulang dahil ibinenta na niya ang kanyang townhouse. Paminsan-minsan ay nakikita niya si Stone. Ang Kuya Luke naman niya at si Myka ay abala sa paghahanda para sa kasal nila. Who knows what happened to Gideon. Pero base sa mga usapan ng mga magulang niya na minsan ay aksidenteng naririnig niya ay malaki daw ang ipinagbago ni Gideon.
Lahat sila ay nagbago na o kaya naman ay may pagbabago na sa buhay. Pero si Raen ay heto at naka-stuck pa rin sa iisang tao.
"Ethan..." wala sa sariling naibulong ni Raen habang nakatingin sa consultation table kung saan naroon ang isang aso. It was Mavy the German shepherd. Isa iyon sa mga asong magkasama nilang ginamot ni Ethan dati.
"Damn!" napapamurang pinunasan ni Raen ang luhang bigla na lang nakawala. Kahit na anim na buwan na ang nakalipas ay hindi pa rin nababawasan ang sakit na naramdaman niya mula noong araw na sabihin ni Gideon na wala na si Ethan.
"Hindi ako naniniwala. Gusto ko siyang makita," Raen demanded then. Pero matigas na umiling si Gideon.
"I'm sorry, hindi mo siya pwedeng makita."
"Bakit?"
"It's been three days. We had to dispose of the body."
Halos maging hysterical si Raen sa sinabi ni Gideon. "You had to d-dispose of—" kung hindi lang maagap ang mga magulang niya ay baka bumangon na siya sa hospital bed. "How could you stand there and talk like that? Like-like you're not talking about a person who devoted his goddamned life to working for you. H-how could y-you!"
But her outburst was met with pure silence. Para bang wala ni isa ang gustong sumagot. O kaya ay wala ni isa ang may maisasagot. Sa huli ay ipinaliwanag ni Gideon na kinailangan daw gawin iyon dahil naging airborne na ang lason na napasok sa katawan ni Ethan.
Iyon talaga ang isa sa mga bagay na lalong nagpabigat sa nararamdaman ni Raen. Hindi man lang kasi niya ito nakita. Ni hindi siya nakapagpaalam ng maayos.
"Ah, shit! Tama na 'yan, Raen," sita niya sa sarili nang marealize kung saan nanaman naglakbay ang isip niya.
Matapos humugot ng malalim na hininga ay tumayo na si Raen at itinutok ang atensiyon sa pagsusulat ng recommendation sa record ni Mavy. Patapos na siya nang may kumatok sa consultation room at sumungaw sa pinto si Kelly.
"Raen, may naghahanap sa'yo sa labas."
Napakunot ang noo ni Raen. "Sino?"
"Jared daw ang pangalan. Guwapo," nakangiting sagot nito.
Napailing na lang si Raen. Simula nang mawala si Ethan ay parang palagi na lang nariyan si Jared sa paligid. Hindi niya maintindihan kung bakit ito ang palaging nauutusan para sunduin siya o kaya samahan kung saan. Nang minsang tanungin niya ang Kuya Luke niya, ang sinabi lang nito ay, "Ipinasa na pala nila sa'yo si Jared." Hindi alam ni Raen ang ibig sabihin niyon at nawalan na din siya ng interes para alamin.
"Okay, thanks, Kelly," tanging isinagot ni Raen bago lumabas si Kelly.
~~~
Don't forget to vote and share this to your friends!
-Kensi
BINABASA MO ANG
S.T.A.I.D. 2 (COMPLETE) - Published under PHR
AzioneHindi normal ang kabataan ni Raen dahil sa uri ng trabahong mayroon ang kanyang mga magulang. Naging black belter na siya sa apat na klase ng martial arts at marunong na siyang mag-assemble at disassemble ng nine-millimeter handgun bago pa siya tumu...
