2.2

5.6K 159 0
                                    

KINABUKASAN ay maagang pumasok si Raen. Maaga kasi siyang nagising at ayaw na niyang bumalik pa sa pagtulog. Teka, hindi yata 'yun tama. Ang totoo ay hindi talaga siya nakatulog dahil sa kakaisip kay Ethan. Wait, that didn't come out right. Hindi nakatulog si Raen dahil nag-aalala siya tungkol kay Ethan. As in nag-aalala siya tungkol sa nararamdaman niya para dito.

Una sa lahat, sigurado siyang hindi normal ang mga reaksiyon niya dito. Pangalawa, natatakot siya. Hindi niya maipaliwanag pero may kung anong nakakatakot sa klase ng nararamdaman niya sa tuwing nasa paligid lang ito.

Nasa kalagitnaan na ng reception area si Raen nang maramdaman niyang may ibang tao sa loob. Agad na kinapa ni Raen ang kanyang handgun sa loob ng dalang backpack. Simula nang ibilin ng papa niya na palagi iyong dalhin ay hindi na iyon humihiwalay sa kanya.

Nang mailabas ang handgun ay ini-release ni Raen ang safety. Pagkatapos ay dahan-dahan siyang naglakad patungo sa waiting room. May naaninag siyang bulto ng isang tao sa likod ng display na halaman. Kasunod niyon ay bigla na lang gumalaw ang halaman. Agad na isiniksik ni Raen ang sarili sa gilid ng pinto para hindi siya makita.

"Raen," mahinang tawag ng isang boses lalaki.

Hindi na nag-isip pa si Raen. Awtomatikong itinutok niya ang baril sa direksiyong pinanggalingan ng boses. Pero bigla na lang ay may humawak sa kanyang kamay. Hindi sigurado si Raen kung ano ang nangyari. Basta nakaramdaman siya ng pressure sa kanang kamay niya pagkatapos ay bigla na lang niyang nabitiwan ang baril.

Nang sumunod na sandali ay pumasok na si Raen sa loob ng waiting room at sinubukang sikuin ang lalaki. Pero hangin lang ang tinamaan ng kanyang siko. Muntik pang mawala ang balanse niya pero agad siyang nakarecover. Kasunod niyon ay gumalaw si Raen at sinipa ang lalaki. May matigas na bagay siyang tinamaan. Pagkatapos ay ay may narinig siyang ingay. Teka, parang hindi iyon ingay. It was a laugh. At kilala ni Raen ang mahinang pagtawang iyon. It was Ethan!

Alam niyang dapat na siyang tumigil. Pero hindi na kontrolado ni Raen ang sarili. Siguro dahil stressed siya. Hindi na niya alam. Basta nang oras na iyon ay gusto niyang maglabas ng frustration. Gumalaw ng kusa ang kanyang katawan at nagpakawala siya ng isa pang sipa. Raen's short height was actually a disadvantage during hand-to-hand combat. Pero tinuruan siya ng mga magulang niya kung paano ita-transform iyon sa kanyang advantage. Her parents taught her a combination of moves to hit her target. Pero madaling naiwasan ni Ethan ang lahat ng iyon.

"Damn it!" kumawala sa bibig ni Raen ang mahinang mura nang sagutin ni Ethan ng ilang defensive moves ang kanyang pag-atake.

"Good morning, Raen," bulong ni Ethan nang sandaling tumigil ito sa paggalaw.

Hindi nagustuhan ni Raen ang tono ng pagsasalita nito. Na para bang normal lang sa kanila ang magbatian ng suntok. "What the hell, Ethan!" Sinubukan uli niya itong suntukin.

Naiwasan naman iyon agad ni Ethan. "I could say the same to you."

"Bakit nandito ka ng ganito kaaga?" tanong niya saka itinulak ito ng malakas.

"I was just starting early on rearranging some furniture."

Naguguluhang tinitigan ni Raen si Ethan.

"Nagvolunteer akong ayusin ang reception area, hindi ba?" Sinamahan pa iyon ni Ethan ng ngiti. "Pumasok ako ng maaga ngayon para tapusin ang pag-aayos. Pinahiram sa akin ni Kelly ang susi. Eh ikaw? Bakit ang aga mo?" Pagkatapos ay lumipad ang mga mata ni Ethan sa direksiyon kung saan nahulog ang kanyang handgun.

Hindi na nito kailangan pang isatinig ang tanong tungkol sa baril. Nakuha na agad iyon ni Raen. Pero ang sinabi lang niya ay, "I always come to work early."

S.T.A.I.D. 2 (COMPLETE) - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon