"Welcome, Raelyn."
Napaangat ang ulo ni Raen sa pagbating iyon. Wala sa sariling kinilabutan siya nang salubungin siya ng isang pamilyar na mukha. Pamilyar iyon sa kanya dahil ganoong-ganoon ang itsura ng lalaking ipinakilala sa kanya bilang Fred o Agent Rookie. Hindi ito napansin ni Raen kanina nang dumating sila doon ni Ethan.
"Base sa reaksiyon mo ay kilala mo na kung sino ako," pagpapatuloy ni Fred.
"I—" hindi naituloy ni Raen ang sasabihin dahil basta na lang siyang ibinaba ni Ethan. Nang lingunin ito ni Raen ay kitang-kita niya ang warning sa mga mata nito.
"Yes?" agaw ni Fred sa atensiyon ni Raen.
"I have nothing to say to you," sagot ni Raen kasabay ng paglayo sa kanya ni Ethan. Hindi niya nagustuhan ang paglayo nito kaya sinundan niya ito ng tingin.
Tumawa ng malakas si Fred. "Alright, naniniwala na ako sa'yo ngayon, Ryder. You really did have her under control."
Dahil doon ay muling napatingin si Raen kay Fred. Sinalubong naman nito ang tingin niya na may kasamang malisyosong ngiti. Kinilabutan si Raen. At sigurado siyang wala iyong kinalaman sa lamig na nararamdaman niya.
"You don't look like your mother but you have her eyes," maya-maya ay komento ni Fred.
Hindi sumagot si Raen.
"Curious ako kung ano pa ang mga namana mo sa mga magulang mo. Let's find out, shall we?" then Fred gestured toward a small sofa.
Noon lang nagkaroon ng pagkakataon si Raen para pag-aralan ang kuwarto. Sa isang sulok ay may maliit na mesa. May nakahaing mga pagkain sa ibabaw niyon. Sa di kalayuan naman ay may isang mas malaking sofa. Walang bintana doon at kahit anong decorations. Ayon sa bilang niya, maliban kina Ethan at Fred ay may anim pang lalaking naroon. May tatlong lalaking nakatayo malapit sa pinto at ang tatlo pa ay nasa likod naman ni Fred. In short, her chances of escaping were equal to zero.
"Alam kong buong araw ka nang hindi kumakain. Kumain muna pagkatapos mong magbihis bago natin ituloy ang pag-uusap." Pagkatapos ay bumaling si Fred kay Ethan at tumango.
Tila naman naiintindihan na ni Ethan ang ibig sabihin ng tingin na iyon dahil muli itong lumapit kay Raen. Hinawakan siya nito sa kamay at iginiya patungo sa isang sulok ng malawak na kuwarto. Then he gestured to the small table near the big sofa.
"Magbihis ka," Ethan ordered in a chilling voice.
"Ano?"
Bilang sagot ay itinuro lang uli ni Ethan ang mga damit na nasa ibabaw ng mesita.
"Dito?" Muli ay inilibot ni Raen ang paningin sa malawak na kuwarto. Seven pairs of malicious eyes were looking at her. Kahit nang umiwas na siya ng tingin ay damang-dama parin niya ang mabibigat na titig ng mga ito. Humugot siya ng malalim na hininga saka mariing pumikit. Nang muling dumilat si Raen ay naroon na si Ethan sa mismong harap niya. Ni hindi niya namalayang gumalaw pala ito para magkalapit sila ng husto.
Raen was grateful for Ethan's nearness. Para kasing nakahiram siya ng kaunting lakas mula dito. Iniangat ni Raen ang dalawang kamay at ipinatong sa dibdib ni Ethan. Pagkatapos ay itinulak niya ito ng malakas.
"Hindi ako magbibihis dito." Sinadya niyang patalimin ang boses. Tumingin pa siya sa gawi ni Fred para iparating dito na hindi nila siya basta-basta mapapasunod.
Tumawa ng malakas si Fred. "Mukhang namana mo ang katigasan ng ulo ni Striker."
Hindi iyon pinansin ni Raen at muling hinarap si Ethan. "I'm not gonna wear those clothes. Malay ko ba kung saan mo lang nakuha 'yan."
BINABASA MO ANG
S.T.A.I.D. 2 (COMPLETE) - Published under PHR
AksiHindi normal ang kabataan ni Raen dahil sa uri ng trabahong mayroon ang kanyang mga magulang. Naging black belter na siya sa apat na klase ng martial arts at marunong na siyang mag-assemble at disassemble ng nine-millimeter handgun bago pa siya tumu...
