4.3

4.7K 132 2
                                    

SINISISI ni Raen ang naganap na pag-ambush sa kanya kaya siya panandaliang nawala sa sarili kanina. Pero kanina lang 'yun. Nang ipasok ni Ethan ang motorsiklo sa isang mumurahing motel ay nagbalik na ang katinuan niya.

"Oh my God," bulong ni Raen sa sarili. Nanlalaki ang mga mata niya habang nagpapalingon-lingon sa paligid. Thankfully, wala namang ibang makikitang tao doon. Masyado kasing mapusyaw ang mga ilaw.

Nang makalampas sila sa maiksing driveway ay tuloy-tuloy na ipinasok ni Ethan ang motorsiklo sa loob ng isang makeshift na garahe.

"Oh my God," naibulong nanaman niya nang magsimulang dumilim ang paligid dahil sa pagsara ng pinto ng garahe. Nilingon iyon ni Raen. May namataan pa siyang isang pares ng sapatos bago iyon tuluyang bumaba.

"Raen."

"Ano?"

"Pwede mo na akong bitiwan."

Noon lang niya napansin na mahigpit pa rin pala siyang nakakapit sa bewang ni Ethan. Tila napapasong mabilis na bumitiw siya. Then Ethan smoothly got off the motorcycle. Puno ng pagdududang pinanood niya itong maglakad patungo sa maliit na pinto. Noon lang natauhan si Raen.

"Teka lang," wika ni Raen saka nagmamadaling bumaba na din sa motorsiklo. "'Wag mong bubuksan."

Lumingon si Ethan at tumutok nanaman sa kanya ang mga mata nito. The reddish light made his face look harder. Teka, reddish light? Bakit may reddish light doon?

"May problema ba?"

"Oo, 'yung ilaw, bakit pula?"

Umangat ang isang sulok ng mga labi ni Ethan.

"I mean, what the hell are we doing here, Ethan?"

"Pwede bang mamaya na natin pag-usapan 'yan? Kailangan ko munang—"

"No!"

Natigil ang akmang pagbukas ni Ethan sa pinto. "Ano ba ang problema mo?" iritadong tanong nito.

"Isa itong motel," pahayag ni Raen na para bang naipaliwanag na niyon ang lahat.

"So?"

"Hindi ako pwedeng manatili dito. Isa itong motel."

Tiningnan lang siya ni Ethan bago binuksan ang pinto. Ni hindi nakapagprotesta si Raen. Hindi makapaniwalang pinanood lang niya ang mahinang pakikipag-usap ni Ethan sa isang lalaki na nasa labas ng pinto. Pagkatapos niyon ay inabutan ito ni Ethan ng pera. Agad na lumapad ang ngiti ng lalaki saka sunod-sunod na tumango. Kasunod niyon ay nangyari ang kinatatakutang bagay ni Raen. Tumingin ito sa kanya habang malisyosong nakangiti. Pero sandali lang iyon. Bigla na lang kasing pinagsarhan ito ni Ethan ng pinto.

"Raen—"

"I want to shoot him." Nakatingin parin si Raen sa pinto nang sabihin iyon.

"Kung hindi lang natin kailangang magtago dito, I would have killed him with my bare hands just by looking at you."

Mabilis na lumipad ang mga mata ni Raen sa mukha ni Ethan. Pero hindi ito nakatingin sa kanya. May kung anong kinakalikot na ito sa gilid ng pinto.

"Pero mas mabuti nang isipin niya na tulad lang tayo ng ibang mga pares na nagpupunta dito."

And just like that, the overwhelming feeling from what Ethan said was gone.

"Tulad ng iba? Oh, no, Ethan, hindi tayo pwedeng manatili dito. This is a motel and not even a nice one, for Pete's sake!"

Pinasadahan ni Ethan ng tingin ang kabuuan ng maliit na garaheng iyon. "It's just perfect."

"Perfect?" halos lumuwa ang mga mata ni Raen sa itsura ni Ethan na tila satisfied na satisfied sa lugar na iyon. "For your information, hindi ako ang klase ng babaeng basta na lang nagpupunta sa motel. As a matter of fact, ito ang unang beses na nakaapak ako sa isang motel!"

"That's very good to know, Raen." Iyon lang at naglakad na ito patungo sa kung saan.

"Teka lang, Ethan, saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos mag-usap."

"Gusto ko lang maupo." Pagkatapos ay nagpatiuna na si Ethan sa pag-akyat sa isang masikip na hagdan. Walang ibang choice si Raen kundi ang sumunod hanggang sa pumasok si Ethan sa pinto na nasa taas ng hagdan.

Agad na natigilan si Raen sa bukana ng kuwarto. It was even worse than she imagined. Hindi naman sa nag-i-imagine siya ng itsura ng isang motel room.

"You were saying?" putol ni Ethan na nakaupo na sa natatanging upuan doon sa kuwarto.

"Kung ayaw mong umalis dito, ako na lang ang aalis."

Narinig ni Raen ang malakas na pagbuntong-hininga ni Ethan. "Ano ba talaga ang problema mo sa motel na 'to? It's the safest place for us right now."

"Safest?" halos pasigaw na tanong ni Raen.

"Hindi ka safe hanggat hindi natin nalalaman kung ano ang motibo ng mga lalaking humarang sa'yo."

"But this is a motel!"

"Kanina mo pa sinasabi 'yan. Oo, isa itong motel. So what?"

"Anong so what? Tingnan mo nga ang itsura natin?" Itinuro ni Raen ang sarili bago itinuro si Ethan. "Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao?"

"Wala namang ibang taong nakakita sa atin maliban dun sa boy na nagbabantay."

"Eh paano kung may nakasilip sa mga bintana sa ibang kuwarto?"

"Hindi ka naman nila kilala. Saka walang bintana ang mga kuwarto dito. Kahit tingnan mo pa."

Binigyan ni Raen si Ethan ng nagdududang tingin. "Bakit mo alam? Nanggaling ka na ba dito dati?"

"Hindi pa."

"Eh bakit parang alam na alam mo na walang bintana dito?"

"Walang bintana ang mga kuwarto sa mga motel."

"Kung magsalita ka parang sanay na sanay kang magmotel ah."

"Para sa mga taong may tinatakbuhan, perfect na lugar ang mga motel para pagtaguan. Hindi nanghihingi ng ID at discreet ang mga tao."

"So, sanay ka ngang magmotel?"

Umiling-iling si Ethan saka nag-slouch sa upuan. "Just stop thinking, Raen. Nandito lang tayo para magpalipas ng gabi. Kapag sigurado na akong ligtas ka ay iuuwi din kita sa townhouse mo."

Hindi sumagot si Raen. Pinanood lang niya ang paghalukipkip ni Ethan at pagpikit ng mga mata. Hindi niya alam kung gaano katagal na pinanood lang niya ito. Hanggang sa bigla ay nakaramdam siya ng pagod. Para bang lahat ng energy niya sa katawan ay nawala. Kaya naman sumuko na siya at tuluyan nang pumasok sa maliit na kuwarto. Nakakailang hakbang pa lang siya nang muling magsalita si Ethan.

"Isipin mo na lang na at least lalaki ang kasama mong pumunta dito. Kung babae ang kasama mo, that would have been awkward. Trust me."

"Trust you? Bakit? Nakapunta ka na ba sa motel na lalaki ang kasama?"

"Hmm," was Ethan's only reply.



S.T.A.I.D. 2 (COMPLETE) - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon