"Jhoana, tara na bumangon kana jan at tatanghaliin tayo." Tawag ni mama sakin
"Ito na po ma sandali lang," ganito kami lagi kapag bakasyon kailangan tumulong kay mama sa paglalabada sa mansyon ng mga de Leon. Buti na nga lang ay mababait ang mga de Leon sa amin.
Magcocollege palang ako, at yung bunso kong kapatid high school pa lang. Nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw sakto sakto ang kinikita ni mama sa paglalabada at pagcoconstruction ni papa para sa amin apat buwan buwan, swerte nalang kung may naitatabi sila.
"Kumain kana at pagkatapos ay aalis na tayo, ayusin mo ang damit mo kahit na maglalaba tayo, saka wag ka gumala gala don anjan daw ang mga anak nila sir Elmer," sabi ni mama
"Maa hindi naman ako gumagala, sila maam Det naman po ang nag utos sakin pumunta don sa rancho hindi lang po ako nakapagpaalam,"
"Osiya bilisan mo jan Jhoana, sumunod ka agad magsampay ka ng mga labada, Janel ikaw wag ka kung saan saan pumunta dito ka sa bahay baka sumama ka nanaman sa mga kaibigan mo," haha nakita ko si Janel naka simangot haha lumabas na si mama para mauna siya maglaba
"Hay nako ate yang si mama araw araw nalang tuwimg summer ulit ulit sinasabi kabisado kona, pati pag gising sayo," natawa naman ako
"Loko ka madinig ka non yari nanaman tayo pareho hahaha, halika nga sabayan mo ko kumain, si papa kasi umalis agad yan tuloy nabungangaan nanaman tayo ni mama,"
"Ui ate alam mo ba sabi nila faith uuwi yung dalawang anak nila madam, diba jsang lalaki saka naalala mo yung bata na naglalaro sa rancho yung babae pero meron may ano—"
"Intersex Ja, kumain ka jan wag mo isipin yon" putol ko sa kanya kumakain na ang daldal pa e
"Pogi daw ate—" sinamaan ko siya ng tingin nag peace sign siya at tumahimik.
"Ja, alis na ko. Sundan kona si mama sa mansyon, wag ka nagsasasama don kay Nico," lagi kasi yon nasasama sa gulo mamaya pati si janel madamay edi lagot siya kala papa
"Sige ate ingat, sabihan mo si mama wag masunget," napailing nalang ako at tuluyang naglakad papuntang mansyon
"Ui Jho pano ka puputi nyan ayaw mo manlang magpayong ke ganda mong bata ay," sigaw ng nanay ni Ysay kababata ko
"Haha nako Aling Desiree, hindi na po puputi okay na po ako sa ganre,"
"Ay oo naman bagay naman din, ikaw ay mag ingat sa daan,"
"Oho salamat ho," ngiting sabi ko ganyan kami dito bata palang kasi ako madalas ako kasama ni mama kaya kilala din ako ng halos lahat ng dine samin. Buti nga at wala ang tatay ni Ysay na si mang Wilfredo kasama ni tatay aba kung hindi aasarin nanaman sakin ang anak niyang si Ysay.
Pagtapos ko maglakad ng limang minuto ay nakarating ako sa mansyon at dumeretso agad ako kay mama
"Ay nako Jhoana, akala ko hindi kana pupunta, isampay mo na yan at baka maabutan pa tayo dito ng mga anak nila sir elmer," bungad sakin ni mama ang aga aga pa e
Hindi na ko sumagot kay mama at inumpisahan na magsampay ng damit.
Matapos ko maisampay ang mga nauna ay bumalik ako kay mama. Sakto naman kausap ni mama ang kasambahay nila madam Det.
"Oh sakto pala Lovel andito pala si Jhoana, baka pwede siya nalang," nagtataka ako na tumingin kay mama st kasambahay nila madam Det
"Kailangan kasi namin ng isang helper, malapit na yung mga anak ni madam mahirap na humanap sa labas at least ikaw ay kilala na din ni madam saka madali lang naman ang gagawin mo itutulak mo lang ang mga pagkain sa hapag kainan gamit ang service cart kasama mo ako presentable ka naman sayang din ang bayad dagdag sa ipon niyo," paliwanag niya tumingin ako kay mama kung papayag siya
"Ikaw bahala Jhoana basta alam manang ikaw ang bahala jan,"
"Hay akala ko hindi ka papayag lovel salamat at hindi na ko mahihirapan mag hanap, oo naman ako bahala jan sa anak mo," tumango si mama at kinuha ang mga damit ay siya na ang magsasampay
"Halika Jhoana magpalit ka ng mas komportableng damit," sabi ni manang tumango ako at kinuha niya ang kamay ko. Pumasok kami sa loob.
"Ang higpit ni Lovel sayo masyado, pero naiintindihan ko naman siya ina din ako pero malayo ako sa pamilya ko madalang kami magkita, ang bait mong bata kaya magaan ang loob sayo nila madam," sabi ni manang at inabot sakin ang puting damit ngumiti nalang ako dahil nahihiya ako.
"Ganon lang po si mama pero mahal naman po niya kami, Salamat po" sabi ko
"Halika na tulungan mo ako, alam mo ba nung bata ka nakakalaro mo si Isabel sa rancho. Kaso hindi ko alam kung natatandaan mo pa masyado ka pang bata noon, alam mo bang iniiyakan ka ni Isabel non dahil gusto ka iuwi dito sa bahay para may kalaro siya," natatawang sabi ni manang hindi ko na natatandaan yon kaya napa kamot nalang ako sa ulo ko wala din naman nababanggit sila mama tungkol don
"Tama ba? Hindi mona maalala? Bata ka palang Jhoana malapit kana dito kala madam. Ang papa mo non sa rancho lang nagtatrabaho tauhan siya ng lolo ni bea hanggang umuwi sila dito at sila ang namahal. Matanda ng 2 taon si Isabel sayo 3 taon gulang ka noon gusto kang iuwi dito sa mansyon sabi pa nga niya kala madam det bilin ka nalang kala lovel para may kalaro siya," natatawang sabi ni manang nacucurious naman ako sa kwento niya
Nakasunod lang ako sa kanya at kinuluha ang mga inaabot niya sakin na lagayan ng pagkain.
"Kaso lumipat ulit sila ng manila at doon na lumaki hanggang sa magkolehiyo siya ay pumunta siya ng ibang bansa at doon magtatapos kasama ang kuya niya," napapatango nalang ako.
"Oh siya halika na lagyan na natin yan nang mga pagkain," sabi ni manang bigla naman pumasok si Maam Det dito sa kitchen
"Oh Jhoana, you're here." Naka ngiting sabi niya, nginitian ko din pero nahihiya ako kaya tumingin naman ako kay manang
"Ah madam si Jhoana nalang po ang kinuha kong katulong ko magserve ng pagkain kasama po pala siya ni Lovel, dagdag kita na din po sa kanila para pag kokolehiyo ne 'tong si Jhoana" sagot ni manang. Tumango naman si maam det
"Kausapin kita mamaya, Jhoana. Osiya Jhoana tulungan mo mabuti si manang pakilagay na yung mga pagkain sa dinning anjan na sa labasan sila Isabel," sabi ni maam det at umalis na
"Manang bakit po ako kakausapin. Aalis nalang po kaya ako baka ayaw ni madam na ako po ang maging katulong niyo," sabi ko napatawa ng mahina si manang
"Ay nako Jhoana halika na sabi ni madam 'di ba tulungan mo ako ng mabuti,"
----
A/N: I apologize for any typo and grammar errors you may have noticed. :D
Slow update may responsibility na po yung author 🥹
Ang tahimik niyo guys.🥹
Bahala na ulit kayo di ako nagproofread😭😆
![](https://img.wattpad.com/cover/376754692-288-k406452.jpg)