Napailing ako at napahawak sa noo habang nakahiga sa kama. Ano ba, Bea?Bakit ganito? It’s not like me to feel this way about someone, especially kay Jhoana. But she’s... different. Iba ‘yung dating niya.
Napatingin ako sa kisame. Alam ko naman na nandito lang ako ng anim na buwan. Hindi pwedeng seryosohin ‘tong nararamdaman ko, pero bakit parang ang hirap pigilan? Siguro dahil si Jhoana ‘yon. She’s not like anyone else I’ve met before. And she’s definitely not like the girls I’ve dated in the States. Baka nasabik lang ako kasi siya ‘yung kalaro ko nung bata ako.
Bigla kong naalala ‘yung sinabi ni Tito kanina. "Tanungin mo si Jhoana, kung papayag siya edi sige, basta mag-ingat kayo." Napa-smirk ako. Pumayag si Tito, and si Jhoana... she said yes.
Halos anim na buwan pa akong dito, makikilala ko pa siya ng lubos.
**Kinabukasan...**
Hindi ko namalayan na nakatulog na ako sa pag-iisip kagabi. Pinapunta ko si Manong Bert kay Jho para ipasabi na hindi ako aalis para hindi na siya mag-abala na pumunta dito.
Wala akong ginawa buong araw, kaya naman ayaw ko talagang umuwi dito sa Pilipinas—ang boring! Mag-aalas tres na ng hapon, naglakad-lakad ako papunta sa lugar kung saan kami naglalaro dati. Wala, gusto ko lang balikan.
"Ate Beaaaa!" may sumigaw kaya napalingon ako sa likod ko. Nakita ko ‘yung dalawang bata tumatakbo, kaya huminto ako.
"Ate Bea!" sabay na sabi ni Bianca at Cobie habang hinihingal.
"Careful! Ano ginagawa niyo dito? Ang layo nito sa bahay niyo."
"E ang boring po doon, saka nagpupunta po talaga kami ni Bianca dito kasi ang lamig po. Nasan po si Ate Ganda? Bakit hindi mo po siya kasama?" Napakamot ako sa ulo—ang dami nila agad tanong.
"Ate Ganda?"
"Opo, si Ate Jhoana. Ang ganda po ni Ate Jhoana, diba Bianca?" Si Jho ba ang tinutukoy nila?
"Opo, crush po siya ni Codie, pati mabait po yun," nakangiting sabi ni Bianca. Namumula naman si Codie.
"Huii Bianca, ang daldal mo naman! Wag ka po maingay, Ate Bea. Wag mo po sabihin kay Ate Ganda."
"Ahh, nasa bahay nila si Ate Ganda niyo, nagpapahinga."
"Bakit po nagpapahinga?"
"Kasi kailangan niya ‘yon. Kayo din, kailangan niyo magpahinga. Tara doon sa ilalim ng puno, dun tayo maupo," sabay turo ko.
"Bakit mo naman crush si Ate Ganda mo?"
"Maganda po, mabait po, mabango po, lagi niya po kami tinuturuan ni Bianca about school... saka po sexy," he whispered. Loko ‘tong bata na ‘to. Well, totoo naman.
"Hoy Codie, bat mo binubulong? Ano ‘yon? Ang damot mo! Sabihin ko kay Ate Jho na crush mo siya."
"Wag, Bianca! Ate Bea, oh!" natawa naman ako sa kanila.
"Haha, kayo talaga. Pero bata pa kayo, dapat hindi niyo muna iniisip ‘yan."
"Sabi po kaya ni Ate Jho, okay lang daw po basta mag-aaral kami nang mabuti. Kaso di po niya alam, siya crush ni Codie," sabi ni Bianca habang tawang-tawa. Mukha namang napipikon si Codie.
"Whatever, Bianca," sabi ni Codie.
"Alam mo po ba, Ate Bea, dito din po madalas tumatambay si Ate Jho kaya po kami nandito," sabi ni Bianca.
"Talaga?" Nagnod sila pareho. Nice.
"Ano ba paboritong gawin ni Ate Jho niyo?"
"Kumain po," sabay nilang sabi kaya nagtawanan sila pareho.
"Hahaha, sabay pa kayo. Ano pa?"
"Hmm, mahilig po siya sa yellow."
"Oh, okayyy."
"Ate Bea, diba po clouds are white?" sabi ni Codie.
"Yup, clouds are white. Why?"
"E si Ate Jho po kasi sabi niya blue ‘yon."
"Clouds are white, oh," sabay turo ko.
"Hahaha, edi sabihin niyo po sa kanya! Sabi niya po blue ‘yon, edi blue!"
Tumayo yung kambal pagkatapos sabihin ni Codie ‘yon at naghabulan sila.
"Ate Bea, sali ka po," huminto bigla si Bianca.
"No, hahaha, I’ll watch you guys na lang here," I said while smiling. Ang saya nila kasama.
Tumayo ako para tumawag sa mansyon. Iisa lang ang hankie ko at wala naman dito maiinom. Pawis na pawis ‘yung dalawa. Makalipas ang 15 minutes, nandito na si Mang Bert, dala-dala ang mga inutos ko na dalhin.
"Hey, kids, come here."
"Hii, Manong Bert!" bati ni Codie at nakipag-apir pa.
"Kayo talaga, kapag nakita kayo ni Ate Jho niyo, lagot kayo. Tignan niyo, pawis na pawis kayo. Buti na lang nandito si Ate Bea niyo," sabi ni Mang Bert. Masyadong malapit si Jho sa mga bata kaya napangiti ako.
"Wag po kayo magsusumbong, Mang Bert," sabi ni Codie.
"Nako, hindi ako magsusumbong. Kailan ko kayo sinumbong? Si Ate Bea niyo, sabihan niyo," natatawang sabi ni Mang Bert. Natawa naman ako kasi si Cobie biglang tumingin sa akin na parang nagpplease.
"Hahaha, I’ll think of it. Kaya be a good boy and good girl."
"Good boy naman po ako, pero nakalimutan lang namin magdala ng pamunas sa pawis namin. Saka kapag naglalaro kami dito, si Ate Ganda ko po inaasikaso kami."
"Ako po, inaya lang ni Codie. Kala po namin kasi si Ate Ganda ka kaya sumunod kami," natawa naman ako kasi pareho sila nage-explain.
"Nako, kayo talaga. Oh, siya, mauuna na ako. Bea, hindi ka ba sasabay pa? Andyan na mom and dad mo."
"Hindi na, Mang Bert. Mauna na po kayo," sabi ko habang nakangiti. Tumango naman siya at naglakad papunta sa sasakyan.
"Tara dito, punas muna kayo ng pawis, tapos kainin niyo 'tong mga meryenda na pinadala ko para sa inyo." Lumapit sila sa akin, pinunasan ko ‘yung pawis nila pareho at tahimik silang kumain pagkatapos.
"Diba ayaw niyo na isumbong ko kayo kay Ate Jho niyo?" Tumango sila pareho.
"Kwentuhan niyo ako ng mga bagay tungkol sa kanya tapos hindi ko na kayo isusumbong sa kanya." Tumingin sila sa akin pareho, haha.
"Ano? Deal ba o isusumbong ko kayo sa kanya?"
"Lahat po?" sabi ni Codie.
"If you can, why not?"
"Hindi mo po kami isusumbong? As in never?" I nodded.
"Takot ka, Codie, kay Ate Jho, e kung ako magsumbong sa kanya," natawa ako sa sinabi ni Bianca.
"Ate Bea, oh, si Bianca!" reklamo ni Codie.
"Hahaha, ano, payag ba kayo? If you agree with that, Codie, Bianca will not tell everything to your Ate Ganda, right, Bianca?" Nakangiti kong sabi, tapos nagsmile ako kay Bianca. Nag-nod siya, nakita naman ni Codie.
"Deal."
----
A/N: I apologize for any typo and grammar errors you may have noticed. :D
Sorry busy lang po🥹. Bahala na ulit kayo di ako nagproofread😭😆
