Jhoana's POV
Lagot talaga ako nito, 'yung mga tingin niya, nakakatakot. Alam mo at mararamdaman mo na galit siya kasi lagi mo siyang kasama.
"Magandang gabi po, Mang John, Ms. Bea," sabi ni Ysay.
"Magandang gabi din, Ysay," sabi ni Papa.
Bea nodded, forcing a polite smile. "Nice to meet you again, Ysay. Thanks for walking her home," sabi ni Bea kay Ysay.
Ysay smiled back, at nagpaalam agad. "Jho, Mang John, una na po ako, baka po nandito na si Tatay. Nice meeting you, Ms. Bea." Tumango si Papa sa kanya.
"Uh, Bea... wait lang, iwan ko lang 'yung backpack ko," sabi ko as Ysay walked away. Dali-dali akong pumasok sa loob at iniwan ang bag ko.
"Oh, Ate, saan ka pupunta? Kakadating mo lang, aalis ka na naman," sabi ni Jaja, nasa kwarto namin.
"Gaga, andyan si Bea sa labas. Pinapasundo daw ako ni Madam."
"Si Madam? E kanina—"
"Jhoana, bilisan mo jan! Kanina ka pa inaantay ni Bea," kumakatok si Papa.
"Opo, Pa! Ito na po. Siya Jaja, matulog ka na jan, daldal ka pa. Sabihan mo nalang si Mama bukas, tulog na ata," sabi ko at dali-daling lumabas.
"Alis na po kami, Mang John," sabi ni Bea.
"Pa, pasabi nalang kay Mama."
"Sige, mag-ingat kayong dalawa," sabi ni Papa. Sumakay ako sa sasakyan ni Bea, ganon din siya. Bumusina siya at agad pinaandar ang sasakyan.
Bea let out a small sigh habang nagda-drive. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Lumabas kami ng hacienda nila e.
Jho, isip... paano mo susuyuin yan.
"Bei..." sabi ko. Tumingin siya ng konti sa akin at nag-focus ulit sa pagda-drive.
"Sorry."
"Alam mo ba kung ano 'yung hinihingi mo ng sorry?" sabi niya. Tumango ako kasi yun lang naman ang tingin ko kung bakit siya galit.
"I was calling you, but you didn't pick up. I got worried. Kasama mo lang pala 'yung manliligaw mo," she said. Tama, 'yun nga ang hindi ko pag-update sa kanya. Hininto niya yung kotse.
"Sorry, nilagay ko kasi sa bag ko 'yung phone pagkasakay ko sa bus. Nakita lang niya ako sa bus terminal. O, tignan mo, ikaw pa din laman ng contacts niyan."
"Still, hindi mo ako in-update. Usapan natin susunduin kita," nakatingin siya diretso sa daan, ayaw tumingin sa akin.
"Sorry na, nawala kasi sa isip ko. Wag ka na magalit." Kinuha ko 'yung kamay niya, naka-hinto naman kami e. Tumingin siya sa akin.
"Namiss kita, bati na tayo. Hindi na mauulit 'yon, promise," sabi ko. Hindi pa din siya kumikibo, tahimik pa din. Inalis ko 'yung seatbelt ko, magsasalita sana siya nang niyakap ko siya bigla pa-side.
"Bati na tayo, wag ka na magalit. Hug mo din ako, bilis na." Kiniss ko siya sa cheek. Natural na lang sa amin ang hug and kiss sa cheek, nasanay na kami. Clingy kasi masyado 'tong kapre na 'to.
Pinipigil niya ngumiti hahaha, konti na lang, Jho, bibigay na. "Beii, bilis na, hug mo na ako, bababa ako dito, bahala ka," nagpout siya.
"Hay nako, kahit kailan, hindi kita matiis," sabi niya. Naramdaman ko na kiniss niya 'yung forehead ko. Forehead kiss really hits different for me, basta siya 'yung gagawa, haha, char.
"Bati na tayo?" Sabi ko habang nakangiti sa kanya. Tumango siya.
"May magagawa pa ba ako?"
"Hahaha wala na syempre, ako na 'to e. Sandali nga, saan ba tayo pupunta? Bakit ako pinatawag ni Tita?" Tumahimik siya.
"Hoy, Beatriz, sagottt!" Kinamot niya 'yung batok niya.
"Actually, wala pa sila Mom. Si Kuya dumating na kanina kaya nakaalis din ako." Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at hinampas ko 'yung braso niya.
"Ouchhh, Jho," sabi niya.
"Sabi-sabi ka pang tawag ako ni Madam, minadali mo pa ako," sabi ko.
"E kasalanan mo naman, sumama ka sa manliligaw mo," tumawa ako.
"What? Ano'ng nakakatawa?" sabi niya, umiling lang ako.
"So, saan nga tayo pupunta?"
"Wala, road trip lang. Di ba sabi mo you miss me?" sabi niya habang may nakakaloko na ngiti.
"Sige, sulitin mo na. Hindi mo na ako makakasama next week araw-araw, start na ng class ko," sabi ko. Tapos huminga siya ng malalim.
"Makakasama mo pa din naman ako kapag walang pasok at hindi busy. Wag ka malungkot jan, hahaha. Hindi bagay," irapan ko siya.
"Nagugutom na ako. Nakakapagod tumakbo para habulin 'yung sasakyan mo. Ang bilis-bilis mo, dinaanan mo lang ako kanina."
"Syempre, I'm worried. Ayaw mo sumagot. Buti nga hindi ko sinagasaan 'yung kasama mo," sabi niya. Hindi ko naintindihan 'yung dulo kasi binulong niya.
"Ano?"
"Wala. Sabi ko, papakainin kita, nagugutom ka na pala," sabi niya at nagsimulang magdrive ulit.
"Haha, thank youuu," niyakap ko siya and kissed her cheek.
"Siguro, crush mo ako. Kanina ka pa yakap ng yakap at kiss ng kiss sakin e, chansing ka."
"Ah, ganon? O sige, last na 'yung kiss at yakap na yan," sabi ko at inayos ang upo ko.
"I'm just kidding. Come on, Jho, ako 'yung nagtatampo dito, bakit parang ako pa 'yung manunuyo," natatawa ako kasi para nanaman siyang bata.
"Aalis na nga ako in less than 3 months tapos ganyan ka pa sakin. Sama ka nalang kaya sakin sa States?" dugtong niya. Pinalo ko naman ulit 'yung braso niya.
"Ouch, Jho, I'm driving oh."
"E akala mo ganon-ganon lang kadali? Kala mo gamit mo lang ako na pwede dalhin kahit saan?"
"I'm just kidding lang naman. Seriously, I'm going to miss you when that day comes."
"Ganon din naman ako. Kaya nga dapat masanay na tayo na hindi magkasama," huminga siya ng malalim.
"Hay, na nga natin isipin 'yan. Matagal pa naman. Nalulungkot ako kahit hindi naman dapat. I should be happy kasi, look, we're together, hahaha," sabi niya.
"Hahaha ikaw kasi, ang drama mo. Hatid mo ako sa'min after kumain, ha. Hindi naman pala ako pinapatawag ni Tita. Gawa-gawa ka ng kwento," umiling siya.
"Iniiling mo jan?"
"Ayaw ko sa bahay ka matutulog today. Maghapon kaya tayo hindi magkasama," those months na naging magkasundo kami ni Bea, napapadalas din 'yung pagsleepover ko sa kanila kapag gusto niya.
"Hay nako, kakasabi ko lang, kailangan magsanay na hindi tayo magkasama."
"Yun nga, kakasabi ko lang din, matagal pa naman, less than 3 months pa."
----
A/N: I apologize for any typo and grammar errors you may have noticed. :D
Bahala na ulit kayo di ako nagproofread😭😆
Hi guys, how are you? Stay safe and dry!☺️
