Jhoana's POV
Kakagising ko lang. Dito ako pinatulog ni Madam sa guest room nila. Sabi ko babalik na lang ako dahil wala akong pamalit na damit, pero Madam insisted, wag na daw, siya na ang bahala, kaya wala na akong nagawa. Grabe, parang pinagsama na kwarto namin ni Jaja at kwarto nila Mama.
Lumabas ako para tumulong kay Manang Beth magluto ng agahan. Nakakahiya naman kung hahayaan ko lang siya na pati ako pagsilbihan.
"Magandang umaga po, Manang," bungad ko pagpasok sa kitchen.
"Magandang umaga, Jhoana. Kumusta tulog mo? Mag-ingat ka sa Manila ha. Maupo ka at maya-maya bababa din sila Madam para kumain."
"Hahaha, naku Manang, mag-iingat po talaga dahil di ko naman alam don. Hindi na po, Manang, tulungan na kita diyan," sabi ko at lumapit ako sa stove para ako na ang magluto ng mga itlog. Nakaready na kasi ito sa gilid.
"Ako na diyan, Jhoana. Tulungan mo na lang ako dalhin ang mga naluto ko sa dining table. Baka madumihan ka pa," kinuha ni Manang sa kamay ko yung spatula.
"Uuwi din ba kayo mamaya?" Oo nga pala.
"Yun na nga po, Manang. Sabi ni Madam, baka 1 week daw po kami sa Manila."
"Oh, e paano mga gamit mo?"
"Sabi ko po kay Madam, uuwi muna ako para kumuha ng gamit, pero wag na daw po. Sagot niya daw po ako," tumawa si Manang.
"Hahaha, lakas mo talaga kay Madam ha. Hindi ka makatanggi kay Madam, ano?" Napatango na lang ako.
"Kumusta naman pagsama mo kay Isabel?" Huminga ako ng malalim bago sumagot.
"Ayos naman po, Manang."
"Ayos naman pero ang lalim ng paghinga mo."
"E, Manang, kasi hindi pa po ako sanay na iba kasama bukod kay Jaja."
"Masasanay ka din."
"Wala naman po akong choice e."
"Mabait naman— good morning, Isabel. Sandali na lang, luto na 'to," si Bea, bagong ligo at naka-bihis na din, pero mukhang wala siya sa mood. Nandito kami ni Manang, naglalagay na ng pagkain sa lamesa.
"Go—good morning," sabi ko.
"Good morning, Manang." Tumango naman siya sa akin. Luh, snobera! Siya na nga binati, wag niya akong kakausapin mamaya.
Gaga siya, sasamahan mo mamaya. Saka anong gagawin mo sa Manila? May alam ka ba don?
Ay basta, di ko siya papansinin.
"May sinasabi ka ba, Jho?" sabi ni Bea. Luh, nadinig niya pa ba yon?
"Ah, wala. May kinakabisado lang ako. Oo, tama, may kinakabisado lang," tumango naman siya. Sakto naman pagpasok nila Madam at Sir Elmer.
"Good morning po," sabi ko.
"Magandang umaga, Madam and Sir. Maupo na po kayo," sabi ni Manang.
"Good morning, Beth. Mauuna kami umalis kay Loel. Late na dumating kagabi. Itanong niyo na lang sa kanya kung ano gusto niyang pagkain," sabi ni Madam. Nakikinig lang ako.
"Jhoana, umupo ka, saluhan mo na kami. Aalis na tayo pagkatapos natin kumain," sabi ni Sir Elmer. Tahimik lang si Bea. Tumingin siya sa akin; nag-iwas naman ako ng tingin.
"Ah—"
"Kain na, Jhoana. Umupo ka sa tabi ni Isabel," sabi ni Madam. Tumingin naman ako kay Bea, sakto naman nakatingin siya sa akin.
Bea's POV
Hindi maganda gising ko—or should I say, hindi naman talaga ako nakatulog. Hindi ko alam kung gaano ka-awkward ang mangyayari mamaya. Pagbaba nga namin ng falls, hindi na ako kinakausap ni Jho. Ngayon pa ba? Pero nagulat ako nung nag-greet siya ng "Good morning." Tumango na lang ako. Paalis na kami, and yeah, sa van kaming apat. Katabi ko si Jho, tahimik siya, nakatingin sa bintana.
"Isabel, you'll stay 1 week sa Manila, right?" What? 1 week? Paano si Jho?
"Ha? Mom?"
"Sa condo na lang kayo mag-stay para malapit sa mall, pero you can go naman sa LGV kung gusto mo."
"Teka, Mom, paano si Jho?" Tumingin ako kay Jho, tumingin naman si Jho kay Mom. Si Dad nagbabasa ng newspaper.
"Alam ng parents niya, and we'll go to the mall para sa clothes niya. Since biglaan lang naman ang pagpapasundo ko sa kanya," yumuko si Jho na parang nahihiya. Napailing na lang ako at hindi na sumagot.
I'm sure alam naman ng parents ni Jho that I'm not "normal," that I have a thing. Hindi ba sila nababahala na baka may gawin ako sa anak nila? I mean, wala naman akong balak kay Jho. Tapos si Mom parang okay lang sa kanya, knowing na sinusumbat niya na nakikipag-one-night stand ako sa iba't ibang babae.
I sighed.
"Is it okay with you? You'll stay with me the whole week?" I said. Tabihan kami so my voice was low, sakto lang para marinig niya. Tumango siya.
"I don’t have a choice naman. This is for our scholarship," sabi niya.
"But you don’t have to do everything that Mom says. I didn’t know I'd stay there for one week."
"Isabel, id-drop namin kayo sa mall. Samahan mo si Jhoana. Then babalik na lang si Manong Bert. Diretso kami sa company," Dad said out of nowhere.
"Okay," I plainly said.
Pagkatapos nun ay tahimik na kami buong biyahe—walang imikan or what. Napansin ko naman na nakakatulog si Jho. Napatingin na lang ako sa kanya. She's so innocent. She looks so fragile.
Umusog ako sa tabi niya at nilagay ang ulo niya sa balikat ko para hindi siya mangawit. I tucked the hair covering her face behind her ears.
Ang traffic, nakakainis. Tinatamaan na ako ng antok. I tried not to fall asleep kasi nasa shoulder ko nga yung head ni Jho.
Third Person..
Bea didn’t know she fell asleep. Mahimbing silang dalawa ni Jho na natutulog sa likod ng van.
"Det," tumingin si Det kay Elmer.
"Hindi ka ba nag-aalala? Sigurado ka ba sa desisyon mo na patuluyin sila sa condo imbes na sa bahay? Alalahanin mo, responsibilidad din natin si Jhoana dahil sinama natin siya."
"Pinagsasabi mo, Elmer? Bakit naman ako mag-aalala? Hindi naman masamang tao ang anak natin, saka hindi naman din masamang tao si Jhoana."
"Hindi 'yan ang ibig kong sabihin, Det. Babae si Jhoana. Hindi mo alam ang tumatakbo sa isip ng anak natin."
"Ano ba, Elmer, gusto mo palabasin? Na baka galawin ni Isabel si Jhoana? Wala naman sa akin problema kung magkakapalagayan ng loob 'yang dalawa. At least alam kong nasa mabuting tao ang anak natin."
----
A/N: I apologize for any typo and grammar errors you may have noticed. :D
Bahala na ulit kayo di ako nagproofread😭😆
![](https://img.wattpad.com/cover/376754692-288-k406452.jpg)