Chapter 7

412 19 39
                                        

"Shitt, okay ka lang, Jho? May masakit ba sa'yo? Sorry, I'm sorry," inalalayan ko siya tumayo dahil nadaganan ko siya.

"Let's go to the nearest clinic para ma-check natin, baka nagka-fracture ka," sabi ko.

"Hindi na, wag na, okay lang ako," she replied.

"No, wait, I'll call Manong Berto," hindi ko na siya inantay magsalita at tinawagan ko agad si Mang Berto. Agad naman siya sumagot at papunta na siya.

"Bea, wag na, okay lang ako," she said, pero hinawakan ko ang braso niya at napansin kong may gasgas.

"No, it’s not okay. Papunta na si Manong, pa-check na natin. Sorry, nagka-gasgas ka dahil sa'kin," ngumiti siya.

"Wala namang masakit sa'kin. Kung may masakit, sasabihin ko naman," napakamot ako sa ulo ko.

"But—"

"No buts, okay lang ako, promise."

"Okay, okay, but tara na lang sa mansyon. I'm the one who will take care of that scratch on your arm," tumawa siya.

"Why are you laughing? I'm serious, Jho."

"Haha, yeah, you're too serious, that’s why I'm laughing. This is just a scratch, malayo sa bituka," she said, tumatawa pa.

"Haha!" I faked a laugh. "Hindi nakakatawa. Tayo ka na nga, ayan na si Manong. Sa ayaw at sa gusto mo, babalik tayo sa mansyon and gagamutin natin 'yan."pinaupo ko kasi ulit siya root ng puno inalalayan ko siya.

"Haha, you're so cute, boss. Opo, papayag na ako para matahimik ka lang, but I'm fine naman." Ughh, this girl—ang kulit niya. Kita ko naman na parating na yung van. Tumatawa pa rin siya ng mahina.

Sumakay ako agad sa van. Bumaba naman si Manong Berto. Nakita kong nagsalita si Manong at natawa si Jho. Napailing na lang ako. Sumakay naman si Jho at tumabi sa'kin.

"Manong, may alcohol ba dito? Pwede po ba pahingi?"

"Ay, ito, Bea," inabot ni Manong galing sa side box. Nagulat si Jho nang hawak ko ang arm niya, may tissue naman sa gilid.

"Linisin muna natin," sabi ko. Nakatingin siya sa'kin. I sprayed some alcohol, konti lang naman. Nahapdian ata siya kaya hinipan ko. I sprayed again and then just slightly dabbed the tissue on her scratch.

Mabilis kami nakarating sa mansyon kasi hindi naman kami naglakad. Sinalubong naman agad kami ni Manang Beth.

"Manang, do we have a first aid kit here? Jho and I fell from Bell. Call Mang Wilfredo na lang para mahuli si Bell. I'll take care of Jho," tuloy-tuloy kong sabi.

"Jhoana, ayos ka lang? Ikaw, ayos ka lang, Bea? Baka may galos ka," Manang Beth said. Hindi ko napansin si Jho kanina dahil inalala ko na madaganan ko siya.

"I'm okay, Manang. Where's the first aid kit? Just call Mang Wilfredo na lang."

"Sandali, kukuhanin ko," kinuha ni Manang yung kit, at nasa gilid lang pala.

"Bei, ayos lang ako. Asikasuhin mo na sarili mo. Kaya ko na 'to, uwi na ako," Jhoana said, pero dumating na si Manang.

"Ano ba kasing pinagagagawa niyo at nalaglag kayo?" Manang said at inabot sakin ang kit.

"Manang, just call Mang Wilfredo," kinuha ko yung kit at hinila si Jho paakyat sa room ko.

"Wait, saan tayo pupunta, Bea? Sandali, baka mapagalitan ako."

"Just walk, Jho. Walang magagalit sa'yo, kasama mo ako. Gagamutin ko yang sugat mo," sabi ko at hinila siya tuluyan.

"Sit down," sabi ko, at umupo naman siya.

"Bei—"

"Shhh," magsasalita sana siya pero I cut her off. Nilagyan ko ng ointment yung mga gasgas niya para mas mabilis mag-heal.

"Yan, let's go downstairs. Let's eat merienda."

"No, let's clean your scratches too. Look, hindi na nga yan scratch eh, wound na," Then tinignan ko yung sarili ko. May blood din ako, I think galing 'to sa seat cover ni Bell.

"No, later na lang. Tara na, then I'll take you home," sabi ko, pero kinuha niya yung medkit.

"Upo," tinignan ko lang siya.

"Are you deaf? I said sit down," she said with authority kaya umupo ako. To bossy, katakot siya maging girlfriend.

"Nginingiti mo diyan? Uupo ka naman din pala eh, gusto mo pa English," she said.

"Nothing," umirap siya. Hahaha.

"Diba sabi ko sa'yo, isang irap mo pa sa'kin, I'll taste your li—"

"Ouchhh, Jho, aray!" I said kasi diniin niya yung sugat ko. Fuck.

"Manyak, tumahimik ka. Isa pa, dadagdagan ko pa 'to," maluha-luha ako kasi grabe ang diin nun eh. Fresh pa yung sugat ko.

"I'm just kidding lang naman."

"Well, kung ikaw nagbibiro, ako hindi. Ayan, okay na. Tara na, bumaba na tayo," she said, nilagay niya yung tape don sa bandage. Grabe 'tong babae na 'to.

Tumayo siya kaya tumayo din ako. Maaga pa, snack time, pero saka na lang siguro mag-horseback riding, baka kung ano pa mangyari sa'min.

Bumaba kami, nasa likod niya ako.

"Manang, padala na lang po ng merienda sa garden," tumango naman si Manang at hinila ko si Jho papunta sa garden.

"Beatriz, uuwi na ako. Wala naman na tayong lakad. Magpahinga ka na lang."

"Nope, eat snack then I'll take you home, no buts." Huminga siya ng malalim. Wala na din siyang nagawa kundi sundin ako. Hahaha.

Hindi nagtagal, lumabas na si Manang dala yung merienda namin.

"Jhoana, pasensya ka na kay Bea. Nakita ko, parang inaasar ka niya. Pagpasensyahan mo na," Manang said.

"Manang, I'm not nang-aasar. She wants to go home na kasi eh. I'm boring. Sabi ko, eat snack muna," natawa naman silang dalawa ni Jho.

"What's funny?"

"You're so conyo kasi. Hahaha. Oo na, sige na nga. Oh, I'll stay na. Sana sinabi mo na lang agad, hindi yung hinihila mo ako bigla-bigla," napuno ng kwentuhan at tawanan hanggang sa hinatid ko na si Jho. Agad din ako bumalik kasi parang masakit yung pagkakalaglag ko kanina kahit na nadaganan ko si Jho.

Habang nakahiga ako sa bed, naisip ko yung nangyari kanina. Nalaglag kami, nahila ni Jho yung tali ni Bell. Pero bakit parang bumagal ang paligid? We stayed for a minute sa position namin kanina, nasa taas niya ako. We stared at each other. Ang pula ng labi niya, the urge to kiss her. And yeah, she’s so beautiful. Bigla na lang, I want to take care of her. Iba yung pakiramdam ko sa kanya.

Napa-iling na lang ako sa mga naiisip ko. Hindi pwede. Six months lang ako dito, and hindi siya tulad ng ibang babae sa States.

----

A/N: I apologize for any typo and grammar errors you may have noticed. :D

Bahala na ulit kayo di ako nagproofread😭😆

Bound by SecretsWhere stories live. Discover now