Jhoana's POV
"Kasalanan mo 'to! Ngingiti-ngiti ka pa diyan," I said. Nakaupo ako sa bed, at nakahiga siya. Bigla niya akong hinila kaya napahiga ulit ako. Niyakap niya ako nang mahigpit.
"Thank you, Jho," bulong niya, sabay sniff sa balikat ko habang hinalikan ito. Hindi ko alam ang isasagot kaya hindi na lang ako nagsalita.
"Gonna shower lang and I'll cook na for you and Bennie," she said while smiling. Tumayo siya na parang wala lang—she's naked. Umupo naman ako at napansin kong nagkalat ang mga damit namin. Pinilit kong tumayo para pulutin ito isa-isa. Para ba akong bagong anak ulit sa nararamdaman ko.
After 15 minutes, lumabas siya na naka-towel lang at dala ang damit na susuotin niya. Nakita niya akong nakatingin sa kanya kaya agad akong umiwas ng tingin.
"Don't worry, Jho. Sa'yo lang 'to," she said. Binato ko siya ng unan, at narinig kong tuwang-tuwa siya.
"Haha, nakakatawa," sarkastiko kong sabi. "Si Bennie, puntahan mo. Lumabas ka na," dugtong ko, sabay pasok sa restroom dala-dala ang phone ko. Grabe, sakit talaga. Walang hiyang Beatriz 'yan!
Ang dami kong hickey. Pagtingin ko sa mirror, hindi ko alam paano ko itatago 'to. Tiningnan ko ang phone ko, at ang dami na ring missed calls at chat ni Thirdy. Hindi ko alam paano sasagutin.
I sighed. "Siya pa rin. Siya lang naman talaga," bulong ko habang pinapahid ang luha na nanggigigilid sa mga mata ko. Tumatawag ulit si Thirdy kaya sinagot ko na.
"Oh God, Jho! Sa wakas, sumagot ka rin. Nag-aalala ako sa'yo. Kagabi pa kita tinatawagan!"
"Why can’t I see you?" dagdag niya.
"Hm, nasa restroom kasi ako, Thirds. Medyo masama ang pakiramdam ko, and kakagising ko lang."
"Oh, do you want me to come home? I think I can make paalam. Even though 2 months na lang, I can go home na para maalagaan ka. Wala naman kaming game this week," he said.
"No!" bigla kong sabi.
"I mean, no need, Thirds. Kaya ko naman."
"Are you sure?"
"Yes. Sige na, Thirds. Aasikasuhin ko pa sila Bennie."
"Sila?"
"I mean, si Bennie. Magluluto pa ako ng breakfast." Lie, Jho, lie.
"Oh, sure, sure. Magpahinga ka after that."
"Yeah. Thanks, Thirds." Papatayin ko na sana ang call.
"Jho," sabi niya.
"Yes?"
"Mahal kita," sabi niya. Hindi ako kumibo at siya na ang nag-end ng call.
I sighed. Narinig kong may pumasok sa restroom—hindi ko pala nalock.
She snaked her hand on my waist and sniffed my neck. Hinayaan ko lang siya.
"Are you not finished? Bennie's already downstairs," she said, sabay paharap sa akin.
"Hey, why are you crying? Is something wrong?" Pero imbes na sagutin ko siya, I sobbed.
"Hey," she said, about to say something more, but inunahan ko na siya.
"Bea, mali 'to. Mali yung nangyari kagabi. May mga bagay na hindi na talaga puwede at bawal na ipilit pa," sabi ko. Alam kong babagsak ang luha ko anumang oras.
"Pumayag ka na. Makipag-co-parenting. Please, nakikiusap ako sa'yo. Hindi tayo puwedeng magkasama sa iisang bubong. Please."
Nakatingin lang siya sa akin. Hindi ko napigilan, pumatak na ang luha ko. Hindi na rin kailangang kausapin si Mama. Mas mabuting tanggapin na lang namin pareho na hindi talaga kami puwede dahil may masasaktan.
Nangigilid ang luha niya, pero ngumiti lang siya at tumango bago lumabas ng restroom. Dali-dali akong nag-shower at bumaba kahit hindi komportable dahil masakit pa talaga. Naabutan ko siyang yakap-yakap si Bennie.
"Oh, hi, Mom! Why are your eyes red? Do you want a hug too? Dada said she just wanted me to hug her, that's why she's crying," sabi ni Bennie. Tumingin si Bea sa akin, at namumula nga ang mga mata niya. Napa-nod na lang ako. Tumakbo naman si Bennie papunta sa akin.
"Mom..." he said habang yakap ako.
"Hmm?"
"What are these red marks on your neck?" tanong niya, takang-taka. Napalunok ako.
"Oh, a mosquito bit me," sabi ko. Hindi ko matignan si Bea, pero alam kong nakatingin siya sa amin.
"Oh, thank God a mosquito didn’t bite me because it looks like ew," he said, giggling.
"You guys, eat your breakfast," sabi ni Bea.
"Let's go, Mom! Dada cooked for us. All of these are my favorites!"
Sabay-sabay at tahimik lang kami kumain. Si Bennie lang ang nagsasalita.
"I'm going to Manila. Baka I'll wait for Mom and Dad na. Jho, if you want to go to your old house, just update me if Bennie needs anything," she said, pero hindi nakatingin sa akin—sa plate niya lang.
"Huh? But Dada, you said we will stay here forever?" Bennie said.
"You can stay here naman forever, but Dada has to work and might be busy and can’t go home every day. Is that okay with you?" Bea asked Bennie.
Tinitingnan ko lang silang dalawa. Malungkot na ang mga mata ni Bennie, pero tumango siya. Lumapit at lumuhod si Bea sa gilid ng upuan ni Bennie.
"Don’t worry. If I will go home, I'll make sure I have something for you, okay ba 'yon?" sabi ni Bea. Ngumiti naman si Bennie. Tumayo si Bea at hinalikan ang ulo ni Bennie.
"Ah, Jho, put all the plates na lang sa sink. I already called Manang. I'll go upstairs," sabi niya sa akin, at umakyat siya. Tahimik lang si Bennie.
"Mom, why does Dada look so sad? Is something wrong at her work? Why can’t she go home every day?" tanong ni Bennie, na hindi ko masagot.
"Finish your food, baby. Your Dada needs to work para she can buy and give everything you want."
"Oh, really, Mom? That’s great!" he said, kaya ngumiti ako.
"Finish your food na. We will call your Tito Astig after."
Third Person POV
Dali daling umalis si Bea sa bahay dala ang ilang personal na gamit para bumalik sa condo niya sa Manila. Pumayag siya sa co-parenting. Dadalawin na lang niya ang anak niya.
Naglalaro si Bennie sa loob ng bahay kasama si Jho. Masaya sila pareho nang biglang may nasaging glass si Bennie, kasabay ng pagtunog ng cellphone ni Jho sinagot niya naman ito.
"Oh I'm sorry mom, why are you crying"
----
A/N: I apologize for any typo and grammar errors you may have noticed. :D
Sorry guys medyo busy lang hehe Bahala na ulit kayo di ako nagproofread😭😆
