Chapter 36

511 20 7
                                        

Bea’s POV 

Pagkatapos ng pag-uusap namin nina Mom at Dad noong isang buwan, napilitan akong manatili sa States. Pero kahit anong gawin ko, hindi maalis sa isip ko si Jhoana. Bawat sandali, iniisip ko kung nasaan siya at kung bakit siya umalis nang walang paalam. Kahit pa sinabi ni Dad na nag-drop out siya at sumama sa hindi matukoy na tao—alam kong alam nila kung kanino—hindi nila sinabi sa akin. Hindi ko matanggap na iniwan niya ako nang ganoon lang. 

Pagpasok ko ng bahay ay nagulat ako. 
“Ayaw mo pa rin talagang mag-focus sa pag-aaral mo, Isabel? Hindi ka na bumabata. Grow up! Hindi sa lahat ng oras nandito kami ng mom mo para sa'yo!” galit na sabi ni Dad habang nakatayo malapit sa pintuan. 

“Dad—” sagot ko pero pinutol niya agad. 

“Ayusin mo yang buhay mo! Kung nagkakaganyan ka pa rin dahil kay Jhoana, pwes itigil mo yang kahibangan mo. Nag-asawa na si Jhoana! Sabi ni Lovel, pati sila hindi nagawang magpaalamanan—basta na lang umalis.” 

Umiling ako. Hindi ganun ang pagkakakilala ko kay Jho. 

Tinitigan ko siya nang matagal. Alam ko, mahal niya ako, pero hindi niya nauunawaan kung gaano kahalaga si Jhoana sa akin. 

“Please, Isabel, para naman sa'yo 'to.” Lumapit siya sa akin nang kalmado at niyakap ako. Sumunod naman si Mom. Hindi ko na napigilan, tumulo ang luha ko. 
“Madami pang babae sa mundo. Alam kong gusto mo si Jhoana, pero wala tayong magagawa dahil pati sariling magulang niya ay hindi alam kung nasaan siya.” 

"Beadel!" sigaw sa akin ni Jia kaya naputol ang pag-iisip ko. It’s been what—four years? At eto ako, nasa Pilipinas na ulit. 

“WHAT?” sabi ko. 

“Jusko! Kanina pa ako nagsasalita dito! Never mind. Saan mo gusto? Di pa kasi pinatulan si Mika para taga-sundo ka at mag-aalaga sa’yo tanda mo—” 

“Kainis ka, Jia. Ang daming sinabi. Kahit saan basta gusto ko matulog. I’m tired,” sabi ko. She’s referring kay Mika Reyes. Ang kulit nun, but wala e. Hindi ko alam kung anong nangyari. Puro fling lang, and I got an ex—she’s Caitlin, that gold-digger girl. Napailing na lang ako. 

“Sabi ko nga. Ay nga pala, since wala ka naman kasama dito, punta tayo next week sa Bulacan? Sama ka sa amin ni Miguel.” 

“Ano ako, third wheel? No way,” agad kong sagot. 

“Ang damot mo! Nung nasa States naman tayo, pag ikaw nagaaya—” 

“Oo na, oo na, Julia Melissa! Ang ingay,” pinutol ko siya. Gusto ko na magpahinga. It’s an 18-hour flight, and itong babaeng ‘to hindi titigil kapag hindi ako pumayag. Tumawa siya ng malakas. 

“Hahaha, you can’t say no talaga sa akin! Don’t worry, hindi ka third wheel. Nandoon sila Ly kaya fifth wheel ka,” she said, then tumawa ulit. Inirapan ko siya na tawa naman ng tawa hanggang ngayon. 

If you are wondering anong ginawa ko sa loob ng four years na yon, well, tinapos ko lahat ng overdue assignments, pumasok sa lahat ng klase, at kinuha ang mga extra credits. Nakapag-master’s na din ako, and I’m now the one handling the company here in the Philippines. 

Nakilala ko sila Jia. Actually, si Ate Ly yung first na nakilala ko sa school. Nagma-master’s siya, and hindi ko naman inakala na magiging friends kami kasi Ate Ly just helped me kasi natapunan ako ng chocolate drink. Then ayon, nag-meet kami sa isang business party. Don na nagkaroon ng communication. Pinakilala niya ako kay Ate Den and Jia na kasama niya non. Hanggang sa makagraduate ako, tumulong ako kay Dad sa States and nag-master’s na ako. Umuwi sila dito sa Pilipinas; ako naiwan don sa States. 

Bound by SecretsWhere stories live. Discover now