Chapter 60

382 23 42
                                    

Beatriz's POV

"Babe, I can't. Ilalabas ko si Bennie today. Sana kasi nagsabi ka," I said while talking to Kianna over the phone. Nasa Manila daw siya, at isusurprise niya daw sana ako sa office, pero wala naman daw ako. Pinapapunta niya ako, but we're about to leave na. Inaantay ko na lang si Bennie at Jho.

"Edi isama mo siya here, problema ba 'yon?" sagot niya. I don't know why Kianna became like this. Hindi naman siya ganito dati. We're 4 months going on 5, but sobrang laki ng pinagbago niya. I chose to distance myself from Jho. Yeah, I know, and it's clear to me kung ano yung sinabi ko sa kanya on her birthday. I know that's wrong, kaya sinunod ko yung advice ni Ate Ly sakin. I've been extra clingy to Kianna. When she doesn't have a flight, I make sure na kasama niya ako.

"But her mom will come with us," I said.

"So mas pipiliin mo kasama yang ex mo na akala mo ang ganda kung makaarte, e ang-"

"Kianna! Stop! Hindi ka inaano nung tao. Bakit ka ba nagkakaganyan?!" sagot ko sa kanya. Hindi naman siya inaano nung tao. Lagi na niya dinadamay si Jho. Once na hindi ko siya napuntahan, binubuhos ko na sa kanya yung pagmamahal ko sa kanila ni Bennie, pero bakit parang wala lang sa kanya.

"What? I'm just saying the truth. Hindi ko nga alam bakit mo yan nagustuhan. Inanakan mo pa."

"I said stop, Kianna!" Hindi ko na napigilan sarili ko na sigawan siya over the phone. Binabaan niya ako ng tawag. I sighed at napailing na lang.

"Dada, let's go?" Bennie said habang tumatakbo papunta sa kotse ko.

"Where's your mom?" I asked.

"Oh, she's just answering Tito Astig," Bennie said. Tito Astig nanaman. Napailing ako habang sinasakay si Bennie.

"Dada, MommyLa and DaddyLo will go back here, right?" biglang tanong ni Bennie. Siguro one month lang nagstay dito sila Mom, then bumalik na sa States. Then after three months, ayan babalik ulit sila. May aasikasuhin daw, and I don't know kung ano.

"Yep, next week they'll be here. Why?"

"Oh, I miss them," sakto naman labas ni Jho.

"They miss you too. Your mom is here." Sinara ko yung pinto sa backseat at pinag-open ko naman si Jho.

Pagpasok ko, agad na din akong nagdrive. Mabilis lang ang byahe dahil hindi naman weekend. Pinapark ko yung kotse when Bennie suddenly said:

"Dada, why are you always saying I love you to Tita Kianna? I never heard you say that to Mom. But Tito Astig always says that to her."

"A-" I was about to answer him, but Jho spoke.

"Let's go, Bennie. Diba you said you want to have new Lego, right?"

"Yes, Mom! Dada promised last night we'd get the new one," masayang sabi ni Bennie. Dali-daling bumaba si Jho para kunin si Bennie sa backseat. Sorry, anak. Kung pwede lang, I said to myself as I shook my head.

Det's POV

"Is Isabel investing? I received an email from the bank. She always withdraws 10 million for three consecutive months," Elmer said.

"I don't know. Wala naman siya sinasabi?" sagot ko.

"Call her or just message her. Yeah, that's her money, but I'm just curious. Hindi siya nagsabi. Baka mamaya someone's hacking her bank account," he said.

"Okay, I'll tell her. Baka pauwi na din 'yon. Sabi niya ilalabas niya si Bennie," sagot ko, agad namang minessage si Isabel about that.

We're packing our things. Dapat next week pa uwi namin, but Elmer insisted na agahan para mas matagal namin makasama si Bennie. End of school year na kasi nila, at balak namin ilipat siya ng school if ever pumayag si Jho.

"Deretso ba tayo sa farm o sa Manila muna?" he asked.

"Maybe deretso tayo ng Bulacan to surprise them-oh, Isabel is calling."

Third Person POV

Pauwi na sila. Aalis din si Bea papuntang Manila para kay Kianna. Kanina, bago sila lumabas ni Bennie, nakita ni Jho na may kausap si Bea. May idea naman siya kung sino.

Habang nagddrive si Bea, she opened her phone and dialed immediately.

"Hi, Mom. I'm driving. I saw your message. No, I'm not investing."

"No, Mom. What? 30 million?! I'll just go to Manila, but I'm not sure kung uuwi din ako later. Tell Dad na lang na I'm not investing. I'll call the bank na lang para malaman paano nakawithdraw."

"Yeah, Mom. Will get back to you guys later. Bye. Love you."

Nakikinig lang si Jho sa usapan nila hanggang makarating sila sa bahay. Binuhat ni Bea si Bennie hanggang sa room dahil nakatulog na ito sa byahe.

"Ah, Jho, I'm not sure kung makakauwi ako, but message me if Bennie needs anything. Una na ko," paalam ni Bea at agad na lumabas.

Bea didn't want Kianna to stay upset with her, so even though she was tired from playing with Bennie, she went to surprise Kianna and make *suyo*.

It took her almost three hours to drive because of traffic. When she got to Kianna's condo, she quickly went inside and let the valet handle her car.

She knocked on the door, but it wasn't Kianna who opened it.

Beatriz's POV

"Hi, is Kianna here?" I asked. Hindi kasi si Kianna yung nagbukas-a tall guy, mas matangkad sakin.

"Ah, yeah, she's here. Babe, someone's looking for you," he said. Did I hear that right? Narinig ko naman na parang tumakbo si Kianna papunta dito.

"Who's-Bea," Kianna said, tumingin siya sa lalaki at saka sakin.

"I'll go to our room, Babe. Seems like your friend needs something from you. By the way, I'm Dwight. Dwight Ramos, Kianna's boyfriend." Inabot niya yung kamay niya. Tinignan ko.

"Bea. Bea de Leon."

"Nice to meet you, Bea," he said at umalis. Nakatitig sakin si Kianna. I didn't know what to feel.

"I'm s-sorry, Bei," she said. I just nodded. Nabitiwan ko yung bulaklak na dala ko. I shook my head and ran away, heading to the elevator. Mabilis naman akong nakababa, at buti na lang hindi pa napapark yung kotse ko.

Hindi ko napigilang pumatak ang mga luha ko pagsakay ko sa kotse. I didn't know where to go.

Jhoana's POV

It's midnight, and nagising ako. Parang may nabasag sa baba, kaya tumayo ako para silipin.

Oh my god, yung malaking vase ni Bea-at si Bea! Dali-dali akong tumakbo. Sa umaga lang naman kasi nandito yung mga helper, saka kapag sinabihan niya na dito matulog.

"Hehe, hi, Jhow," she said. Drunk and crying but smiling at the same time. Naka-upo siya. Napano 'to? Kanina masaya naman siya.

"Hey, tayo ka jan," sabi ko habang ina-alalayan siya. Yumakap siya sakin, at naramdaman kong basa na agad yung damit ko.

"Tara, magpahinga ka na sa room mo," I said. Nilagay ko yung kamay niya sa shoulder ko at umakyat kami.

"Why didn't we end up together? Kasi we were so in love with each other before. I'm so damn in love with you," she said pagkapasok namin sa room niya. Yumakap ulit siya sakin. Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganito.

"It hurts so much. I did the right thing, but she cheated on me-or should I say, I'm the second one."

----

A/N: I apologize for any typo and grammar errors you may have noticed. :D

Bahala na ulit kayo di ako nagproofread sorry kung magulo and dry? antok na kasi ako😭😆

Bound by SecretsWhere stories live. Discover now