"Thank you ha! Alam mo, okay na sana. Pinuri mo na ko ng maayos, kaso dinagdagan mo pa," sabi ko at inirapan siya.
Matagal-tagal pa ako magpapasensya dito. Alam mo yung feeling na cinocompliment ka tapos ijujudge ka din? Si Beatriz lang gumagawa nun sakin. Busit, sinabihan ako na ang pretty ko pero ang sungit din at the same time. Naglalakad kami papunta kina Cobie kasi inaaya niya kahapon yung kambal.
"Hahaha, alam mo, isang irap mo pa sakin, hahalikan na kita." Lumapit siya sakin, tinakpan ko gamit ang dalawang kamay ko ang buong mukha ko.
"Sa susunod na irap mo, I'll taste your lips," she whispered at naglakad. Inulit pa talaga niya ha para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Nakakainis, may pagkamanyakis din pala.
"Jho, tara na!" she shouted, halatang masayang-masaya. Tahimik ako, sumunod sa kanya hanggang makarating kami sa prutasan, sa bahay ng kambal, pero si Ate Mona yung nasa labas at wala yung kambal.
"Ate Mona, nasan po si Cobie at Bianca?"
"Ay Jho, kayo pala, saka boss. Magandang umaga! Nagpaalam sakin yung kambal kahapon, pero pasensya na, sinundo kasi ng mga lolo nila biglaan. Inaantay nga kayo kaso sabi ng biyenan ko, baka daw gabihin sila kaya umalis na," tumingin si Bea sakin.
"Magandang umaga din po," sabi ni Bea.
"Ah sige, Ate Mona, una na din po kami. Pag maaga po silang naka-uwi, papuntahin niyo po sila sa rancho," sabi ko.
"Sige, Jhoana. Mag-ingat po kayo, boss," tumango si Bea. Tahimik pa din ako, di ko siya kinakausap. Mamaya halikan nga ako nyan. Makalipas ang paglalakad namin, nakarating kami sa rancho nang tahimik at hindi nag-uusap.
"Jho." Huminto ako at tumingin sa kanya.
"Did you try na ba mag-horseback riding?" tanong niya. Umiling ako.
"What? Why? Ang daming kabayo ni dad dito, and you want to try?" medyo napataas ang boses niya. Nakita ko naman na papalapit dito si Nico at Ysay.
"Jho, sino yan? Bagong salta?" tanong ni Nico. Hindi ko pa nasasagot si Bea, habang si Ysay nakatingin samin. Si Bea naman nagtataka.
"Ah hindi, anak ni Madam, boss din natin si Bea. Ah, Bea, si Nico at Ysay pala. Nag-aalaga sila ng mga kabayo dito sa farm," tumango naman si Bea.
"Ah, hello, boss. Ysay," inabot ni Ysay kamay niya habang si Nico nakatingin lang.
"Bea," tinanggap ni Bea ang kamay ni Ysay na nakangiti.
"Osya, Ysay, aling kabayo ba pwede magamit? Sasakay daw siya e,"
"Ah, tara po, yung alaga ni tatay, mabait yon. Nico, pare, ikaw muna bahala dito, sasamahan ko muna sila kay tatay."
"Bakit ako? Ikaw nalang. Dito ako nasasama sa kanila."
"Pero—"
"Ysay, asan ba tatay mo? Maiwan na kayo dito. Kami nalang ni Jho ang hahanap sa tatay mo. Kabisado naman ni Jho yung farm," singit ni Bea. Masama ang tingin ni Nico. Hindi ba siya nahihiya kay boss?
"Sigurado ka po, boss? Jho, okay lang?" Tumango ako.
"Ah, boss, nasa likod yon. Baka nagpapanday ng sapatos ng kabayo pang derby. May laban ata sa susunod na linggo."
"Sige. Salamat, Ysay. Mauna na kami," sabi ni Bea at umalis. Anyare don?
"Wait, Bea, antayin mo ko."
"Nico, umayos ka nga," sabi ko at tumakbo para sundan si Bea.
"Hoy, sandali! Kako, di mo naman alam saang likod ang sinasabi ni Ysay." Huminto siya.
"Medyo mayabang yung isang manliligaw mo. Si Ysay, mukhang maayos naman," sabi niya.
"Huh? Pano mo nalaman?"
"Kay Manang Beth. Tara na, nasan ba yung kabayo?" Tumango nalang ako at naglakad.
"Yan pala yung mga ginagamit sa derby. Yung iba, tinetrain pa," sabi ko.
"Mang Wilfredo!" tawag ko. Lumabas si Mang Wilfredo galing sa loob ng isang kulungan ng kabayo.
"Oh, Jho, naparito ka? Nasan si Ysay?"
"Ah, Mang Wilfredo, si Bea pala, anak ni Madam. Gusto daw mangabayo. Sabi ni Ysay, yung inaalagaan niyo daw po ang pwede."
"Ay, ganon ba? Magandang umaga, boss Bea."
"Bea nalang po, Mang Wilfredo. Sila mom lang po ang boss niyo, hindi po ako," sabi ni Bea at nagkamot ng ulo.
"Nakakahiya po yon pag—"
"Wag po kayo mahiya sakin. Manggagawa po kayo dito, saka ang bata ko pa po para mag-po kayo sakin. Hahaha okay na po yung Bea," ngiting sabi niya. Mabait naman pala 'tong kapre na 'to kahit papaano.
Napakamot si Mang Wilfredo sa ulo niya. Hindi siya nanalo kay Bea e, hahaha.
"Kung ganon, halina kayo ni Jho," nakangiting sabi ni manong, at sinundan namin siya.
"Ito si Bell, mabait na kabayo 'to. Tara sa track." Inakay ni manong yung kabayo habang nakasunod kami ni Bea.
"Marunong ka ba mangabayo, Bea?" tanong niya.
"Opo, marunong na marunong. Ayos lang po ba nasakyan na si Bell kahit ngayon lang kami nagkita?" Ngiting-ngiti siya sa sagot niya. Confident, huh.
"Oo naman, subukan mo." Ibinigay ni Mang Wilfredo ang tali. Agad naman sumakay si Bea at pinatakbo ang kabayo.
"Bea, dahan-dahan ka lang! Baka mapagalitan ako ni Madam," sigaw ko kasi pinatakbo niya agad ng mabilis.
"Magaling siya, parang si sir Elmer," natatawang sabi ni Mang Wilfredo.
"Ay, mas magaling po jan si sir, manong," sabi ko.
"Hahaha, sige, ikaw ang may sabi e, pero maligsi ang batang yan. Magpaturo ka na kasi kay Ysay mangabayo."
"Nako, manong, ayoko po. Baka malaglag pa ko. Ayan na po si Bea, pabalik na."
"Ang bilis po ni Bell ah. Pwede na din po ito pang derby para sakin," sabi ni Bea pagkabalik. Nakasakay pa din siya sa kabayo.
"Nako, ayaw ni sir. Baka daw mapwersa. Mabalik tayo. Ako na magtuturo sayo, Jho. Halika kung ayaw mo kay Ysay, ako nalang. Ako naman nagturo don sa bata na yon," nagulat ako sa sinabi ni manong. Nakatingin din si Bea sakin.
"Ah, Mang Wilfredo, kung ako na po magtuturo kay Jho, pwede po ba?" bumaba si Bea sa kabayo.
"Sigurado ka ba? Nakakapagod magturo mangabayo."
"Ako na po bahala. Tatawagin nalang po namin kayo kapag may kailangan ako."
"Osige, maiwan ko muna kayo at itutuloy ko pa nga pagpapanday sa mga sapatos na gagamitin ng mga kabayo sa derby," tumango si Bea, at umalis si manong.
"Ayoko, Bea. Baka malaglag pa ko. Ikaw nalang, papanuorin nalang kita."
"Hindi ka malalaglag. Ako bahala sayo. Sakay na, Jho. May gusto kasi akong puntahan. Gusto ko magkabayo e, diba, sasama ka sakin sa mga lakad ko, sabi ni mom. Pero pwede naman nga wag ka na mag-aral mangabayo. Baka gusto mo kasi dalawa tayo sa isang kabayo," kapal talaga ng mukha ne'to.
"Kabahan ka sa sinasabi mo. Oo na, sasakay na." Inalalayan niya ko pasakay sa kabayo habang tawang-tawa, kainis. Tapos bigla siya sumakay din sa likod. Tinignan ko siya.
"What? Baka malaglag ka. Tuturuan muna kita paano humawak ng tama," bulong niya sakin, pero biglang tumakbo si Bell at nalaglag kami pareho.
"Awwww!"
----
A/N: I apologize for any typo and grammar errors you may have noticed. :D
Bahala na ulit kayo di ako nagproofread😭😆