Chapter 39

315 16 13
                                    

Bea's POV

A week later…

Hindi pa ako busy sa company. Binigyan ako ni Dad ng isang buwan para magpahinga. Inaantay ko sila Jia dahil sabi nila, malapit na sila. Pagdating nila, bumaba agad si Jia ng sasakyan.

"Jusko, Beadel! Ikaw ba may anak kay Dexter? Mapapagalitan ka ni Ate Den! Ang dami mo namang binili para kay Dexter," sabi ni Jia habang sinundo nila ako ni Miguel.

"At least isang galitan na lang si Ate Den. Hahaha," sabi ko. I think hindi rin naman niya ako matitiis.

"Lagot ka talaga. Tara na nga. Babe, patulong naman dito, ang dami dala ni Bea," tawag niya kay Migs. Tinawanan ko lang siya habang bitbit ko ang mga paper bags na puro toys for Dexter. Sumakay kami at nagsimula nang mag-drive si Migs.

"Julia Melissa," tawag ko. Tumingin siya sa akin nang masama. Hahaha, ayaw niya kasi tinatawag siya sa full name niya. Natatawa naman si Miguel.

"Chill! Hahaha. Bakit ba kasi sa Bulacan pa tayo pupunta? Anong trip niyo?" Hindi ko siya sinagot at inirapan ko lang.

"San ba pwedeng bumili ng bagong kaibigan? Migs, ibibili na rin kita ng bagong fiancée," sabi ko. Binato ako ng tissue ni Jia. Hahaha, buti naiwasan ko.

"You're so sungit," sabi ko.

"Ouch," sabi ni Miguel dahil pinalo siya ni Jia kasi natatawa siya.

"Isa ka pa! Pagbubuhulin ko kayo ni Beatriz!"

"Dali ka don, Bei. Hahaha," sabi ni Miguel.

"Sabi ko nga," I said sabay taas ng both hands ko. Tawang-tawa naman si Miguel.

"Mag-drive ka diyan! Sinasabayan mo pa si Bea, eh," sabi ni Jia. Kaya natahimik si Miguel. Hahaha.

Tumahimik na lang ako at nag-cellphone. Baka lalo pang mapikon si Jia. Hanggang sa nakaramdam ako ng antok.

"Jia," tumingin siya sa akin nang masama.

"I'm not mang-aasar. Wake me up na lang. I'm sleepy kasi," sabi ko habang ngiting-ngiti sa kanya. Nagnod naman siya, kaya agad akong umayos at natulog.

At Bulacan…

Kakadating lang namin. Actually, kakagising ko lang din.

"Mamaya mo na ibaba yung mga pasalubong mo kay Dexter. Tara na muna sa loob," sabi ni Jia. Nagtaka ako.

"Ano meron dito? Sure ka ba na nandiyan na sila Ate Ly? Parang mali nga na dinala ko na yung mga pasalubong ko para kay Dexter," sabi ko. Para kasing may event, hindi man lang ako sinabihan ni Jia. Kaya napailing na lang ako.

"Basta, tara sa loob," sabi ni Jia. Kaya bumaba kami. Nauna siyang maglakad, sinusundan namin siya ni Miguel.

"Wala pa rin ba?" tanong ko kay Miguel.

"Hahaha, after wedding gusto ng kaibigan mo, eh. Lapit na kami ikasal, Bei. Single ka pa rin."

"Hahaha, well, Jia being Jia. At least hindi ako namomroblema manuyo," sabi ko na lang at tumawa.

"Kayong dalawa, ano na naman pinag-uusapan niyo?" Huminto si Jia.

"Wala. Sabi ko kay Miguel, ibibili ko siya ng bagong fiancée—yung hindi masungit," sabi ko at tumawa nang tumawa. Akmang hahampasin niya ako, biglang nag-open yung door.

"Jia, Migs," si Ate Den.

"Bea! Glad you came. Thank you, Ju and Migs," masayang sabi ni Ate Den at nagbeso sa amin.

"Ay nako, Ate Den, ewan ko na lang kung maging masaya ka sa mga dala niyan. Si Bea," sabi ni Jia. Kaya tumingin sa akin si Ate Den.

"What?" Patay-malisya ako syempre. Magsasalita sana si Jia pero…

Bound by SecretsWhere stories live. Discover now