Chapter 4

238 20 18
                                    

I don’t have friends here in Batangas, and I don’t know why I feel shy around Jhoana. I’m trying to act like everything is fine, but it’s embarrassing since I’m already an adult and yet my mom asked her to accompany me.

We walked quietly towards the ranch, and the farm has changed a lot. Before, there wasn’t a field, just too much tall grass.

I’ll be staying here for 6 months. I wonder if it’s going to be like this all the time—so quiet. I might actually prefer being alone if it stays like this.

"Ma’am Isabel, dito po yung mga mangosteen na tinanim dito sa farm, tapos yung mga coconut tree po na yan sa inyo na din po yan. Nabili na po nila madam," sabi ni Jhoana habang tumatango ako.

"Yan ka nanaman sa 'po' mo Jhoana saka don't call me 'ma'am Isabel,' it’s too girly. Sila mom lang ang pumipilit na itawag sakin yan. Call me Bea or whatever you want, basta wag lang Isabel," nakangiti kong sabi sa kanya. Baka isipin niya ang arte ko, but yeah, 'Isabel' is just too girly for me. I have *a thing* and then they call me Isabel—my goodness.

"O-okay, Bea. Hmm Jho nalang masyado mahaba yung Jhoana. Dito muna tayo, tapos mamaya na sa rancho. Tikman mo 'to," sabi niya, at inabot niya sakin ang mangosteen. May nakasalubong kaming mga bata.

"Hi, ate Jho, sino yan kasama mo?" sabi ng isang bata.

"Hello, Codie and Bianca. Anak siya ni madam Det," sagot ni Jhoana. Napansin ko na parang nahiya yung mga bata.

"Hi, my name is Bea, you can call me Ate Bea," ngiti kong sabi sa kanila.

"Hello po," sabay nilang sabi.

Pumantay ako sa kanila.

"Wag kayo mahiya sakin, sama kayo samin ni Ate Jho. Pinapasyal niya ko dito sa farm para masaya, sama na kayo samin," sabi ko at tumingin sila kay Jho, kaya napatingin din ako. Nakita ko siyang nakangiti din.

"Okay lang po ba, Ate Jho?" tanong ni Bianca. Dalawa lang naman sila kaya hindi na mahirap identify kung sino si Bianca at Codie, haha. Tumango si Jho.

"Sabi naman ni Ate Bea niyo eh, kaya ano pang magagawa ko. Basta wag kayo makulit, ha," yumakap sila kay Jho, pareho.

"Ouch, bakit ako walang hug? Ako yung nag-aya sa inyo," sabi ko, natawa si Jho.

"Hala, sorry po, Ate Bea."

"Nagtatampo na ko, pero kung hahug niyo ko ng sobrang higpit, sige, hindi na," sabi ko. Tumakbo sila pabalik sakin, nakangiti si Jho samin kaya nginitian ko din siya.

"Wag ka po samin magtampo, Ate Bea."

"Oo nga po," sabi nila habang nakayakap sila sakin.

Lumipas ang oras at sumaglit lang kami sa planta, tapos bumalik kami dito sa mga tanim na prutas. I’m 22, tapos si Jho 20, nakipaghabulan kami sa mga 7-year-old na bata, haha, ang saya. Namiss ko 'to.

Uminom ako ng tubig habang naglalaro pa din sila. Nakita ko naman na palapit si Jho sakin. Inabutan ko siya ng bottled water.

"Thank you, sana nag-enjoy ka today," nakangiting sabi niya. Ngumiti ako sa kanya.

"Wala yan, tubig lang yan, haha. Ako dapat mag-thank you. I’m so happy and sobra akong nag-enjoy, dahil sayo."

"I mean sa inyo," dagdag ko.

"Ate Bea, Ate Jho!" sigaw ni Codie habang papunta sa pwesto namin ni Jho.

"Sabi ni Bianca, laro pa daw po tayo ng nanay-nanayan at tatay-tatayan. Pero pano po yun, dalawa po kayo nanay namin, ganon?" natawa ako.

"Kayo talaga, hindi pa ba kayo napapagod? May bukas pa, oh," sabi ni Jho.

"Haha, problema ba 'yon? Edi bukas tayo maglaro. Ako na yung dada, si Ate Jho niyo yung mommy," hindi ko alam bakit ko nasabi 'yon, nakakahiya.

"Pwede ka namin dada, Ate Bea, ganon?" tanong ni Codie.

"I mean, ano, kung okay lang pala sa Ate Jho niyo," sabi ko. Tumango naman si Jho.

"You sure?" tanong ko.

"Yep, okay lang naman," sagot niya.

"Uii, si Ate Bea naka-ngiti," Codie said.

"Huh? Hindi ah," nagtawanan si Codie at Bianca. Nagtaka naman si Jho.

"Ate Jho, Ate Bea, uwi na po kami. Baka hinahanap na kami, eh. Salamat po sa meryenda at pagsali sa laro namin ni Codie," sabi ni Bianca at niyakap ako ng mahigpit, ganon din si Codie.

"Ay, ako wala?" natawa kami ni Codie.

"Meron, Ate Jho, ang matampuhin mo po talaga," sinimangutan sila ni Jho, haha. She's cute. Tumakbo naman yung dalawa sa kanya para yakapin siya.

"Ate Bea, sali ka po para hug ka din po namin," inosenteng sabi ni Bianca. Napakamot ako sa ulo ko.

"Okay, okay," niyakap ko na sila. *What the f—*, ano 'yon? Nahawakan ko lang kamay ni Jho, parang may kuryente.

"Hindi po kami makahinga, Ate Bea, Ate Jho," reklamo ni Codie.

"Ay, sorry, sorry, hahaha. Tara, ihatid namin kayo sa inyo," sabi ko.

"Totoo po? Hahatid niyo kami ni Codie?" Tumango ako. Nagtitili si Bianca, haha, ang cute nilang tignan.

"Tara na, baka gabihin kami ni Ate Jho niyo. Saan ba sa inyo?" tanong ko.

"Hahaha, gusto sila ihatid, tapos hindi mo naman pala alam saan," sabi ni Jho.

"Haha, joke lang. Tara na, alam ko yung kanila," ayun, sumunod kami nung dalawang bata sa kanya, naghahabulan pa nga din yung dalawa.

Nang maihatid namin yung dalawang bata, palubog na yung araw. Sabay kaming naglalakad ni Jho pero huminto siya sandali.

"Ganda," bigla niyang sabi.

"You love sunsets?" I asked her.

"Yes, hindi lang love, super love pa nga, eh," halata naman kasi her eyes are glowing while watching it.

"Tara na, bukas na lang ulit. Baka magdilim, mahirap umuwi sa mansyon," she said.

"No, you said you love sunsets, diba? So let’s watch it together," I said. Tumingin siya sakin.

"I’m dead serious, Jho. Hahaha, let’s watch it. Kasama naman kita kaya okay lang gabihin tayo. I love watching sunsets too," I said while smiling at her.

"If that’s what you want, boss, haha," natatawang sabi niya.

Umupo kami sa gilid kung saan kitang-kita ang paglubog ng araw.

"We’re friends, right?" I asked her.

"Ako, friend mo? Luh, boss kaya kita," she said.

"Haha, no, I’m not your boss. Si mom yung boss mo. Come on, Jho, we used to play before. Siguro kung hindi ako umalis to study in Manila and in the States, baka I’m always with you. Hahaha, I remember what I did before. I cried because I didn’t have a playmate, kasi hindi kita kalaro sa Manila. You looked like a keychain before, hahaha. You see that tree? We used to play there while Kuya and Manang were watching us. Your parents were working, ata. I don’t know. I only remember that I was so happy playing right under that tree with you."

----

A/N: I apologize for any typo and grammar errors you may have noticed. :D

Bahala na ulit kayo di ako nagproofread😭😆

Bound by SecretsWhere stories live. Discover now