Chapter 8

320 15 8
                                    

"Just rest, Jho. Wag ka muna sumama sakin bukas. I'm okay, pagalingin mo muna yang mga scratches mo." Hinatid ako ni Bea after lunch, buti nalang wala si mama.

"Tito, una na po ako. Sorry po, kasalanan ko naman kung bakit nagkaroon ng gasgas si Jho. I volunteered to teach her horseback riding, pasensya na po," sabi niya kay papa.

"Nako, wala naman may gusto sa nangyari. Ganyan din ako nung una. Nakakahiya na ikaw pa na anak ng boss namin ang magtuturo sa anak ko," he just smiled at me. Siraulo ata 'to.

"It's okay lang naman po. Para naman po may ambag ako sa pagsama sakin ni Jho. Oo nga po pala, balak ko po sanang ipagpaalam si Jho. Gusto ko po sana umakyat ng bundok, sa Ambon-Ambon Falls po, kung okay lang po sana isama ko si Jho." Ha? Tama ba yung pagkakadinig ko? Bakit pati ako? Ang taas nun, nakakapagod pumunta don.

"Hindi pa po ngayon, pag gumaling na yung mga gasgas ni Jho," dagdag niya. Wala si mama dito, walang kokontra kapag pumayag si papa. Nakita ko nakatingin si papa sakin kaya nag-iwas tingin ako.

"Tanungin mo si Jhoana, kung papayag siya, edi sige. Basta mag-ingat kayo," sabi ni papa. Paano ako tatanggi?

"Ah, usapan naman po nila ni mom, sasamahan po ako ni Jho kahit saan. Diba, Jho?"

"Ha? Oo, sige." Wala akong naisagot kundi "oo, sige." Ano ba magagawa ko? Wala naman. Para sa scholarship namin ni Janel 'to. Ngiting-ngiti siya nung sinabi ko na payag ako.

It's 5 o'clock when mama arrived. Galing ata siyang bayan. As usual, nagmano ako at bumalik din sa kwarto ko kaya hindi na pansin ni mama. Kung nakita niya 'to, alam kong mapapagalitan ako kapag sinabi ko ang nangyari.

Mabait naman si mama, pero mainit talaga siya samin ni Jaja, lalo na sa akin. Pero hindi ko nalang pinapansin at iniintindi ko nalang kasi mahal ko sila ni papa. Andyan naman si papa para kampihan ako sa mga bagay-bagay.

Magaalas-7 na nang gabi, oras na para kumain ng hapunan. Hindi ko alam paano ito itatago, bahala na. Lumabas ako para maghain kami ni Jaja.

"Ate, dapat hindi mo na nilagyan ng patch yung sugat mo," sabi niya habang naglalagay ng mga plato sa lamesa namin. Nagtataka ako kasi bakit hindi lalagyan?

"Hindi mahahalata ni mama yung sugat mo. Kakulay mo naman eh, hahaha," sabi niya, tawang-tawa ang bwisit. Tinignan ko siya ng masama.

"Hahaha, sorry na! Pinapatawa lang kita kasi halata na kinakabahan ka."

"Ewan ko sayo, Ja. Tawagin mo na sila mama. Baka matuwa pa ako sayo," tumawa si Jaja na umalis dito sa kusina. Hindi nagtagal, bumalik na siya kasama sila mama at papa.

Nagsimula kaming kumain, nag-uusap sila mama at papa tungkol sa mga plano nila. Nakikinig lang kaming dalawa ni Jaja.

"Jhoana, napano yang braso mo?" Napatingin ako kay mama.

"Inutusan ko kanina sa rancho nung makauwi sila ni Bea. Iniwasan yung mga kabayo na nakawala," biglang sagot ni papa kaya tumingin ako sa kanya at nginitian niya ako.

"Magiingat ka nga mabuti. Baka mamaya pati anak ng boss natin mapahamak, malalagot ka talaga sakin, Jhoana."

"Lovel, hayaan mo si Jhoana. Hindi naman niya gugustuhin mapahamak si Bea. Saka hindi naman siya ang nagpresenta para maging kasama ni Bea habang nandito siya," sagot ni papa. Buti nalang talaga andito si papa.

"Oo nga po, ma," sawsaw naman ni Jaja.

"Ay, ewan ko sa inyong mag-aama. Pagbubuhulin ko kayong tatlo."

"Mama talaga oh," sabi ni Jaja, natawa naman si papa.

"Sige na, magpahinga na kayo. Kami na bahala ng mama niyo dito."

"Sige po, pa, ma. Good night po," yumakap kami sa kanila.

"Thank you, pa," bulong ko. He patted my head at naglakad papunta sa kwarto namin.

"Lakas mo talaga kay papa, ate. Buti nalang talaga wala si mama kanina nung hinatid ka ni ate Bea kundi yari ka," sabi ni Jaja.

"Hay, sinabi mo pa," naisip ko naman yung mga nangyari kanina. Halos mahalikan na ako ni Bea nung nadaganan niya ako. Ang ganda niya kanina, tapos fit pa yung shirt niya, kita yung abs niya. Ang caring niya din, talagang hindi siya pumayag na hindi niya gamutin yung sugat ko. Tapos pinapasok pa nga niya ako sa room niya. Ganda at ang linis, saka ang bango. Walang-wala 'tong kwarto namin ni Jaja. Siya pa mismo naghatid sakin pauwi, pinagbuksan niya ako ng pinto. Akala mo yun, may pagka-gentlewoman naman pala siya. I'm aware naman ako na intersex siya, kaya nga sinasabihan ko na manyak ilang beses na. Sinasabi niya na "I'll taste your lips" ganon. Nakakainis siya, kukunin pa niya first kiss ko. Pero okay naman siya kasama, pero sana lang hindi siya magbago.

"Hoy, ate!" sabi ni Jaja.

"Ano ba, Ja? Bat ka ba naninigaw? Magkatabi lang tayo," inis na sabi ko.

"Paano hindi sisigaw eh kanina pa kita kinakausap, tulala ka jan, tapos nangingiti ka para kang baliw."

"E ano ba kasi yon?"

"Sabi ko, kumusta naman si ate Bea? Hindi naman ba siya napilayan? Saka hindi ka naman ba pinapahirapan?"

"Hindi, pero may sugat din siya. Nasabit ata don sa saddle nung kabayo. Hindi naman malala. Mabait siya, alam mo mahilig din siya sa bata. Si Bianca at Codie nameet na niya, nakipaglaro siya. Isasama nga namin sana sa rancho kaso umalis pala."

"Di naman malala? Oh edi magkakasundo kayo. Ang kulit nung dalawa na yon parang turumpo sa likot. Nagagalit nga si ate Mona don minsan, nadidinig ko, haha."

"Hindi. Saka ginamot ko kanina. Mmm, siguro pwede naman, basta wag siya luko-luko. Syempre bata pa yung mga yon, malilikot talaga. Ikaw nga, tanda mo na, ang likot mo pa din. Kung saan-saan ka nagpupunta kapag may pasok ka."

"Hahaha, ganon talaga, ate. E ikaw kasi ayaw mo man lang makipagsocialize. Ate, tingin mo may jowa si ate Bea?"

"Aba, malay ko, Ja? Hindi ko naman yan tinatanong, saka bakit ko naman itatanong yan?"

"Eh bakit ka nagagalit? Tinatanong lang naman. Siguro crush mo si ate Bea no? Go, ate! Pogi naman eh, saka hindi ka na talo."

----

A/N: I apologize for any typo and grammar errors you may have noticed. :D

Bahala na ulit kayo di ako nagproofread😭😆

Bound by SecretsWhere stories live. Discover now