Jhoana's POV
Kakadating lang namin sa bahay, at binuhat ni Bea si Bennie papunta sa kwarto namin. Yung isang room kasi dito ay kay Thirdy ginagamit niya kapag nandito siya. Hinalikan ni Bea si Bennie sa noo before fixing the blanket.
Biglang nag-ring ang phone ko—tumatawag si Thirdy. Nakita ni Bea, pero tinignan niya lang ako at nagpatuloy sa pag-aayos kay Bennie.
"Hello, Thirds."
"Hi, Jho. Are you guys home na?"
"Yes, kakadating lang namin."
"I see. Where is Bennie?"
"Tulog. Napagod ata masyado."
"I see, hahaha. D’yan ako magpapasko!"
"Anong bago, Mister? Kulang na nga lang dito ka na tumira."
"Pwede ba?" tanong niya.
"Sira ulo, yan ka nanaman," sagot ko habang tumatawa. Pumasok ako sa CR baka magising pa si Bennie. Umiiyak siya kapag hindi kumpleto ang tulog niya.
"Hahaha, I’m just kidding, Jho. Oo na, kaibigan LANG," sabi niya, at natawa ako kasi pinagdidiinan niya yung "lang."
"Anyway, I just called kasi kakabasa ko lang nung message mo," sabi niya. Huminga ako ng malalim.
"You don’t have a choice naman na hindi ka pumayag," sabi niya. Minessage ko kasi siya na mag-uusap kami ni Bea at pumayag akong tumira sa iisang bahay.
"Makapal lang talaga mukha ng ex mo. Alam niya na pipiliin mo na tumira sa isang bahay kasama siya, wag lang malayo sa’yo si Bennie. Basta, Jho, kung kailangan mo ko, magsabi ka. Please lang, wag mong sarilihin. Para na kitang asawa, hahaha!"
"Kilabutan ka, Ferdinand. Sira ulo ka, mga sinasabi mo!" sagot ko, pero tawa siya ng tawa.
"Ito naman, hindi mabiro. Pinapatawa lang kita. Pero seryoso, kapag may kailangan ka, magsabi ka. Hindi kayo iba sa’kin ni Bennie, alam mo ‘yan," sabi niya nang seryoso. Tumango ako video call guys.
"Nag-usap na ba kayo tungkol sa mga rules and regulations na sinasabi niya?" tanong niya. Umiling ako.
"Mag-uusap pa lang. Nasa labas siya, kakauwi lang namin."
"Sige, kausapin mo na. Balitaan mo ako kapag may hindi maganda sa rules niya. Uupakan ko talaga ‘yan."
"Ewan ko sa’yo. Sige na, balitaan na lang kita mamaya," sabi ko.
"Okay, okay. Bye. Kiss mo na lang ako kay Bennie. Yung kiss ko sa’yo, sa Pasko na." Tumawa siya nang tumawa.
"Oo, kiss kita sa pader. Bye!" sabi ko, sabay end ng call. Paglabas ko ng CR, nagtama ang mga mata namin ni Bea. Nasa bed siya, binabantayan si Bennie.
"Are you done talking to your boyfriend?" tanong niya.
"Ha? Ano—" Tinaas niya ang kamay niya at tumayo.
"You don’t need to explain. Let’s talk," sabi niya sabay upo sa couch. Sinundan ko lang siya ng tingin.
"Actually, Jho, naisip ko na hindi naman pala kailangan ‘yung mga rules na ‘yon. Hindi naman ako mahigpit. Pwede ka pa din makipag-date anytime you want. Walang pakialamanan ng buhay—in short, mind your own business."
Tumingin siya sa’kin. Pinagsasabi niya? Siya pa talaga ang nagsabing "mind your own business." Kapal ng mukha, ha.
"I have four rooms doon sa house na pinuntahan natin kanina. You can choose what room you want."
"Hindi na, tabi na lang kami ni Bennie," mabilis kong sagot. Nagnod naman siya.
"Okay, if that’s what you want. Lilipat na kayo after Christmas," sabi niya, kaya napatingin ako sa kanya.
"Ha? Ang bilis naman. Yung mga gamit namin dito, hindi ko pa naayos."
"So? Hindi tayo dito magpapasko. Mom and Dad will arrive tomorrow night. They just flew here to see Bennie and spend Christmas with him. Saka your things are not a problem naman. Magpapadala na lang ako ng tao dito para kunin ‘yung mga gamit niyo," sagot niya.
"Hindi pwede..." Napatingin siya sa’kin. "I mean, nagsabi kasi si Thirdy na dito siya magpapasko," sabi ko.
"So? That’s not my problem anymore. You can spend Christmas with him, but I will bring Bennie," sabi niya. Sobra na siya! Nakakainis na.
"Are you out of your mind? Ano, akala mo papayag ako na hindi ko kasama anak ko? Limang taon namin kinaya na wala ka!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
"So? Ano, akala mo papayag ako na hindi ko makakasama anak ko sa Pasko? Jho, baka nakakalimutan mo na ikaw ang may kasalanan kung bakit hindi niyo ko kasama. Limang taon mo siyang itinago sa’kin. If you want to spend Christmas with your boyfriend, I don’t care. Isasama ko si Bennie sa ayaw at gusto mo. Nasa’yo kung sasama ka—you’re still welcome to our house. Mauna na ko. Susunduin ko kayo bukas, at diretso na tayo sa Manila," sagot niya.
Lalabas na sana siya pero biglang huminto. Magsasalita sana ako pero naunahan niya na naman ako.
"Don’t try to hide Bennie again, Jho. You’ll see what I can do.," dugtong niya, sabay labas. Hindi man lang ako pinagsalita. Nakakairita ‘tong kapre na ‘to! Araw-araw ko siyang makikita at titiisin.
A/N: naiinip na ko magflashback nalang kapag gusto niyo pero ako ayaw ko HHAHAHAHA char
Fast Forward...
Bea's POV
Im on my way para sunduin si Bennie ewan ko kay Jhoana kung sasama siya. Dadaan sana ako kala Dex para ibigay na yung mga gift ko for them kaso galit sakin si ate Den. Alam na nila ni ate Ly, bakit daw binigla namin si Bennie.
Parang kasalanan ko pa na tinago sakin yung anak ko. Hindi kona minessage si Jho na papunta na ko pero i reminded her again kagabi tinext ko siya kapag tinakas niya si Bennie magkakasubukan kami magkikita kami sa korte.
After 2 hours nakarating ako sa bahay ni Jho, bumaba ako agad at nagdoorbell. Si Bennie ang lumabas sa pinto nakaready na siya.
"Dada!," sigaw niya at tumakbo papunta dito sa gate nila. Lumabas na din si Jho halatang wala siya sa mood. Binuhat ko si Bennie
"Are you ready Baby?" I said yumakap siya sakin at kiniss ako sa cheek
"Yes, dada! This is the first time I will go on Manila. Tito Astig always making pilit to mom but she doesnt allow me," bulong ni Bennie sakin
"Haha thats okay, your mommyLa and daddyLo are excited to meet you," naglakad ako papuntang kotse bumili na ko nagbooster seat kahapon nung pauwi ako doon ko pinaupo si Bennie sakto pagtapos ko ayusin si Bennie siya naman tapos ni Jho ilock yung gate. Pinagbuksan ko siya ng door sumakay naman siya
"Good job, Jho enjoy christmas with me," I said as I smirk bago ko isarado yung pinto nakita ko na umirap siya.
----
A/N: I apologize for any typo and grammar errors you may have noticed. :D
Bahala na ulit kayo di ako nagproofread😭😆
