Chapter 52

289 25 18
                                    

Jhoana's POV 

Hindi kami nagpapansinan ni Beatriz, pero ngingiti-ngiti siya sa tabi ko habang nagda-drive. "Enjoy Christmas with me." Paano ko mag-eenjoy? Hindi pa nga Pasko, naiinis na ako sa kanya. 

Kinakabahan ako kasi after 5 years, makikita ko ulit sila Madam. Hindi ko alam kung galit ba sila sa akin o hindi. Nakatulog si Bennie, pero malapit na kami kala Bea. Nasa loob na kami ng village nila. 

Maaga pa, wala pa sila Madam. Sabi niya gabi daw ang dating, pero 4 PM pa lang. Alas-dos pa nang sinundo niya kami. Anong oras pa nakagayak si Bennie! Hindi naman niya sinabi kung anong oras kami aalis. Kaya ayun, kuhang-kuha niya lalo ang inis ko. 

Inaayos niya yung parada ng sasakyan niya sa tapat ng bahay nila. Wala pa ring nagbago—ganito pa rin ang itsura ng bahay nila after 5 years. Hindi ko napansin, nakalabas na pala siya ng sasakyan. Nagulat na lang ako nang biglang bumukas yung pinto kaya dali-dali din akong bumaba. 

"Ako na," sabi niya habang nahawakan niya ang kamay ko. Bubuksan ko sana yung backseat para buhatin si Bennie, pero kinuha niya pati ang gamit namin ni Bennie at pumasok na ng bahay. 

"Jhoana? Ikaw nga," isang pamilyar na boses ang nadinig ko pagkapasok namin. Iginala ko ang paningin ko at nakita si Manang Rose. 

"Ikinagagalak ko na makita ka ulit. Kumusta na? Ito na ang anak niyo ni Isabel?" tanong niya. 

"Ah, ayos lang po, Manang. Opo," sagot ko nang medyo mahina. 

"Sunod ka na lang, Jho. You know naman kung saan ang room ko," sabi ni Beatriz na hindi man lang ako hinintay sumagot. 

"Ganyan na ata talaga 'yan. Minsan masungit, minsan naman hindi," sabi ni Manang, at nginitian ko na lang siya. Hindi naman ganyan dati.

"Ah, Manang, sundan ko po muna sila. Baka po umiyak si Bennie." 

"Sige, nang makapagpahinga ka din, anak. Malapit na sila Madam," sabi niya. When was the last time na may tumawag sa akin na anak? Si Madam pa ata yon. Nagnod ako kay Manang at sumunod kala Bennie sa taas. Nag-knock ako bago pumasok sa room niya. Pagpasok ko, tumingin siya sa akin at binalik ang tingin kay Bennie. Nakaupo siya sa kama niya. 

"Why here?" tanong ko sa kanya, kasi pwede naman sa guest room. 

"’Cause why not? This is my room. Hindi ko naman papatulugin ang anak ko sa guest room," sagot niya. Tumayo siya at lumapit sa akin, inilapit ang mukha niya at tumingin sa mga mata ko. 

"Dito nga natin ginawa si Bennie, eh. Don’t you remember? Or you want me to remind you?" bulong niya. Napapikit ako. 

"Next time, Jhoana. Next time," natatawang sabi niya at lumabas ng room niya. Bwisit. Manyak! Lumapit ako kay Bennie kasi medyo gumalaw siya at nagising. 

Bea's POV 

"Hi, Mom, Dad, and Kuys," I said at nagbeso sa kanila. 

"Where's my apo?" nakangiting sabi ni Mom. 

"Oh God, Mom. Wala man lang hello for me? Apo agad ang hanap?" pabirong sabi ko, kaya natawa sila ni Dad. 

"Hay naku, Isabel." 

"Haha, upstairs. He is asleep."

"Naisama mo ba yung favorite ni Mom? Baka magulat kami, may kapatid na si Bennie," biro ni Kuya. Nagnod ako. 

"May boyfriend, Kuys. Kung wala, baka madagdagan ang bibilhin mong gift next Christmas," sagot ko. Tumawa si Kuya at Dad. 

"Kayo talaga, puro kayo kalokohan. Kunin mo na ang anak mo, baka gising naman na," sabi ni Mom habang tumatawa kaming lahat. 

Third Person POV 

"Mommy! This is yummy! I’m sure Tito Astig will love this," sabi ni Bennie habang nagdidinner sila. 

"Who's Tito Astig?" tanong ni Det. 

"Oh, MommyLa. His name is Thirdy, right, Mom?" Nagnod si Jho, pero napansin ni Det na naiirita si Bea. 

"Someone's jelly jelly,"  Loel said kaya tinignan siya ng masama ni Bea parang wala naman kay Jho

"What's jelly jelly, toti?" Bennie asked

"Oh dont mind me Bennie,"

"Oh okay po, I’ll tell Tito Astig to meet you guys, but he is leaving soon," malungkot na sabi ni Bennie pero patuloy pa rin sa pagkain. Tumingin si Bea kay Bennie, pagkatapos kay Det. Si Jho naman ay nakatingin kay Bennie, pati si Loel at Elmer. 

"Why? Where will he go?" tanong ni Det. 

"He is playing basketball. I don’t know where. He just said po na I should make bantay to my Mommy. But I think I don’t need to do that. Dada is here naman po. She will make bantay to me and Mom. Right, Dada?" Mahabang sabi ni Bennie habang nakangiti, wala siyang kaalam-alam na hindi mag-asawa ang Dada at Mommy niya. 

Nasamid bigla si Jho, halatang nagulat siya sa sinabi ng anak.

"Isabel, kinakausap ka ng anak mo," loel said habang natatawa 

"Ha? Ah, yes, of course," sagot ni Beatriz. Si Elmer at Loel ay nagpipigil ng tawa dahil napa-oo si Beatriz dahil sa anak niya. 

"Are you okay, Mom?" tanong ni Bennie kay Jho. Napatango na lang si Jho at uminom ng tubig. 

"I’m so happy we’re complete. Thank you, Dada, you come home. And thank you, MommyLa, DaddyLo, and Toti Loel for spending Christmas with us," nakangiting sabi ni Bennie. 

"Don’t worry, Apo. We will celebrate all events with you," sabi ni Det. Hindi naman kumikibo si Jhoana, tahimik lang siya. Hindi pa sila nagkakausap ni Det. 

Night After Dinner 

Magkasama si Beatriz at Bennie sa room, naglalaro ng mga pasalubong. Si Jho naman ay nasa baba, kausap sila Elmer. Napaliwanag niya nang maayos ang lahat, kasama na ang tungkol sa ginawa ng Mama niya. Dahil doon, gusto nila makausap si Lovel para malaman kung bakit ito ang ginawa niya. 

"Walang problema sa amin. Nadinig na namin at nasagot mo na ang mga tanong namin sa ’yo,"sabi ni Elmer. Niyakap naman ni Det si Jho dahil umiiyak siya. 

"Pagpasensyahan mo na lang din si Isabel. Kung may nasasabi siyang hindi maganda, sadyang noong nawala ka, nawalan din siya ng gana sa buhay. Tinakot na lang talaga ni Elmer para tumino," sabi ni Det. 

"Pasensya na po talaga, Tita," sagot ni Jho. Sasagot pa sana si Det, pero naunahan ni Loel. 

"Oh, tama na ’yan. Baka ako din maiyak. Mom, Dad, and Jho, welcome to the family," sabi ni Loel. 

"Loel! Ikaw talaga. Manang-mana ka sa Dad mo," sagot ni Det. 

"Oh, bakit ako?" natatawang sabi ni Elmer. 

"Ewan ko sa inyong mag-ama. Sige, Jhoana, umakyat ka na sa mag-ama mo. Umaasa kami na maayos sana ang lahat. Pag-isipan niyo mabuti. Bigyan niyo ng buong pamilya ang apo namin."

----

A/N: I apologize for any typo and grammar errors you may have noticed. :D

Bahala na ulit kayo di ako nagproofread😭😆

Bound by SecretsWhere stories live. Discover now