"Talaga ate? Ma, Pa. Pumayag na kayo de la salle lipa na yon," reaction ni jaja kumakain kami ng hapunan sinabi ko na kinausap ako ni madam
"Sa akin, ayos pabor mas makakaipon kami ng mama mo, pero Jho anak okay lang ba sayo?,"
"Kung papayag po kayo, mukhang mabait naman po si Isabel kaya ayos lang din po. Pa may kinwento si manang sakin nakakalaro ko daw po dati si Isabel,"
"Ikaw lovel ano? Sakin ayos lang payag ako magandang paaralan na yon pangarap ko para sa kanila. Ah oo anak maliit ka pa non, grabe naman si manang natatandaan pa yon, gusto ka nga ampunin noon ng mga de Leon dahil kay Isabel pero syempre ayaw naman namin na mawalay ka samin ng mama mo," tumango naman ako
"Pareho naman tayo ng pangarap John, basta Jhoana wag kung saan saan mo dadalin si Isabel," bilin ni mama
"So ma, pa payag na kayo? Omg makakapag aral ako sa magandang school," sigaw ni jaja natawa si papa
"Basta mag iingat Jhoana," papa said
"Opo pa," ngiting sabi ko
Pumasok kami ni Jaja sa kwarto namin pagkatapos hugasan ang mga gamit namin sa kusina.
"Ate kung pinaampon ka pala nila mama non wala akong ate sana solo ko kwarto na 'to ngayon sayang," sabi ni jaja binatukan ko siya
"Aray teh, nagbibiro lang naman e,"
"Ikaw talaga puro ka kalokohan,"
"Pero seryoso ate taray nakalaro mo pala si Boss bea e,"
"Hindi ko tanda ja, malay ko 3 taon palang daw ako non. Tinawag niya ko kaninang negra gusto ko siya sapakin kanina,"
"Hahaha ate e negra ka naman talaga, bakit ka naman mananapak nagsasabi lang ng totoo yung tao," sinamaan ko siya ng tingin nag peace sign
"Lagi mo na siya makakasama ngayon ate, mabait naman diba sabi mo kanina,"
"Oo diba binigyan ako bonus binigay ko na kay mama,"
"Gusto ko mameet yon ate para makita ko din sinasabi kasi nila faith pogi daw yon,"
"Ay nako Ja matulog kana nga kung ano ano pa iniisip mo, matutulog na ko pupuntahan ko si madam bukas kung gusto mo sumama ka"
"Ay ate sasamahan ko si mama bukas pupuntang bayan," sabi niya at nagkakamot ng ulo
"Malas mo naman," pinalo niya ko ng unan saka tumawa at tumalikod baliw talaga.
Kinabukasan...
"Oh Jhoana ang aga mo naman," sabi ni sir Elmer
"Ah gusto ko po sana kausapin si madam tungkol sa inalok niya sakin kahapon," ngumiti siya
"Mukhang napapayag kana ng asawa ko ha, sandali pababa na yon," binigyan ko nalang ng tipid na ngiti dahil nahihiya talaga ko sa kanila.
"Hon.. Elmer," nadinig kong tawag ni madam tumingin naman sa taas si sir mabilis nakababa si madam at dumeretso dito
"Jhoana, ang aga mo may kailangan kaba? Napagisipan mona ba ang alok ko sa iyo?,"
"Opo kaya din po ako nandito madam para makipag usap po ulit tungkol sa inaalok niyo po.,"
"Halika dito tayo, do you eat breakfast na ba? Sumabay kana samin ni Elmer,"
"Ah hindi na po madam tapos na po, pumapayag na po ako sa inaalok niyo sa akin,"
"Mabuti naman at tinanggap mo, pasensya kana ikaw lang kasi ang pwedeng pagkatiwalaan ko dito sa lugar natin" naka ngiting sabi ni madam
"Wala po yon madam, saka para naman din po ito kala papa para hindi na sila mamroblema sa pagpapaaral sa amin magkapatid,"
"Napaka bait mong bata, ganito bigyan mo kami ng mga school documents mo at aayusin namin ang mga dapat ayusin para papasok nalang kayo ng kapatid mo," sabi ni sir elmer
"Masusunod po sir, kailan po pala ako magsisimula madam?,"
"Depende kay Isabel siya naman ang sasamahan mo tingin ko hindi naman araw araw lalabas yon kaya malaya ka pa din gawin ang mga gusto mo. Jho sabayan mo na kami kumain, para makapag usap kayo ni Isabel pababa an din yon," sasagot sana ako ay biglang lumabad si Isabel
"Good morning Momm and dad—oh hi Jho" binigyan ko siya tipid na ngiti
"Good morning anak, pumwyag na pala si Jho samahan ka kapag gusto mo magikot dito," sir elmer said
"Oh thats nice, by the way mom Im planning to go sa rancho later," tumingin sakin si madam
"Okay Isabel, sasamahan kana ni Jho, Jho wait for Isabel na," tumango nalang ako kasi ano pa bang magagawa ko. Tumingin si Isabel sakin hindi din siya kumibo sa sinabi ni madam at umupo para magbreakfast.
"Jhoana, wag kana mahiya hindi ka naman iba sa amin umupo kana," sabi ng kuya ni Isabel ngumiti ako at umupo kumain na ko pero nakakahiya na kulang nalang ayain nila kong lahat.
"Ako na po," sabi ko dahil lalagyan ng kuya ni Isabel yung plato ko
"Okay okay kuha ka ng marami Jho," sabi niya at na upo
"Mom you know what kaya ko naman mag isa Jho dont need to come with me, mababait naman sila dito e,"
Tumingin si madam sa kanya
"Oo mababait pero my concern is hindi mo kabisado dito mamaya kung anong mangyari sayo wala kang kasama," napakamot siya ng ulo at tumawa si sir Elmer tahimik lang ako nakinig sa kanila
Umakyat agad si Isabel pagkatapos niya kumain, tinulungan ko naman si manang magligpit pagkatapos ay lumabas ako sa lanai nila para maghintay makalipas ang ilang minuto lumabas din si Isabel naka suot siya ng longsleeve na white at shorts. Sinundan ko naman siya
"You sure okay lang sayo na samahan ako?, wala ka ba need gawin? Sorry na abala ka pa ni mom," tumango ako
"Hindi may kapalit naman 'to kaya okay lang. Saan mo ba gusto pumunta sa race field ng mga kabayo niyo o sa mga alaga niyong kabayo," tanong ko sa kanya
"You," sabi niya
"I mean ikaw saan mo ba ko una balak dalin, since kabisado mo naman dito ikaw na magdesisyon," tumango ako
"pahatid kana kay mang Bert sa rancho para hindi kana maglakad, sunod nalang ako,"
"E ikaw pano ka?"
"Maglalakad nalang ako, malapit lang naman," kumunot noo niya
"Lakad nalang din ako malapit lang naman pala,"
----
A/N: I apologize for any typo and grammar errors you may have noticed. :D
Bahala na ulit kayo di ako nagproofread😭😆