Chapter 50

565 24 36
                                        

Jhoana's POV

"So ano, Jho? That’s your choice. Live with me and Bennie, or you can borrow Bennie but, at the end of the day, you will bring him back to me. Take it or leave it." 

"You have today to think about it, and sasabihin na din natin kay Bennie yung totoo since andito na tayo. Madami pa akong kailangang asikasuhin, sumunod ka na lang sakin," sabi niya. Hindi ako nakasagot. This is not the Bea I loved before. Tumayo siya. 

"Oh, by the way, this house is mine. It’s near the school where you work. Actually, you can resign para mas maalagaan mo nang mabuti si Bennie. If you choose to live with me and Bennie, this will be our house, and we’ll talk about the rules and regulations after," she said at naglakad papunta kay Bennie. 

Wala na bang ibang choice? Saka bakit ba siya nagmamadaling sabihin kay Bennie? Hindi ganito yung ugali ni Bea noon. Nakakatakot siya kasama ngayon. Tinignan ko ulit sila, at seryoso silang nag-uusap. Huminga ako nang malalim, pinunasan ang mga luhang naggigilid, at naglakad papunta sa kanila. 

Bea's POV

Lumapit ako kay Bennie na nakaupo sa bean bag, may chair and table sa tabi niya. Kinumusta ko siya at tinanong kung kumusta naman ang mom niya. 

"She’s crying last night, Dada. She’s asking me if I’m happy with her and what if Dada takes me away from her. But I don’t know who’s my real Dada. How will Dada take me away from her? Mom always says my Dada is working far away and that my Dada loves me so much," sagot niya habang may ginagawa sa iPad na bigay ko. Narinig ko siyang huminga nang malalim. Tahimik lang akong nakikinig sa mga sinasabi niya. 

"I hope you’re my real Dada so Mom will no longer cry because you won’t take me away from her," dagdag ni Bennie kaya tumingin ako kay Jho. Nakapikit siya, parang pigil ang damdamin. 

Walang nagbago sa kanya. Mas lalo lang ata siyang naging tahimik, at hindi niya ako magawang sungitan. Napangiti nalang  ako dahil naalala ko kung gaano siya kasungit, bigla niyang idilat ang kanyang mga mata, at nagkatinginan kami. Agad akong umiwas ng tingin  napansin ko na tumayo siya at naglakas papunta sa amin. 

"Actually, Bennie, wait for your mom. May sasabihin kami sa’yo," sabi ko. 

"Okay po," sabi ni Bennie. Tinignan ko yung ginagawa niya sa iPad, nagdodrawing siya—mana kay Jho. 

"Bennie..." tawag ni Jho pagkalapit sa amin. Tumingin agad si Bennie. Umupo si Jho sa harap ko. 

"Come here," sabi ni Jho. Binitawan naman ni Bennie ang iPad sa table at lumapit sa kanya. 

"Di ba, a few days ago you were asking where your Dada is, and I told you na you will see and hug your Dada in person?" Nagnod si Bennie. 

"I know masyadong magulo, but you will understand when you grow up. Your Dada is here, baby. You already talked to her and played with her," sabi ni Jho habang nanginginig ang boses niya. 

"She?" tanong ni Bennie. Nagnod si Jho at pinunasan ang mga luhang umaagos sa kanyang mukha. Nakatingin lang si Bennie sa kanya. 

"Where is she, Mom?" 

"Bennie," tawag ko. 

"You are my real Dada?" tanong niya habang tumutulo ang luha niya. 

Tumango ako at lumapit sa kanya sa tabi ni Jho, lumuhod ako. "Stop crying, Bennie," sabi ko, at niyakap ko siya agad. 

"Where did you go, Dada? Why did you take so long to be with me and Mom?"  tanong niya habang umiiyak pa rin. Si Jho, tahimik pero tumutulo din ang mga luha. I ended the hug at pinunasan ang mga luha niya sa mukha, hinahawakan ko both shoulder niya  

"I’m sorry, baby. It’s a long story, but I promise I will never leave you. I’ll stay beside you forever," sabi ko at hinalikan ang noo niya bago ko siya niyakap ulit. 

Nagulat ako nang bigla siyang humiwalay sa yakap ko.

"Mom, aren’t you happy that Dada is here? Stop crying," he said to Jho, pero kita mo na humihikbi pa rin siya.

"I’m just happy, baby," sabi ni Jho habang nakangiti kay Bennie. Namumula yung ilong niya at mata niya, hindi tulad namin ni Bennie na mas kalmado na.

Hinawakan ni Bennie ang mukha ni Jho at pinunasan ang luha niya gamit ang maliit niyang kamay. 

"I love you, Mommy. Stop crying," sabi ni Bennie. Hinawakan naman ni Jho ang kamay ni Bennie na nasa pisngi niya. 

"I love you too, baby. Mommy won’t cry anymore," sabi ni Jho. Yumakap naman si Bennie sa kanya, pero agad din itong humiwalay pagkatapos ng ilang minuto. 

"Dada, do you have ice cream?" tanong ni Bennie, na ikinataka namin ni Jho. 

"Why?" 

"Mom always gives me ice cream when I’m crying. It makes me happy," sabi niya. Halatang mahal na mahal niya ang mommy niya. 

"I don’t have any stock, but we can buy outside," sabi ko. 

"Hindi na, Bea. I’m okay," sabi ni Jho. 

"No, I insist. Let’s go." Tumayo ako at hinawakan ang kamay ni Bennie. Si Bennie naman ay hinawakan ang kamay ni Jho kaya napilitan siyang tumayo. 

Tahimik lang si Jho, pero halata sa mukha ni Bennie na masaya siya. Huminto ako sa 7/11, at ako na lang ang bumaba para bumili ng ice cream. Pagkatapos ay dinala ko sila sa park na nakita ko noong kasama ko si Dex. 

Pinagbukas ko ng ice cream si Bennie, pero binigay niya ito kay Jho. Kaya nagbukas ulit ako ng bago para sa kanya. Habang kumakain kami ng ice cream, biglang nagsalita si Bennie. 

"Mommy, Dada, can you both hug me?" sabi niya. Tumingin ako kay Jho na parang nagtatanong kung okay lang sa kanya. Tumingin siya kay Bennie at tumango, kaya pinagbigyan namin siya. 

"This was just my dream before, Dada," masayang sabi ni Bennie. Pero iba ang naramdaman ko kasi medyo tumama yung braso ko sa gilid ni Jho at naramdaman kong malambot. Napalunok ako. 

Nagpalipas kami ng oras sa park pinanuod si Bennie habang naglalaro, at habang pauwi na kami sa bahay ni Jho, nakatulog si Bennie siguro sa pagod. 

"I’ll accept your offer," biglang sabi ni Jho. Tumango ako. 

"Let’s just talk about the rules and regulation it later."

----

A/N: I apologize for any typo and grammar errors you may have noticed. :D

Bahala na ulit kayo di ako nagproofread😭😆

Binibilisan ko kasi need ko mapaabot yung christmas dito and new bago mag new year HAHAHA sana nagegets niyo pa😭

Bound by SecretsWhere stories live. Discover now