Jhoana's POV
"Kay Dex 'yan galing. Hindi ko kilala 'yung naghatid e. Haha pati bata, crush ka. Nauna ako sa pila ha," sagot ni Maddie habang pumasok siya dito. Natawa naman ako at napailing.
Kakagaling lang namin ni Teacher Rachel sa supplier ng school. Hands-on kasi talaga si Teacher Rachel.
"Bennie's doing great sa Filipino subject. Pero kay Dex, doon ata ako mapapasubok, hahaha."
"Englishero?" Tumango siya. "Hahaha, ganyan din naman si Bennie noon."
"Anyway, na-ready mo na ba lahat ng kailangan sa party ni Bennie? If you need help, sabihin mo lang," sabi niya.
"Yep, okay naman na. Tinulungan din ako ni Thirdy. Speaking of, nasaan si Bennie?" tanong ko. Tapos na ang klase kaya andito na siya.
"Ah, malapit talaga sa inyo si Thirdy, noh? Maglalaro daw sila ni Dex. Iniwan ko muna. Hindi naman 'yon aalis sa room," tumango naman ako.
"Parang siya na kasi 'yung tumayong ama ni Bennie simula noon. Hindi na niya kami pinabayaan kahit hindi naman niya kami kaano-ano," sabi ko. Ngumiti siya at tumango.
"Jho, can I ask something about his father?" Sasagot sana ako pero may kumatok sa pinto kaya pinagbuksan niya.
"Mommm!" sigaw ni Dex, buhat-buhat ni Thirdy.
"Ba't nandito 'to? Tuesday ah," tanong ko.
"Oh Bennie, where's Dex? Teacher Maddie said na you're playing with him?" tanong ko.
"Hi, Jho. Hi, Teacher Maddie," bati ni Thirdy. Ngitian ko siya. Si Maddie naman tumango.
"Ah, Jho, una na 'ko. Message me na lang kapag may kailangan ka," sabi niya. Tumango naman ako. Lumabas siya ng opisina ko.
"Tita Den and Tita Ly fetch him na, Mom. They thought Tito Astig is my dad, but I said my dad wasn’t here. He’s working sa malayong lugar at walang signal. Like what you told me," nakangiting sabi ng anak ko kaya tumango ako. Mabait naman sina Tita Ly and Tita Den, so wala naman problema sa akin as long as masaya ang Bennie ko.
"Thirds, Tuesday pa lang ah. Bakit ka nandito?" Binaba niya si Bennie. Tumakbo ito papunta sa akin kaya binuhat ko. Niyakap niya ako ng mahigpit. Hay, tanggal talaga ang pagod ko kapag nandiyan siya.
"Syempre, Bennie's birthday is coming. Nagpaalam muna ako sa coaches ko at pumayag naman sila," sabi niya. Tumingin ang anak ko sa kanya.
"Thank you, Tito Astig. I feel like I’m so special," sabi niya.
"Yes, you are special! You’re my boy, 'di ba? Sa inyo ako matutulog until Sunday, so marami tayong time para mag-play," sabi niya. Hindi na bago ang pagtulog ni Thirdy sa bahay. Kulang na lang, doon na siya tumira.
Third Person's POV
Gusto pa sana kausapin ni Maddie si Jho tungkol sa tatay ni Bennie. Nagtataka siya dahil magkamukha si Bennie at 'yung naghatid kay Dex — parang pinagbiyak na bunga. Nasa isip din niya kung kamag-anak ba ni Jho ang mga magulang ni Dex.
Sa tuwing dumadating si Thirdy, umaalis si Maddie dahil naiinis siya. Ayaw niya ng gulo na pwedeng mangyari. Minsan na rin silang nagkasagutan dahil kay Jho.
Si Bea naman ay hindi mapakali. Iniisip pa rin niya ang kaklase ni Dex. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya. Bigla niyang gusto itong makasama, buhatin, at yakapin. Habang nagda-drive siya pabalik sa bahay ng mga Valdez, si Dex lang ang nasa isip niya.
Pagdating sa labas ng gate nila Alyssa, may nakita siyang pamilyar na sasakyan. Pagkapark ng van ni Alyssa, agad siyang bumaba at pumasok sa loob.
Jia's POV
Bumalik ako sa Bulacan kasi partner ako ni Ate Ly sa next project niya. Sabi niya, pupunta kami ng maaga. Susunduin niya lang si Dex after ng meeting niya sa bagong client, then we can talk about the project.
Nagulat ako dahil tumatakbo si Bea papasok. Wala si Migs kasi umattend siya ng meeting namin sa mga supplier.
"Problema mo? Natatae ka ba at nagmamadali ka?" sabi ko.
"No, Jia! Baboy mo talaga. Anyway, you won’t believe this! I met Dex's classmate. I’m the one who brought him to school. Gosh, we look alike!" sabi niya nang mabilis.
"Anong drugs ang hinithit mo, Bei?"
"Ju, I’m serious! He looks like me, porma ko lang! And look, I don’t understand myself. Habang pauwi ako, gusto ko siyang buhatin at yakapin ng mahigpit," she said.
"Ano 'yon? Batang ikaw? Hahaha! Nako, Bei, baka anak mo? Baka isa sa mga nadali mo noon, nagbunga?" sabi ko.
"No, malabo. I always used condoms, you know," sabi niya, nagkakamot ng ulo.
"Malay mo, damage 'yung nagamit mo," sabi ko.
"I don’t know. But promise, Jia, he looks like me," sabi niya, nakangiti pa.
"Bei, mag-asawa ka na. Don’t overthink it. Like what you said, you always use condoms. You’re capable of raising your own family naman, and I can see na you will love your child to the fullest," sabi ko. Mahirap hanapan ng asawa si Bea. Ex nga ayaw ipakilala, paano ko marereto?
"Sana nga, Jia. Kung gaano mo kadaling sinabi na mag-asawa ako, ganoon din kadali gawin," sabi niya, umiiling.
"Bei, is it still your ex? We still don’t know her," sabi ko. Halos apat na taon na ang friendship namin pero never siyang nagkwento tungkol sa girl niya before. Ang alam ko lang, initials niya ay *JLM*. Nakita ko 'yun sa tattoo sa may ring finger niya.
Hindi siya makasagot. She took a deep breath.
"No, I moved on. I just want to hear the reason why she left. I deserve an explanation, Jia. I’m mad and disappointed at her. She promised na we’ll make it work. One year lang. Siya pa ang may gusto na umalis ako, kaya sinunod ko. I said to myself, I’ll marry her after that. But only a month after I got back to the States, she left without any explanation. Her name is Jhoana. Jhoana Louisse Maraguinot," malungkot niyang sabi. Kahit sabi niya na naka-move on na siya, ang hirap paniwalaan. Lubog pa rin siya sa taong 'yon.
"Gonna help you find her para makausad ka na,"
----
A/N: I apologize for any typo and grammar errors you may have noticed. :D
Bahala na ulit kayo di ako nagproofread😭😆
