We're getting ready ni Jho while Bennie downstairs is already ready with his yaya.
"Love."
"Hmm?" sagot niya.
"Let's get married na kaya? Bakit ba hindi pa kita pinapakasalan? Malaki na si Bennie," I said. Parang nagulat siya sa sinabi ko. Lumapit ako sa kanya.
"Hey, I'm serious. Why are you crying? Please don't cry, baka sabihin ng anak natin pinapaiyak kita, 'Let's get married here," I said as I wiped her tears. May mali ba sa sinabi ko?
"If ayaw mo pa magpakasal, it's okay lang naman. I just want to give Bennie a little sister or brother na sana, kaya pumasok sa isip ko mas maganda na we're married," dagdag ko pa.
"It's not that ayaw ko... Hindi ka naman kasi nagpropose," sabi niya habang tumutulo ang luha niya sabay tawa. Oo nga no? Kaya napakamot ako sa batok ko.
"I'm ready naman kaya... wait," I said. I walked beside the bed, opened the drawer, and took out a blue box. Hehe, I bought a ring last, last week.
It’s a round centerpiece with a diamond-studded band engraved with my name, Beatriz. I don’t know why, but I don’t like others calling me Beatriz—only when she says it. It just hits different.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
A/N: The engagement ring looks like this.
Bumalik ako kay Jho at lumuhod sa harap niya. Natatawa siya.
"I'm prepared, of course," I said while smiling. Natawa naman siya. She’s blushing. Hahaha, and that makes me smile.
"Jhoana Louisse Maraguinot, will you marry me? Be a de Leon too," I said with a big smile. She's nodding.
"I want words, Jho. Come on, say it," sabi ko.
"Yes, I'm going to marry you, love," she said. Kaya ngiting-ngiti ako. Hearing those words from her makes me emotional. Agad kong isinuot ang ring sa kanya.
Binuhat ko siya at inikot sa room namin.
"I love you so much, misis ko," I said sabay peck sa lips niya. Niyakap naman niya ako nang mahigpit.
"Pwede bang unahin na natin honeymoon?" I said. Kinurot niya ako.
"Aww, baka lang naman makalusot. Hehe," I said.
"Hindi ka pa ba nagsasawa? Halos araw-araw mo na ako," she said, kunot ang noo.
"Hahaha, you're so cute, love. Hehe. Hindi, kung pwede nga lang buong araw tayo mag-make love, gagawin ko. Kaso baka matuyuan ako. I want 8-10 babies kaya," I said.
"Awww! Aray, love! Ouch!" Kinurot nanaman niya ako. Dati bang crabs 'to? Still, magkayakap kami.
"Kala mo ba madali manganak? Ikaw manganak sige, 8-10. Tatlo lang," sabi niya.
"It's so konti, love. 8 nalang."
"Ikaw nalang mag-anak. Tatlo lang," she said.
"How can I do that naman? 7," I said.
"Baliw ka talaga. Ewan ko sa'yo. Tara na sa baba, inaantay na tayo ni Bennie."
"Yeah, I'm baliw for you. 7 ha? That's the deal. Gawin na natin yung pang-number 2 later," I said. Humiwalay siya nang hug sa akin at sinamaan ako ng tingin.
"Hahaha, I'm just kidding. Papakasal muna tayo before that. But if you want, ready naman ako kahit ilang rounds pa gusto mo," I said as I winked. Inirap niya ako at naglakad palabas ng room.
"Hey, love, wait for me," I said at hinabol siya syempre.
Jhoana's POV
Sa point na 'to, wala nang tatakbo. Wala nang maduduwag. Ipaglalaban ko na siya. Bago ako sumama dito sa States, nakausap ko na si Thirdy na aayusin ko yung sa amin ni Bea. Ayaw niya pumayag, pero yun na ang desisyon ko. Tama si Bea. Ako... kami naman. Yun ang gusto niyang gawin ko bago siya maaksidente.
Tahimik na kami magkasama dito. Sa totoo lang, hindi ko na naiisip na papakasalan ako ni Bea. Nasa isip ko lang gusto ko siyang makasama habang buhay. Kaya hindi ko ine-expect na magpopropose siya kanina.
Sobrang saya ko araw-araw, even sobrang kulit nila ni Bennie. Gaya kanina. Pero grabe naman ang hiling niya ngayon—8-10 anak? Hindi ko kaya yun. Binaba ko nang 3, pero 7 daw. Hindi nalang ako nakipagtalo kasi nasa baba na si Bennie. Kasalanan naman din niya siya nag-aya kay Bennie.
Namimili na sila ni Bennie ng Lego. Tumanaw siya sakin si Beatriz saka ngumiti, kaya ngumiti din ako. Maya-maya, katabi ko na ang loko. Iniwan ang anak namin pero tanaw pa rin naman dito.
"Meron ka nang toy under my pants and I ordered a new toy for you pa, kaya wag kang mainggit kay Bennie," bulong niya.
"Puro ka kalokohan, Beatriz! Nasa labas ka, mamaya may makadinig sa'yo," inis na sabi ko.
"Hahaha, okay, okay, I'm sorry. I love you, love. By the way, I'll call Mom later. I’ll say na we're getting married na, and they will have a new apo," sabi niya pero mahina na yung dulo. Hindi ko masyadong naintindihan.
"Ano sabi mo?" tanong ko.
"Sabi ko, I'll tell Mom and Dad na we're getting married na. Yun lang," she said.
"Pigilan mo na si Bennie kung ano-ano na kinukuha. Ang dami nang dala ni Roma," I said kasi sobrang dami na nilang bitbit.
"Hayaan mo na, love. Minsan lang naman."
"Anong minsan? E weekly andito tayo. Kilala na nga kayo nung cashier mag-ama," napakamot siya ng batok.
"Ito na po, kumander," sabi niya at walang nagawa kundi puntahan si Bennie at Roma.
Nandito ako naka-upo malapit sa cashier. Palapit na sila. Tuwang-tuwa nanaman si Bennie. Ang dami na nilang nabubuo ni Beatriz na Lego ilang buwan pa lang kami dito.
"Thank you, Mommy," sabi ni Bennie paglapit sakin.
"You should say that to your dada. Siya bumibili ng toys mo, not me."
"Dada said I should thank you too," tumingin ako kay Bea. Ngumiti siya sakin and she mouthed, I love you, kaya I smiled at her and mouthed, I love you too.
"Let's go. Let's pay muna all of your toys," sabi ni Beatriz kay Bennie. Inakbayan naman ako ni Beatriz.
Bago kami lumabas ng Lego store, may nakita akong familiar na mukha. Pero imposible na nandito siya dahil nasa Dubai si Thirdy.
----
A/N: I apologize for any typo and grammar errors you may have noticed. :D