Chapter 37

278 17 12
                                    

Jhoana's POV

Pinapanood ko si Bennie habang mahimbing na natutulog. Bago siya matulog, naitanong na naman niya kung nasaan ang tatay niya. Sa totoo lang, hindi ko din alam ang isasagot ko. Hindi ko naman alam kung nasaan si Bea, at wala na din akong balak alamin. Saka baka may sarili nang pamilya iyon—apat na taon na ang nakalipas. Tahimik na ang buhay naming mag-ina, at naibibigay ko naman ang pangangailangan ni Bennie. 

Tumayo ako para ayusin ang gamit ko at gamit ni Bennie dahil may pasok. Kasama ko siya sa school dahil in-enroll ko na rin siya para maging advanced nang konti. Matalino si Bennie. Noong una, hindi pa siya marunong mag-Tagalog. Pinapagalitan ko siya dahil nasanay kay Thirdy, pero parang lahat nga ata kay Bea niya namana. Mula ulo hanggang paa. Napailing na lang ako at napangiti dahil si Bennie na din ang naging buhay ko. 

Sila Mama at Papa, pati ang bunsong kapatid kong si Jaja, ay wala na akong balita. Sinubukan kong umuwi sa Batangas noon, pero balitang-balita ako roon. Ang sabi daw ni Mama, lumayas ako at sumama sa hindi kilalang lalaki. Nahihiya na din ako sa mga de Leon dahil alam kong nakarating na sa kanila ang balitang iyon. Kaya isa sa mga dahilan kung bakit napunta kami dito sa Bulacan. Pumayag ako kay Thirdy na tulungan ako. Malaki ang utang na loob ko sa kanya, hindi ko makakalimutan ang mga ginawa niya para sa amin ni Bennie. 

Natapos ko ang paghahanda ng gamit at humiga na rin ako sa tabi ng anak ko. Dahil maaga kaming aalis bukas, kailangan ko nang magpahinga. May bisita kasi sa school; mag-i-invest ata. Part ako ng guidance, kaya kailangan akong ipakilala sabi ng principal. 

“Nandito lang si Nanay para sa’yo, baby. Pasensya na kung hindi ko masabi sa’yo kung sino ang ama mo. Unti-untiin naman ni Nanay, pero masyado pang maaga. Baka maguluhan ka pa ngayon,” sabi ko at hinalikan siya sa noo. 

Kinabukasan...

Naglalakad na kami ni Bennie sa hallway. Ihahatid ko na din siya sa room niya. Teacher niya si Maddie. Nakasalubong namin si Teacher Rachel sa tapat ng conference room. 

“Jho, pasok ka na din sa conference room. Hatid mo na ‘yan si Benedict, parating na ‘yung mga bisita natin,” sabi ni Teacher Rachel, ang principal ng school. 

“Sige po, Teacher Rachel.” Ngumiti ito at pumasok na. 

“Baby, huwag kang makulit ha? Gawin mo ‘yung mga pinapagawa ni Teacher Maddie para may prize ka sa akin kapag very good ka.” 

“For real, Mom?!” tanong niya, tinaasan ko siya ng kilay. 

“Oops, sorry po! Tagalog only,” nagkamot siya ng ulo—parang si Beatriz kaya napapailing ako. “Totoo po, Nanay? May prize ako kapag very good?” Ginulo ko ang buhok niya. 

“Opo, kaya pumasok ka na. Kiss mo na si Nanay.” Kiniss niya agad ako bago siya tumakbo papasok. 

“Bye, Nanay!” Agad siyang pumasok sa room. Hindi ko na kinausap si Maddie dahil baka maunahan pa ako ng bisita. Nakakahiya naman. 

Third Person POV

Kasali si Jho sa meeting dahil kabisado na niya ang rules and regulations ng school. Siya na ang magpapaliwanag sa mga bisita dahil trusted na siya ng principal na si Rachel. Ipapasok din kasi ang anak ng bisita nila sa paaralan. Napili ng mag-asawa na sa probinsya pag-aralin dahil bata pa naman at para hindi masanay sa buhay mayaman. 

Pagkaayos ni Jhoana ng mga gamit, sakto namang pagpasok ni Teacher Rachel kasama ang mag-asawang Valdez. 

“By the way, Ly and Den, si Jhoana pala. Part siya ng school, siya ang mag-eexplain at sasagot ng mga tanong niyo about rules and regulations dito sa school,” sabi ni Teacher Rachel. 

“Good morning po, Jho na lang po. Masyado pong mahaba ang Jhoana,” bati ni Jhoana. 

“Good morning, Jhoana. Denise, and si Alyssa, asawa ko,” ngiting sabi ni Den at kinamayan si Jho. 

Nagsimula ang meeting. Nakikinig lang si Jho. Mukhang nagkakasundo naman sila sa mga napag-uusapan. 

“So, paano Teacher Rachel, deal na? Pasado na lagi ang anak ko?” nagtawanan sila matapos ma-explain ni Jho ang mga kailangan niyang i-explain. 

“Alam mo, Den, batukan mo ‘tong si Ly,” sabi ni Teacher Rachel. Magkaibigan kasi sina Den at Rachel. 

“Naku, hindi ka na nasanay diyan. Pero 4 years old pa lang si Dexter. Sana lang hindi makulitan ang magiging teacher niya kasi kami ni Ly—lalo na si Ly—napipikon ‘yan ni Dexter,” sabi ni Den. 

“Oh, ka-age ng anak ni Jho. Huwag kayong mag-alala, mahilig naman sa bata ‘yung teacher na naka-assign. Pero tignan natin kung kakayanin ni Teacher Maddie,” sabi ni Rachel. 

Napatingin naman si Jho sa kanila, at nakatingin din ang mag-asawa kay Jho. 

“Oh, may anak ka na, Jho? You look young, ha. Hindi halata. Well-maintained ng asawa sa pagmamahal, ha,” sabi ni Den. Napangiti si Jho pero hindi na lang kumibo dahil wala naman siyang asawa. 

“You look young din naman kaya,” sabi ni Ly kay Den. 

“Kayong dalawa, hindi na kayo nagbago. Tama na ‘yan. Tanungin niyo na si Jho sa mga gusto niyong malaman,” sabi ni Rachel. 

Hindi nila namalayan na malapit na pala ang break time dahil kung saan-saan na napunta ang usapan nila. 

“Malinaw naman sa ngayon ang mga napag-usapan natin. Siguro kunin na lang namin ang number ni Jho para kung may tanong kami, diretso na sa kanya. Mahirap nang sayo—may-ari ka lang ng school pero ang hirap hagilapin,” sabi ni Den, kaya natawa si Rachel. 

“Hahaha, sorry! I’m busy,” sagot ni Rachel. 

“Sus, busy. Mag-asawa ka na, maniniwala ako,” biro ni Den. Tatayo na sana sila dahil tapos na ang meeting, pero biglang may kumatok kaya natigil sila. 

“Excuse me po,” sabi ng guard. “Umiiyak po kasi si Bennie. Nadapa po at ayaw niya magpagamot sa akin. Hinahanap po si Ms. Jho.” 

Pagkarinig nito ni Jho, tumayo agad siya. Bumukas ang pinto dahil tinulak na ito ni Bennie. 

Umiiyak siya at naglakad. Sinalubong naman siya ni Jho. 

“Mom, it hurts,” umiiyak na sabi ni Bennie. Nagtinginan naman sina Ly and Den dahil familiar sa kanila ang mukha ng bata. 

“Baby, don’t cry na. Gagamutin na ni Mommy,” sabi ni Jho. Hinayaan na din niyang magsalita ng English si Bennie kahit pinapractice niya itong magsalita ng Tagalog. Tumayo naman sina Rachel at ang mag-asawa. 

“Rachel, Jho, una na kami. See you next week kasama na namin si Dexter,” sabi ni Den. 

“Sige po, ingat po kayo. Pasensya na po, asikasuhin ko muna,” sagot ni Jho sa mag-asawa. 

Alyssa's POV

Iniisip ko ‘yung anak ni Jho—familiar talaga. “Den, ako lang ba? Familiar ‘yung mukha nung anak ni Jho. Di ba kamukha ni Bea?” tanong ko kay Denise habang nagda-drive pabalik ng Manila. 

“Oo, iniisip ko nga din ‘yan kanina pa. Hahaha. Speaking of, kahapon dumating ‘yon si Jia. Sumundo.” 

“Alam mo kung taga-rito sa Bulacan si Bea, ay nako aakalain ko nang siya ang ama nun. Parang pinagbiyak na buko. Haha. Oo, nagsabi nga sakin si Jia. Sabi niya daw kay Bea sumama sa Bulacan next week, kasama din daw tayo. Hindi niya sinabi na sa bahay natin sila pupunta.” 

“True. Batangas and Manila lang naman ‘yon. Tyak di mo ‘yon madadala dito dahil walang bar. Haha. Loko talaga ‘yan si Jia.” 

----

A/N: I apologize for any typo and grammar errors you may have noticed. :D

Bahala na ulit kayo di ako nagproofread😭😆

Bound by SecretsWhere stories live. Discover now