Bea's POV
Nasa tabi pa rin kami ng falls, at dama ko ang lamig ng tubig na tumatalsik mula dito. Tahimik kaming dalawa, pero hindi awkward—parang sakto lang na mag-sink in sa amin 'yung moment.
"Do you wanna swim?" tanong ko sa kanya, breaking the silence.
"Seryoso ka?" tanong niya, sabay tawa. "Ang lamig kaya ng tubig!"
"Jho, kaya nga tayo umakyat dito e, saka hindi naman super lamig, pero refreshing, promise," sabi ko at sinimulan hubarin ang shirt ko so sport bra nalang suot ko. "Come on, Jho. We're here. Let's make the most of it."
Nagdalawang-isip ata siya, pero tinanggal niya na 'yung backpack niya at inilagay sa gilid. Nasa harap niya ako, nakatingin kung susunod siyang maligo kasama ko.
"Okay, fine," sabi niya habang unti-unting lumalapit sa gilid ng tubig. Halos kalahati ng katawan ko ay nakababad na sa tubig.
"See? Hindi naman sobrang lamig!" Tumawa siya, at nag-splash ako ng tubig papunta sa kanya para mabasa siya.
"Huy! Bei, malamig!" Natawa ako, lumapit, at hinila siya papunta sa mas malalim na parte ng falls.
The coolness of the water was calming after the long hike. I was enjoying the moment, and it made me feel more at ease.
"Bei, baka malunod ako, ang lalim na nito," natatawa siya.
"Hindi ka malulunod, kasama mo ako. Hahaha, yakap ka sa akin. Punta tayo doon sa likod ng falls, bilis," sabi ko, pero umiiling siya kaya ako na gumawa ng paraan para mayakap siya sa akin.
"Huyy, baka lumaki 'yung tubig, Beatriz."
"Hindi yan, edi sana umalis na 'yung mga tao doon." Turo ko sa mga pumupunta din sa falls. Hindi lang naman kami ang tao dito.
"Miss, pumasan ka na kasi sa girlfriend mo, ang cute niyo! Hahaha," sabi nung babae.
"Ayaw nga pumasan, e. Papakipot pa, nahihiya ata," sabi ko. Nakita ko namang sinamaan ako ng tingin ni Jho. Tumawa yung babae, tas naglangoy pabalik. Nagpapalutang lang kami dito, pareho.
"Ouch, Jho, bakit?!" Naramdaman ko ang sakit, pinalo niya ako.
"Girlfriend ka diyan," sabi niya.
"Bakit, ayaw mo ba?—I'm just kidding. Hahaha! Pasan ka na kung ayaw mo yumakap." Inirapan ako pero hinayaan niya akong lumapit at ilagay ang mga kamay niya sa balikat ko.
"Ang ganda talaga dito," sabi ko habang dahan-dahang naglalangoy. "I never thought I’d enjoy hiking this much."
"Haha, hindi ka kasi lumalabas, ikaw 'yung taga dito. Pero I knew you'd love it. I can see it in your face, Jho."
Hinawakan ko 'yung kamay niya na nasa balikat ko habang treading kami. "Magagalit lang sakin si Mama. Kung hindi mo ako pinilit, baka wala ako dito ngayon."
"Well, that's what I'm here for," I replied with a playful smirk. "To drag you out of your comfort zone... or to your mama? Hahaha."
"Hindi kaya, trabaho ko kaya 'to—samahan ka sa gusto mo," sagot niya. I laughed at that. May point siya, at nakarating na kami sa likod ng falls. For a moment, parang lahat ng worries ko nawala. It was like time slowed down.
We stayed in the back of the falls for a while, enjoying the peace. The sound of the falls was soothing, almost drowning out any thoughts of responsibilities.
Jhoana's POV
Bea moved closer. "Jho..." Her voice was soft, almost hesitant. I looked at her, curious.
"Hmm?"
"I just want to say... thank you for coming with me. I know it wasn't easy for you na you don't know me. I mean, you just know me as anak ng boss niyo, but pumayag ka. And that means a lot to me."
I felt my chest tighten at her words. "Bea, may kapalit naman kasi 'to, dapat nga ako 'yung nagta-thank you sa'yo kasi hindi ko naman magagawa 'to without you," I said.
She smiled at that, a warm, genuine smile that made my heart skip a beat. Pero bigla siyang yumuko. "Are you still accompanying me even without that scholar?"
"It depends. Siguro oo, siguro hindi."
"I'm really going to miss this when I leave," sabi niya at tumingin ulit sa akin.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko. The thought of her leaving was always there, hanging in the back of my mind. Pero ngayon, with the sound of the water rushing and the beauty of the moment, it felt even heavier.
"Don’t think about that now, you have 5 months pa naman," sabi ko. "Let's just enjoy today."
Bea nodded, her smile softening. "Yeah, you're right. Today lang muna. Hahaha."
"Balik na tayo doon? Hahaha, hindi pa tayo nag-lunch. Dumidilim na, masyado tayong nalibang." Inabot niya ang kamay niya sa akin para alalayan ako.
"Kapit ka, medyo malalim. Hahaha," ramdam ko yung init ng katawad ni bea since naka sport bra lang siya. hinawakan niya ang kamay ko na nakayakap sa leeg niya. Masaya kaming nagkukwentuhan habang pabalik sa kabilang parte ng falls kung nasaan ang mga gamit namin. Nang makabalik kami, inasikaso ko 'yung pagkain namin.
"'Di ba Ateneo 'yung scholarship mo? Edi magiging Manila girl ka na niyan," sabi niya habang binubuo niya 'yung camping tent, ang maintain ng body niya may abs tapos biceps niya — hoy Jho mga iniisip mo napailing nalang ako.
"Oo, ganon na nga siguro. Haha. Tara, kain na tayo," sabi ko nalang at pinagpatuloy ang ginagawa ko.
"Dalang na natin magkikita non."
"Every weekend uuwi naman ako saka kapag walang pasok, 'yun naman ang usapan namin ng mommy mo." Tumango siya.
"Do you have a cellphone ba?" tanong niya. Umiling ako.
"Wala, hindi pa pasok 'yung mga ganong bagay sa budget."
"I think you will need that kapag nasa Manila ka na. Pagbalik natin sa mansyon, pahinga ka ng isang araw, tapos samahan mo ako sa Manila," sabi niya.
"Huh? Ano gagawin ko don? Wala pa naman akong alam sa Manila. Magiging pabigat pa ako sa'yo. Ikaw na lang."
"Anong usapan niyo ni Mom?"
"Samahan kita hanggang nandito, kapalit ng scholarship namin ni Jaja."
"Oh, so sasama ka sa ayaw at sa gusto mo. Hahaha," sabi niya at kumindat pa.
"Don't pout. Hahaha, you're so cute. Baka i-request ko kay Mom na sa States na din scholar mo, sige ka."
"Wala akong alam doon sa Manila. Baka mawala ako."
"Hindi ka mawawala. Kasama mo ako e."
"Ewan ko sa'yo. Pero ano gagawin natin sa Manila?"
"Daming tanong, Jho. Magde-date tayo."
----
A/N: I apologize for any typo and grammar errors you may have noticed. :D
Guyysss, sorry hindi ako makakapag update after this siguro next week na? But magbabasa pa din naman ako comments niyo wala lang time magsulat tight sched hahaha hindi din kinaya ng time management yung sched ko e.
Anyway, Good morning. Bahala na ulit kayo di ako nagproofread😭😆