Bea's POV
I was just watching Bennie's party. Ang daming games para sa mga bata. Kitang-kita ko si Jhoana—very hands-on talaga sa event na ito. Napansin kong papalapit si Jia sa gawi ko.
"Kanina pa kita nakikitang nakatunganga dito, Bei. Ano bang iniisip mo?" tanong niya.
"Wala, I'm just watching him," sabi ko, referring to Bennie. Dumaan bigla ang bola sa harap ko, at si Bennie ang kumuha. Inabot ko ang bola sa kanya.
"Hi, happy birthday again," bati ko. Kita ko sa peripheral vision ko si Jia.
"Hello, thank you po," sagot niya.
"Bennie, can I ask you something?" tanong ko.
"Beiii," singit ni Jia, pero di ko siya pinansin.
"Opo, what is it?" nakangiti niyang sagot.
"I didn’t see your daddy?" tanong ko.
"Oh, my mom said my dada is working far away, and once dada has a signal, dada will call us," sagot niya. Tumingin ako kay Jia.
"Do you know what your dada's name is?" tanong ko ulit, pero umiling siya.
"Bennie—" may tumawag sa kanya, kaya napalingon siya sa likod.
"Are you sure you don’t—"
"Bennie, kanina ka pa hinahanap ni Tito Astig mo. He will go back to Manila na," sabi ni Jhoana, na biglang dumating. Nagtama ang mga mata namin for the first time in five years, pero agad siyang umiwas.
"Where is he, Mom?" tanong ni Bennie.
"In your room," sagot ni Jho.
"Ah, Jia, Bea, sandali lang," sabi ni Jho sa amin. Wow, Bea na lang? Parang hindi ako yung tinatawag niyang baby dati. I smirked.
"Sige, Jhoana," sagot ni Jia, pero wala na akong nasabi. Umalis na agad si Jho.
"Tata Bea, why are you staring at my crush like that?" biglang sulpot ni Dex, hindi ko namalayan.
"I’m not staring at her. Go play with your classmates, Dex," sagot ko. Narinig ko si Jia na tumawa.
"You’re so masungit today, Tata Bea. Bye!" sabi ni Dex bago tumakbo papunta sa mga kaklase niya. Napatawa ako.
"Not staring at her pala, ha? Akala ko nga matutunaw e. Nahatid mo ata ng tingin hanggang sa kwarto," sabi ni Jia.
"Ewan ko sa’yo, Julia," sagot ko.
"Ewan ko din sa’yo, Isabel Beatriz. Wag ka sa akin sasabay, kausapin mo yung ex mo," banat niya.
"Eh di wag, kala mo naman sayo ako makikisabay kay Ate Ly na lang ako sasabay," sagot ko.
"As if makakasabay ka! Nauna na sila. Ibinilin sa akin si Dex," she said sabay alis. What the—wala nang Grab dito, at hindi ko alam paano mag-commute.
Jhoana's POV
"Tito Astig, Mom said you were looking for me? Why?" tanong ni Bennie pagpasok namin sa room niya. Hindi naman talaga siya hinahanap ni Thirdy, mas lalong hindi uuwi ng Manila, nakita ko lang talaga na kausap niya si Bea.
"Huh?" tanong ni Thirdy, tumingin sa akin. Pinanlakihan ko siya ng mata.
"Ah, oo. Kanina pa kita hinahanap. Did you enjoy your party ba?" tanong niya at muling tumingin sa akin, sabay iling.
"Bennie, stay here, or you can go back to your classmates outside. I’ll talk to your mom lang saglit," sabi ni Thirdy kay Bennie.
"I’ll go outside na lang, Tito Astig. Nandyan pa si Mikeee, Alex, Lorenz, and Dex with her Tata Bea and Tati Jia," sagot ni Bennie.
"Okay. Be careful ha," sabi ni Thirdy. Tumakbo naman agad si Bennie palabas. Be careful, ang sabi. Jusko, ang kulit ng anak ko, manang-mana talaga sa pinagmanahan. Huminga ako ng malalim. Tumayo si Thirdy at lumapit sa akin.
"What happened?" tanong niya.
"Nakita ko na kausap niya si Bea. Natatakot lang ako, Thirdy," sagot ko.
"Jho, hindi mo naman kasi maitatago habang buhay yan. Napapansin ko nga yung kasama nila kanina, yung maliit na maputi, nakatingin lang kay Bennie. Even Bea. Alalahanin mo, surname ni Bennie ay Maraguinot. Magtataka sila lalo." Tumulo ang luha ko.
"Paano kung kakausapin ko si Bea, tapos kunin niya ang anak ko?"
"Nasa kanya na yun, Jho. Bennie and you are special to me, you know that, right? Hindi mo ako kaano-ano, pero you and Bennie mean so much to me. What more si Bea? Sarili pa niyang anak yan." Niyakap ako ni Thirdy at pinunasan ang mga luha ko.
"Thank you, Thirdy." Ngumiti siya at pinalis ang mga buhok ko sa noo.
"Sige na, Jho. Tara na. Yung anak mo, naglilikot na yon." Pero halata sa mata niya na may lungkot siyang dinadala. Kung kaya ko lang suklian ang pagmamahal niya, gagawin ko. Pero hanggang kaibigan lang talaga.
Paglabas namin, nakita ko si Jia na karga si Bennie. May tinuturo ito sa anak ko. Ngumiti siya sa akin, kaya ngumiti ako pabalik. Ginala ko ang mata ko, pero wala si Bea. Naka-hinga ako ng maluwag.
"Hinanap mo ba?" bulong ni Thirdy.
"Bakit ko naman hahanapin?" sagot ko.
"Sige lang, Jho. Deny it until maamin mo sa sarili mo na meron pa talaga," sabi niya sabay tawa.
Jia's POV
Sobrang daming similarities ni Bea saka ni Bennie, confirmation lang talaga ang kulang. I wonder talaga kung ano'ng nangyari. Mukhang mabait naman nga si Jho, pero anong story? Why did she do that?
Nakita kong palabas sila nung Tito Astig na tinatawag ni Bennie. Boyfriend niya ba 'to? Downgrade naman kung boyfriend niya—Beadel na 'yung nauna, oh. Nginitian ko si Jho, ngitian niya din ako pabalik.
Tinuturuan ko si Bennie kung saan magtatago. Si Bea nasa labas pa, baka nag-iisip kung paano niya makakausap si Jho. Well, sinabi ko, wag siya sasabay sakin. Totohanin ko 'yun—hindi ko talaga siya isasabay kapag hindi niya pa kinausap, kasi nandito na din e. Bakit hindi pa niya alamin, diba? Wala naman mawawala.
Naghahanap din naman ng ama 'yung bata. Kanina, nung nagpapaalam sila Den at Ly kay Dex, nakatingin lang siya. Kaya nilapitan ko, tapos tinanong ko, "Are you happy? Do you want something?"
Ang sagot niya sakin, "I want to see Dada. I want Dada hug like that." Tinuro niya si Ly, yakap-yakap si Dex. Nakikita ko naman na nakatingin si Bea kanina, pero hindi naman siya lumapit.
Kaya ayun, niyakap ko siya. Sabi ko na lang, "Talk to your mom, ask where your Dada." Nagpanggap na lang ako kasi wala naman alam 'yung bata.
Tumakbo si Bennie at nagtago. Lumapit naman sakin si Jho, kasunod 'yung lalaki.
"Hi, ah, nasan si Bea?"
----
A/N: I apologize for any typo and grammar errors you may have noticed. :D
Bahala na ulit kayo di ako nagproofread nauubusan na ko ng idea😭😆
Merry Christmas, Everyone!🫶
