Chapter 35

441 15 9
                                    

Third Person POV 

Bukod sa paglalaba sa mga de Leon, nagkaroon ng karagdagang trabaho si Lovel sa mga Gumabao. Ngayon, nautusan siyang samahan ang anak nilang si Michelle sa pagpapacheck-up dahil buntis ito. Habang naglalakad sila papunta sa doktor ni Michelle, napansin ni Lovel ang isang pamilyar na mukha mula sa malayo. Sa una, hindi niya ito pinansin dahil abala siya sa pag-aalalay kay Michelle. 

Pagkapasok ni Michelle sa loob ng clinic, nasa tapat naman ni Lovel si Jhoana at Thirdy. Napahinto siya, hindi makapaniwala sa nakikita. 

"Jhoana? Anong ginagawa mo dito? At sino 'yang kasama mo?!" bulalas ni Lovel, halatang gulat na gulat habang nakatitig sa hawak na papel ni Jhoana. Agad niya itong hinablot at nakita ang pangalan ng anak. 

"Anong ibig sabihin nito, Jhoana Louisse?" Hinawakan ni Lovel ang braso ni Jhoana nang mahigpit. 

"Ma... sandali lang..." nanginginig na sagot ni Jhoana. 

Bago pa siya makapagpaliwanag, nagsalita si Thirdy. "Sandali po, nasasaktan po si—" 

"Sino ka ba?!" galit na tanong ni Lovel, itinaas ang boses habang tinititigan si Thirdy mula ulo hanggang paa. 

"Ako po si Thirdy Ravena, kaibigan ni Jhoana." Pilit na kalmado ang tono ni Thirdy. 

"Kaibigan? Hindi kita kilala! At bakit siya nandito?" Sinipat ulit ni Lovel ang papel na hawak niya. "At ano itong tungkol sa pagbubuntis?!" 

Napaiwas ng tingin si Jhoana, nangingilid na ang luha. "Ma, buntis ako... pero—" 

"Buntis? At sino ang ama?" Halos sumabog sa galit si Lovel. "Huwag mong sabihing siya!" itinuro niya si Thirdy. 

"Hindi po si Thirdy!" Napailing si Jhoana. "Si Bea po... si Bea ang ama ng dinadala ko." 

Napahinto si Lovel, tila hindi makapaniwala sa narinig. "Bea? Yung anak ng mga nagpapaaral sa’yo? Yung mayaman? Huwag mo akong lokohin, Jhoana. Hindi papatol ang katulad niya sa'yo!" 

"Ma, totoo po! Si Bea po ang ama!" pilit ni Jhoana, nanginginig ang boses. 

"Imposible! Ang mahirap ay para sa mahirap! Huwag kang umasa na tatanggapin ka ng mga de Leon! Ginagamit mo lang 'yan para iahon ang sarili mo sa kahirapan!" 

Napatulala si Jhoana sa sinabi ng ina. "Ma... mahal namin ang isa’t isa. Hindi ito tungkol sa pera." 

"Mahal? Anong alam mo sa ganyan, Jhoana? Ganyan ba ang mga natutunan mo dito sa Maynila?! Alam mo ba kung anong gulo ang pinapasok mo? Mahiya ka! Inuubusan ka ng pera ng mga de Leon, tapos magpapabuntis ka lang pala dito. Huwag na huwag ka nang uuwi sa bahay! Simula ngayon, wala na akong anak!" Nanginginig si Lovel sa galit. "Wag ka mag-ilusyon! Ang mga de Leon ay para lang din sa mga katulad nilang mayaman tulad ng mga Dy! Pinag-aral ka lang, pero hindi ka pa rin bagay sa isang de Leon!" 

Tahimik lang si Thirdy, nakikiramdam sa tensyon. "Tita, siguro po mas mabuting mag-usap muna kayo nang maayos." 

"Hindi kita kailangan dito!" mariing sagot ni Lovel bago siya humarap muli kay Jhoana. "Paalalahanan kita, Jhoana. Wala kang sasabihin kahit kanino tungkol dito!" 

Walang nagawa si Jhoana kundi titigan ang papalayong ina. Nanginginig ang kanyang mga kamay. Si Thirdy naman ay tahimik na niyakap si Jhoana. 

Hindi alam ni Jhoana kung anong gagawin niya dahil grabe ang natanggap niyang mga salita, galing pa mismo sa kanyang ina. 

Det's POV 

"Isabel! Ano ba 'tong mga email na narereceive namin? Hindi ka daw pumapasok?! Bumabarkada ka nanaman ba sa mga kaibigan mo?!" bungad ko sa kanya. Sa wakas, almost 3 weeks na siya sa States. Nung sumunod kami sa kanya, masaya naman siya. Isang linggo kaming nag-stay with her, at isang linggo na kami nakauwi. Pero isang linggo na siyang hindi pumapasok at nagpapabook pa ng ticket pauwi ng Pilipinas. 

"Mom, please, I want to go home," umiiyak siya. 

"Why are you crying?" 

"Mom, I can't contact Jhoana." Nagulat naman ako dahil hindi ko rin siya makontact. May email din kaming natanggap na nag-drop si Jhoana. Since may share kami sa school, inaalam namin kung bakit. Wala ding nakakaalam, pati 'yung mga close friend niya. Basta nag-send lang daw si Jhoana ng email; after that, wala na. Hindi na siya makontact. Pinatrace namin dahil baka magtanong ang mga magulang niya. Sagot namin 'yun dahil kami ang dahilan kung bakit siya nandito sa Maynila. Ang nalaman lang namin ay sumama siya sa isang Ravena na nag-drop din. Pagkatapos nun, wala na kaming info na nakuha. Masyadong mabilis ang mga nangyari at masyadong nag-ingat ang Ravena na sinamahan niya. 

"Because you can't contact Jhoana, you want to go home? Bea, graduating ka na! Sasayangin mo ba 'yan?" Kalmado kong sabi dahil nandito din si Elmer sa tabi ko. 

"Mom," huminga siya ng malalim. 

"Girlfriend ko si Jho. Sorry, we hid it from you guys. She promised me, we promised each other na iintayin niya ako. Mom, paano kung nainip siya?" umiiyak na sabi niya. Nagkatinginan kami ni Elmer. 

"Kailan pa?" 

"It's been a month." 

"Isabel, are you serious?" sabi ni Elmer. 

"Do I look like I'm joking, Dad? Can you help me find her? Just tell her that I'm waiting. I sent her a lot of messages—just tell her to reply kahit period lang." Habang tumutulo ang luha niya. 

"Sorry, Isabel, but you're just wasting your tears and time. Jhoana is no longer in Ateneo. We received an email—she dropped out. Your mom is so curious, and we found out Jhoana left Ateneo with someone," hindi sinabi ni Elmer kung sino. 

"We will go back there. Finish your studies. Walang uuwi dito. I'll just assign your kuya here to handle our business," sabi ni Elmer. Kapag dad niya ang nagsabi, wala na siyang magagawa; susunod talaga siya. Hindi nagsasalita si Isabel, pero tumutulo pa rin ang luha niya. 

This is the first time I saw her like this. Mabait na bata si Jhoana sa pagkakakilala ko sa kanya, pero bakit ginanito niya ang anak ko? Napailing na lang ako. Susubukan ko pa ring ipahanap si Jhoana para kay Isabel. Tumayo naman si Elmer at may tinawagan. 

"Isabel, sleep, honey. I'll try to find Jhoana. Mom is always here for you." 

----

A/N: I apologize for any typo and grammar errors you may have noticed. :D

Just want to let you guys know that I might not be able to update for the mean time since I'm busy with work. Don't worry I'll make it up.

Bahala na ulit kayo di ako nagproofread😭😆

Bound by SecretsWhere stories live. Discover now