Jhoana's POV
"Are you oka— Jho?"
"Ui, Ms. Alyssa," sabi ko, magulang ni Dexter.
"Haha, sorry, sorry, hindi ko napansin. Nagmamadali kasi ako, inaantay ako ng friend ko."
"Haha, okay lang. Hindi din kasi ako nakatingin," she chuckled.
"Ano palang ginagawa mo dito? I mean, may kasama ka ba?" tanong niya.
"May binili lang, kulang sa party ni Bennie for tomorrow. Babalik na din ako sa school, susunduin ko haha," tumango siya.
"May kotse ka bang dala?" Umiling ako. Hindi ako marunong at wala kaming pambili nun. Hahaha, commute lang kami lagi ni Bennie.
"Oh, tara, sama na lang kayo mag-lunch sa amin. Tawagan ko na lang si Den, isabay si Bennie. Matutuwa si Dex for sure."
"Ah, ano, 'wag na, Ms. Alyssa. Nakakahiya."
"Haha, no, I insist. Wala na din kasing ibang kwento si Dex, puro si Bennie na lang at 'yung mga crush nila," sabi niya habang napapailing. Nakakatuwa naman at magkasundo ang mga anak namin.
"Wait, I'll just call Den," sabi niya at inabot sa akin 'yung paper bag. Hindi na ako nakapagsalita; natawag na niya agad si Dennise. Malapit lang dito 'yung school kaya mabilis lang 'yon makakarating, walking distance nga lang e.
"Tara, antayin na lang natin sa entrance," sabi ni Alyssa.
"Pero paano 'yung friend mo?" sabi ko.
"Haha, hayaan mo na. Malaki na 'yon, saka si Dex naman iniintay. Malakas naman si Dex don." Tumango ako at sumunod sa kanya maglakad.
Bea's POV
"Abangan na daw ni Ly sa entrance sila Dex. May kasama daw sila," sabi ni Jia.
"Oh, sabi ni ate Ly sa akin punta na siya dito e. Pabago-bago talaga isip nun."
"Haha, sabi lang oh." Pinakita niya sa akin 'yung message. I rolled my eyes na lang.
"By the way, Bei, tinry ko hanapin social media ng ex mo. Wala man lang, hindi ko makita kung ano itsura. Tao ba 'yon? Grabe naman magtago. Does Ly and Den know her?" sabi ni Jia. I chuckled.
"Haha, hindi naman kasi mahilig sa ganon si Jho. No, hindi naman kailangan. Tahimik lang din si Jho sa personal. She's very simple but masungit sometimes hehe," sabi ko.
"Ah, so don ka tumiklop?" Sabi niya. Inirapan ko ulit.
"Haha, irap ka ng irap. Hindi bagay, Bei."
"So, ano ba kasi looks niya at hindi mo makalimutan?"
"Daming tanong, Julia Melissa."
"E ikaw na nga 'tong tutulungan mahanap ang pinakamamahal mong babae, ayaw mo pa."
"Hindi ko na mahal. I just need to know why she left me hanging," sabi ko.
"Okay, sabi mo e. Pero ano nga itsura? Malay mo nakita ko na pala." Umiling ako.
"Morena—" Dahil may batang patakbong lumapit sa akin.
"TATA BEA!" sigaw niya, malayo pa lang.
"Careful, Dex," dinig kong sabi ni Ly. "Dex! Hi, Bei. Hi, Ju," sabi niya pagkalapit sa amin.
"Nakakaselos na talaga, favorite na favorite mo tata Bea mo," sabi ni Jia kay Dex.
"Oh, hi, tati Jia. Don't be jealous," lumapit si Dex at kiniss si Jia sa cheeks. Pinaupo ni Jia sa tabi niya.
"Sabi ni Jia may kasama kayo? Nasan si ate Den?" tanong ko kay ate Ly pagkaupo niya. Andito kami sa Mamou.
"Kasama ni ate Den mo. Andyan classmate ni Dex, may binili lang. Nauna lang kami ni Dex kasi excited na naman sayo as usual. Akala may toy ka na naman siguro na ibibigay," natawa naman ako.
"Oh, okay hahaha."
"Kaya lang naman clingy sayo si Dex, inispoil mo kasi," sabi ni Jia. Naglalaro na si Dex sa iPad.
"Come on, Jia, just ask Dex why I'm his favorite hahaha." Tumingin naman si Dex sa amin.
"What?" sabi niya, kaya tumawa kaming tatlo nila ate Ly.
"Wala. Just enjoy the game," sabi ni ate Ly.
"Okay, mama," naglaro na nga ulit.
"Oh, ayan na pala sila e," tumayo si ate Ly. Tumigil naman si Dex sa paglalaro niya. Nagbeso si ate Den sa amin ni Jia. Basically, medyo di ko makita kasama niya kasi nasa harap namin siya.
Jia's POV
Tinigil ni Dexter ang paglalaro ng iPad at sabay na tumayo nung tumayo si Ly. Nagbeso sa amin si Den. Nakita ko 'yung bata. Ito ba 'yung sinasabi ni Bea? Gagi, magkamukha nga sila. Palit-palit nga 'yung tingin ko don sa bata at kay Bea.
"Bennieeee! This is my tati Jia, and you know tata Bea, right? You meet her na," sabi ni Dex at hinila na agad ang kaibigan. Hindi man lang nakapagsalita. Loko talagang bata na 'to.
"Ah, by the way, Jhoana, this is Bei and Jia," sabi ni Den. "Si Bea. Jia, this is Jhoana, mommy ni Bennie, classmate ni Dexter," ate Den said.
"H-hello," sabi niya.
"H-hi, Jho. Nice to meet you," I said. Sabi ko, can this be the girl na hinahanap niya? Hindi nakapagsalita si Bea, para siyang estatwa, kaya medyo sinipa ko siya.
"Ehem, Bei," sabi ko kaya tumingin siya kay Den.
"Oh, hi. Take a seat," sabi ni Bea. Halatang lutang siya. Hindi ko alam kung ano nasa isip niya. Kung tama ang hinala ko, ito 'yung babae na hinahanap niya. She said Jhoana is the name of her ex. Grabe naman ang araw na 'to.
Nag-order na kami ng food, at sobrang tahimik nung friend nila. Nagsasalita lang kapag sasagot siya at hindi makatingin kay Bea. Nagse-cellphone siya minsan habang nagkwe-kwentuhan hanggang sa matapos kami mag-lunch.
"Love, see, kamukha ni Bea si Bennie," nakangiting sabi ni Den. Nasamid naman si Jho.
"Hahaha, totoo. Bea, look, kung taga dito ka sa Bulacan, pagkakamalan kong ikaw ama netong si Bennie," sagot ni Ly. Biglang nasamid si Jho.
"You okay, Jho?" Tumango siya. Nagkwentuhan ulit hanggang sa magkaayaan umuwi.
"Jho, saan kayo? Wala kayong car, 'di ba? Hatid na namin kayo," sabi ni Ly.
"Ah, ano, hindi na. May susundo sa amin, Ms. Alyssa," sabi niya.
"Hahaha, Jho, ang formal. Just call me Ly or ate Ly. Ikaw bahala. Basta 'wag masyado formal. We're friends, just like our child. But you sure? Wala naman na kasi kami pupuntahan, so pwede naman namin kayo idaan sa inyo," sabi ni ate Ly. Halatang nahihiya pa rin siya.
"Yes, Ly. Salamat na lang," nakangiting sabi ni Jho. Sasagot sana si Ly pero biglang:
"Tito astig!" sabi ni Bennie at tumakbo palabas.
"Bennie, don't run," sabi ni Jho. Tumayo naman sila kasabay si ate Ly kasama si Dex, kaya sumunod kami ni Bea. Tahimik lang si Bea, nakatingin kay Jho at sa kamukhang-kamukha niya.
"My birthday is coming po. You can come with Dex tomorrow," biglang sabi ni Bennie habang buhat nung lalaki na susundo sa kanila.
"Oh, sure, Bennie. See you tomorrow," sagot ko. Itong katabi ko hindi sumasagot kaya medyo inano ko sa likod.
"What?" sabi niya.
"Nagiinvite si Bennie. Bukas daw birthday niya," sabi ni Den.
"O-oh, sure, sure."
----
A/N: I apologize for any typo and grammar errors you may have noticed. :D
Bahala na ulit kayo di ako nagproofread😭😆
Merry Christmas, Jejemons! Hahahaha may trabaho pa ko pero inuuna ko magwattpad sana happy kayo😆
