Bea's POV
"How's your week, Isabel?" Dad asked. Kakadating lang nila from a business trip, and we're having dinner.
"Hmm, it's okay naman, Dad."
"How's Jho?" Mom asked, kaya napatingin ako sa kanya at nakatingin din siya sakin.
"I love being with her."
"That's good to know, huh? Just enjoy your vacation here," Mom said. Tumango na lang ako. Naalala ko si Jho. Buhat kahapon, hindi pa kami nag-uusap.
Nag-sorry ako after what happened, pero tumayo siya agad. Tiningnan ko siya, pero hindi niya ako pinansin. Agad siyang pumasok sa CR. Inaantay ko siya, pero dinaanan niya lang din ako.
Pababa kami, hindi niya pa din ako pinapansin. Imbis na ako kausapin, 'yung tour guide namin ang kinakausap niya. Magkasama kami sa isang sasakyan, pinag-open ko siya ng pinto. Nag-thank you naman siya, but after that, wala na. Sobrang tahimik niya hanggang maihatid ko siya sa kanila.
"Isabel," Mom said. I looked at her like, *what?*
"You're spacing out. I'm asking what's your plan this week so we can be with you if your dad is not busy."
"Oh, I'm sorry, Mom. I'm just thinking about something. I'm going to Manila with Jho. I invited her when we were paakyat sa falls."
"Oh, sakto. Sa Manila lang kami this week. Sabay na kayo sa amin tomorrow. Pasundo ko na lang si Jho," Dad said.
"Hmm, about that, Dad, baka di pa nagpaalam si Jho sa parents niya?"
"Papayag naman 'yung mga 'yon. Tayo naman ang kasama, saka we had a deal, 'di ba? That’s her work, to be with you until you go back sa States."
"But, Mom—"
"No buts, Isabel. Manong, can you go to the Maraguinots' house? Pa-sundo si Jho," Mom said. Tumanaw sakin si Mang Bert.
"Sige po, madam." I just sighed.
"Isabel, do you have a girlfriend ba sa States?" Dad asked out of nowhere.
"None, Dad. Why did you ask out of nowhere?"
"That's good. Mind me, if you want, I have a business partner na single 'yung anak. If you want, isasama kita to meet her."
"Oh, come on, Dad. I don’t need a girl right now. I’m happy with my life," I said. Mabait naman si Dad; he doesn’t force things if I don’t want to, pero si Mom, basta sinabi niya, 'yun na 'yon.
"Happy with your life? You’re having one-night stands sa States, Isabel, and you will say that you're happy with your life? Akala mo ba hindi namin alam ng Dad mo mga ginagawa mo sa States?"
"Det," Dad said.
"What, Elmer? I’m just saying the truth. That’s why she's here, too, para ilayo muna sa mga kaibigan niya na kasama niya sa States," Mom said. Tumayo ako para umalis sa harap ng pagkain. Wala na akong gana.
"Det, stop—Isabel, where are you going?" Dad said.
"I'm full, Dad. I’m going upstairs," I said, and umalis.
"Yan, kaya lumalaki ulo ni Isabel, kinukunsinti mo," I heard Mom shout while I was walking. Napailing na lang ako.
Jhoana's POV
"Ate! Kwento mo na, anong nangyari sa gala mo with Boss Bea," Jaja said, kinukulit niya ako habang inaayos namin 'yung higaan namin. Nagreready na kami para matulog.
"Ano ba, Ja, ang kulit. Ano ba ginagawa ng mga nagha-hiking at pumupunta sa falls?" Inis na sabi ko.
"Corny mo naman, Ate. Syempre, iba 'yan. Kung ano pinag-usapan niyo, ganyan."
"Wala, ano pag-uusapan namin? Kung may girlfriend siya, gano'n? Kung may boyfriend ako?" sabi ko tapos tumawa si Jaja.
"Kita mo, tawang-tawa ka. Kung matulog ka na, edi maaga ka magigising bukas."
"Hahaha, Ate, 'yung may girlfriend si Ate Bea, pwede pa. 'Yung may boyfriend ka, ang labo 'non, hahahaha. Ayaw mo nga kay Kuya Ysay, tapos si Kuya Nico, ayaw mo din," sabi niya kaya tinignan ko siya ng masama.
"Ano? Hahaha, totoo naman ah."
"Ewan ko sa'yo, Jaja! Bahala ka sa buhay mo. Matulog ka na, mamaya pumasok pa sila Mama dito, ang ingay-ingay mo."
"Pero, Ate, pogi at ganda ni Ate Bea, 'no? Aminin mo."
"Ano ngayon kung pogi at ganda siya? Aaminin ko?"
"Ewan ko sa'yo, Ate. Hirap mo kausap—ay, sino 'yon?" May pumarada sa harap ng bahay namin. Tumayo si Jaja at sumilip sa bintana.
"Sino?" tanong ko.
"Si Mang Bert ata, Ate. Lumabas si Papa. Bakit kaya andito, gabi na ah."
"Ewan. Matulog ka na, Ja, ang daldal mo."
"Ay, hindi pa tayo tapos, Ate, mag-usap. Siguro, ang lambot ng labi ni Boss Bea. Kapag nakikita ko siya, namumula 'yung labi niya e. Parang ang sarap halikan." Hindi ako makapagsalita. Para akong nahiya at nabingi sa sinabi ni Jaja.
"'Di ba, Ate?—teka, bakit ayaw mo sumagot?"
"Ha? A-ano, e-ewan ko."
"Bakit ka nauutal, Ate? Nahalikan mo na ba si Boss Bea?" Biglang sabi ni Jaja. Hindi ko siya masagot.
"Nahalikan mo na si Boss Bea? Grabe ka a—" biglang may kumatok at bumukas ang pinto.
"Ano ba kayong magkapatid? Gabi na, dinig pa kayo sa labas. Jhoana, lumabas ka muna saglit. Kausapin ka daw ni Bert," sabi ni Papa.
Tinignan ako ng makahulugan ni Jaja, parang nang-aasar. Tumingin naman ako kay Papa, inaantay niya akong tumayo sa higaan namin ni Jaja.
"Opo, Pa," sabi ko, pero nakasmirk si Jaja sakin.
"Hindi pa tayo tapos, Ate," dinig kong sabi ni Jaja bago ko isarado 'yung pinto. Nakakainis, naalala ko na naman, pero hindi naman din kasi kasalanan ni Bea 'yon. Lalabas lang siya sa CR, accident lang 'yon.
"Mang Bert, ano pong ginagawa niyo dito? Gabi na po," sabi ko. Pumasok si Mama sa kwarto nila ni Papa.
"Ah, Jho, magandang gabi. Pinapasundo ka kasi ni Madam ngayong gabi. Pinapapunta ka sa mansyon."
"Pero gabi na po, Mang Bert. Hindi po ba pwedeng bukas na lang? Patulog na din po kami," sabi ko. Nagkamot si Mang Bert ng ulo.
"Nasabi ko na sa Papa at Mama mo na pinapasundo ka ni Madam. Pumayag na sila, pero sige, kung ayaw mo, sabihin ko na lang kay Madam na tulog na kayo."
"Pa?"
"Ikaw ang bahala, Jhoana. Alam kong may usapan na kayo ni Madam," tumango ako.
"Sige po, Mang Bert. Sandali lang, magbibihis lang po ako," sabi ko at tumakbo pabalik sa kwarto namin ni Jaja. Nagulat ako pagpasok ko, naka-pamewang si Jaja.
"Tumabi ka nga diyan, Janel," sabi ko at dali-dali kumuha ng damit pamalit.
"San ka pupunta, Ate? Gabi na," sabi niya. Hindi ko siya pinansin at nagmamadaling nagbihis.
"Hindi pa tayo tapos mag-usap, Ate," sabi ni Jaja bago ako makalabas ng pinto.
----
A/N: I apologize for any typo and grammar errors you may have noticed. :D
Bahala na ulit kayo di ako nagproofread😭😆
![](https://img.wattpad.com/cover/376754692-288-k406452.jpg)