Chapter 61

722 29 41
                                        

Jhoana's POV

Sa totoo lang, hindi ko na din alam. Gulong-gulo na ako. Bago umalis sila Madam, she talked to me kasama si Sir Elmer. Tinanong nila ako kung ayaw ko daw ba ng buong pamilya.

Flashback...

Nakatayo ako malapit sa pintuan, pinapanood si Bea at Bennie na naglalaro sa pool. 

"Nakakatuwa silang panoorin..." "Jho, hija, can we talk?" Medyo nagulat ako dahil sabay pa sila nagsalita. 

"Sorry, nagulat ka ata namin." 

"Sige po, about saan po, Madam?" sagot ko nalang kasi hindi ko napansin na may katabi na pala ako. 

"Anong nangyari sa tito at tita?" Ngiting sabi ni madam

"Tara, pasok muna tayo. Hayaan mo na muna yung mag-ama mo," sabi ni Sir Elmer habang nakangiti. Ngumiti ako at sumunod na lang kahit medyo kinakabahan—kahit na alam ko na hindi sila galit sakin pero baka kasi sumbatan nila ako sa mga kabutihang ginawa nila para sa akin. 

"Gusto ka lang talaga namin makausap, Jhoana. Maupo ka," sabi ni Sir Elmer. Nasa lanai kami sa kabilang side, hindi tanaw ang pool. 

"Wag na natin pahabain ang usapan. Alam namin na may kanya-kanya na kayong buhay. Pero kung kami sana ang tatanungin, kung meron pa, baka pwede niyong ayusin nalang para kay Bennie. Lalaki at lalaki ang apo namin—hindi ba mas maganda kung yung pagsasama niyo sa iisang bahay ni Isabel ay hindi lang dahil ayaw mo mahiwalay kay Bennie at ayaw niya na mag-co-parenting kayo?" sabi ni Sir Elmer. 

"Sa totoo lang, alam mo nung ipinaalam ni Isabel sa amin na may girlfriend siya, nagalit kami sa ginawa niya dahil hindi siya nag-iisip. Pagpasensyahan mo sana kung padalos-dalos lagi ang desisyon ng anak namin," sabi ni Madam Det. 

"Ang sa amin lang kaya ka namin kinakausap, alam namin na meron ka pang puwang sa puso ni Isabel. Ramdam namin kung paano siya magselos kapag binabanggit ng anak niyo ang tungkol sa tito Astig niya, 'di ba, honey?" sabi ni Madam habang tumango si Sir Elmer. 

"Kaya sana kung may pagkakataon, hiling namin na ayusin niyo maging totoong pamilya kayo. Walang problema sa amin—tanggap namin kayo. Para ka na naming anak at mas gugustuhin ko na ikaw ang maging asawa ng anak ko kaysa sa ibang tao," nakangiting sabi ni Madam. 

"Kung ang pinoproblema mo ang mama mo, kami na ang bahala kumausap sa kanya pagbalik namin. Lilinawin namin lahat kung anong dahilan bakit niya nasabi ang mga yon sa'yo. Huwag ka din mag-alala, desisyon niyo pa din ni Isabel ang masusunod. Ang sa amin ay hiling lang—sana ay mapagbigyan, para sa apo namin, para na rin kay Isabel dahil ikaw lang ang nakakapagpasunod sa kanya sa lahat ng bagay hehe under," dagdag ni Sir Elmer. 

End of Flashback... 

Hindi ko sila sinagot that time kasi may Kianna na din at nakikita ko na masaya si Beatriz. That's why I thought to give Thirdy a chance since he's a good man. He never left us when I had nothing. Kaya ayun, the day before my birthday, nag-usap kami ni Thirdy. Tuwang-tuwa siya. Until now, we're good—he's still courting me. 

"Bei," sinabi ko habang nararamdaman ko ang paghikbi niya. Nirub ko ang likod niya habang yakap niya ako. Sa wakas, she ended the hug. Nakatingin siya sa akin habang umiiyak pa rin. 

"It hurts, Jho, kasi I chose to love her kahit na ikaw naman talaga yung laman nitong puso ko," sabi niya habang tinuturo ang dibdib niya. 

"Kasi yun yung tama, and I'm committed to her. But still, she cheated on me like you do." Napaupo siya sa sahig at napasandal sa kama. Mahina ang dulo ng sinabi niya kaya hindi ko masyadong naintindihan. 

"Am I that hard to love? Ganun na lang ba talaga ako kahirap mahalin?" tanong niya habang nakatingin sa akin. 

"Hindi ka mahirap mahalin, Bei," mahinang sagot ko. Naiiyak na rin ako kasi ngayon ko lang siya nakita na ganito. Napaisip ako sa kwento ni Tita Det noong unang paguusap namin nung ipinaliwanag ko sa kanila ang nangyare. 

"Then why did you cheat on me? Why did you just leave me hanging? Bakit hindi nalang kasi ako yung piliin mo, Jho?" sagot niya habang umiiyak. Umiiling ako habang tinitignan siya. 

"I never cheated on you. Hindi kita pinagpalit kahit kanino, lalo na kay Thirdy. We never had a romantic relationship. Nawala ako not because may bago. It’s just... I needed to do that because of Mama. At nung oras na yon, naisip ko na tama siya—na kung ako ang mapapangasawa mo, magiging isang malaking kahihiyan sa pamilya mo. Tauhan niyo lang ako na pinagkatiwalaan ng mom and dad mo na samahan ka sa bakasyon mo. Tama si Mama—hindi tayo pantay. Lupa ako, at langit ka. Sobrang layo ng pagitan nating dalawa. 

Hindi ko tinignan yung mga ginawa ng mga mom and dad mo para sa akin, sa amin. Higit sa lahat, nung sinabi ko na ikaw ang ama ng batang dinadala ko, hindi niya ako pinaniwalaan. Sino naman daw ang maniniwala sa akin? Bakit mo naman daw ako papatulan," mahinang sabi ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sabihin sa kanya lahat ng ito. 

Tumayo siya at hinawakan ang mukha ko. Pinunasan niya ang mga luha ko at pinaglapit ang mga noo namin. 

"Then marry me. Choose me to complete our family. I don’t care what you have with that guy—just choose me, Jho. I’ll be better. I will do everything for you, for Bennie. Just choose me," sabi niya. 

Umiiyak lang ako kasi hindi ko alam kung ano bang dapat gawin. Hindi ako makasagot sa mga sinasabi niya. We stared at each other. Hindi nagtagal, naramdaman ko na she kissed me, kaya pumikit ako. 

"Let me remind you, Jho, how much we love each other," bulong niya. 

Unti-unti akong umatras, pero siya naman ay sumunod. Hanggang sa masandal ako sa pinto. Narinig ko ang click ng lock. Akmang tatalikod ako nang dumikit siya lalo sa akin at nilagay ang kaliwang kamay niya sa pader malapit sa baywang ko. 

Hinalikan niya ulit ako. Ramdam ko ang mga patak ng luha niya. Hindi ako gumanti sa halik niya, pero tumigil siya at muling tumingin sa mga mata ko. Ilang sandali, muli niya ako hinalikan, at hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko dahil gumaganti ako sa halik niya. 

She bit my lower lip, asking for entrance. Naglaban ang mga dila namin hanggang sa pareho kaming naghahabol ng hininga. 

"Mahal na mahal kita," bulong niya.

----

A/N: I apologize for any typo and grammar errors you may have noticed. :D

Gusto niyo yon madami pa akong trabaho pero natapos ko yung isang chapter HAHAHA. Bahala na ulit kayo di ako nagproofread😭😆

blankoblankblanko kahit madami ako work pag gusto may paraan sabi mo nga😊

Happy weekend pero ako hindi happy HAHAHAHAHA

Bound by SecretsWhere stories live. Discover now