Jhoana's POV
"Jema, kasi ano—"
"Ano, Jho? Hindi ka pwede? Minsan lang naman. Hayaan mo na 'yung boss mo na selosa, slash hindi mo naman jowa, pero parang jowa mo," sabi ni Jema, inaaya niya kasi akong gumala dahil pasado naman kami sa quizzes. Pero wala ako sa mood, gusto ko na lang umuwi sa dorm.
"Hindi, masama kasi pakiramdam ko," sabi ko habang patuloy na naglalakad kasama si Jema.
"Sus, masama pakiramdam! Inaway ka lang ng amo mo dahil kay Riri. Chinika niya sakin, nakita daw kayo magkasama." Hinatid kasi ako ni Riri kahapon, at nakita kami ni Bea. Nung pinagbuksan ako ni Riri ng pinto ng kotse, nakita niya, kaya pagkaalis ni Riri nilapitan ko si Bea para itanong sana kung bakit siya nakasimangot. Sagot lang niya, pinapunta daw siya ni Madam, may ipinapatanong daw na nakalimutan niya, tapos umalis na siya. Hanggang ngayon hindi pa rin niya ako pinapansin. Dalawang linggo na lang siya dito.
I sighed.
"Oh ano, tama ako?" Jema said at huminto kami.
"Hindi. Bakit naman ako aawayin nun? Wala naman akong ginagawa."
"Sus, Jho. Alam mo, hindi ko rin maintindihan 'yang boss mo na 'yan kung ano trip sa buhay. Lagi kayong magkasama pag wala tayong class, madalas sinusundo ka. Siya lang yung boss na ganyan." Dalawang buwan na akong nag-aaral dito sa Ateneo. Since trabaho kong samahan si Bea, wala 'yon sakin. Ilang beses ko nang ipinaliwanag kay Jema, pero ayaw niya maniwala.
"Kulit mo, Jema. For the nth time, trabaho ko nga samahan siya. 'Yan yung kapalit ng scholarship ko. Kung wala 'yon, baka andon pa din ako sa Batangas, hindi nakapag-transfer dito, at nag-stop na kasi magsi-senior high na si Jaja. Hindi na carry ng budget. Buti nga na-scholar din siya."
"Hay nako, basta, maniwala ka sakin. Gusto ka ng boss mo."
"Bahala ka. Dalawang linggo na lang naman siya dito. Aalis na 'yon, babalik na sa States. Nag-promise pa nga ako na tutulungan siya sa despedida niya. Sana lang talaga wala tayong madaming gagawin."
"Ewan ko sayo, Jho. Lagi mo siyang pinagtatanggol, siguro gusto mo na rin e. Poganda naman boss mo e, yun nga lang mainitin ulo, lalo na kapag may umaaligid sayo."
"Hay nako, Jema, tara na, mag-lunch na tayo. Kung anu-ano lumalabas sa bibig mo. Uuwi na ako after lunch. 'Yan lang kaya ko, lunch lang. Gala, hindi na." Kakausapin ko si Bea tungkol sa gusto niya para sa despedida niya. Hindi rin kasi siya nagre-reply sa mga messages ko buhat kahapon nung umalis siya.
"Hay nako, sige na nga, pwede na 'yan. Bonchon tayo, Jho, please lang. Ayoko na ng McDo, araw-araw na lang na inaaya kita."
"Hahaha, oo na, sige, para makauwi na rin ako." McDo 'yung favorite ko. Madalang lang naman akong mag-fast food, since limited lang 'yung allowance ko galing sa scholarship ni Madam, syempre. Tapos McDo kami everytime kasama ko si Bea kasi alam na niya na 'yon ang gusto ko.
"Kaya wala kang jowa e, uwing-uwi ka lagi, tapos ayaw mo ipamigay number mo sa iba. Langyang cellphone yan, tatlo lang laman ng contacts," ani Jema, si Bea, Madam, at siya lang naman kasi talaga ang contacts ko. Wala kasing cellphone sina Papa, nagsasabi lang yon sa mansyon, tapos ipinapatawag kay Bea.
"E sino naman ilalagay ko?"
"Si Riri, o 'yung mga humihingi ng number mo." Umiling ako.
"Jema, pa-cellphone lang 'to ni Bea para kapag may kailangan sakin, masabi agad. Hindi niya 'to binigay para gamitin ko pang-personal na kagustuhan lang. Saka hindi naman ako mahilig mag-cellphone. Ikaw nga, nag-uusap lang tayo kapag school work-related."
"Hay, oo na. Hindi na ko nanalo sayo, Jho. Sige, sakay ka na nga," tumawa na lang ako at sumakay.
Bea's POV
Nandito lang ako sa room simula kahapon pag-uwi ko galing dorm ni Jho. Hinatid siya nung Riri, 2 months pa lang niya kilala, makasama siya naiinis lang ako.
As usual, ako lang tao dito kasi busy sila Dad sa mga business meeting, daming client. Hindi naman sa ako lang ang tao, may mga kasambahay naman dito.
Maya-maya ay may kumakatok. Hindi ko pinapansin, nanonood lang ako ng series. Pero hindi tumitigil, kaya tumayo ako at binuksan.
"Buti pinagbuksan mo ko? Kukunin ko na sana yung susi kay Ate Rose," sabi niya.
"Why are you here? Wala naman akong lakad," sabi ko habang nakatingin sa kanya.
"I just want to ask you kung ano ba gusto mo sa despedida mo," tumango-tango ako.
"Oh, about that—you don’t need to help—"
"Ano bang problema mo, Bea? Kahapon ka pa. Hindi ka naman ganyan," medyo tumataas boses niya.
"Jho, umuwi ka na. Do your activities," sabi ko.
"Alam mo, ikaw na nga 'tong tutulungan, umaarte ka pa. Kung may problema ka, sabihin mo. Dinadamay mo ko sa init ng ulo mo, wala naman ako ginagawa sa’yo," sabi niya, naiinis ako.
"Gusto mo malaman problema ko? Ikaw, Jho! Ikaw yung problema ko. Ang manhid mo! Nagseselos ako! Bakit mo kailangan magpahatid don sa Riri na 'yon? Nandito ko, Jho, oh. Pwede mo kong tawagan!"
"Gusto kita, Jho. Mahal kita! Hindi pa ba halata? Hindi ba obvious na ikaw ang dahilan kung bakit ko ipinilit na mag-stay dito? Pinigilan ko naman, Jho, e. Pero wala. Jho, 2 weeks na lang. 2 weeks babalik na ko sa States. Wala akong balak sabihin lahat ng 'to sa'yo pero, putangina, ng mga taong umaaligid sa'yo."
Hindi ako makagawa ng hakbang, hindi kita maligawan dahil alam kong aalis ako at ayaw ko iwan ka!" Medyo nang-gigilid ang luha ni Jho at lalabas sana siya ng room ko.
"Hey, where are you going?" Hinawakan ko yung arm niya. She wiped her tears, lumapit ako sa kanya, tuluyan nang tumulo ang mga luha niya.
"Hey, I'm sorry. Na-carried away lang ako. Stop crying," sabi ko at pinahiran ang luha niya. I held her face, I used my thumb to rub her cheek.
"I'm serious, I like you, and I love you." Her tears continued falling; I wiped them again and hugged her tightly. Pagkatapos, humiwalay ako at pinagdikit ang noo namin. Ayaw niya tumingin sa mga mata ko.
"Look into my eyes, Jho, please," I said, holding her face again para magtagpo ang mata namin dalawa.
"I'm serious. I like you, and I'm in love with you. Hindi ko hinihiling na mahalin mo ko pabalik agad agad. I just want to let you know how much you mean to me." We stared at each other for a minute, and she closed her eyes.
I kissed her.
----
A/N: I apologize for any typo and grammar errors you may have noticed. :D
Sulitin walang pasok e😆
Bahala na ulit kayo di ako nagproofread😭😆
