Chapter 16

215 16 4
                                    

Jhoana's POV

Nagising ako na parang may mabigat na nakadagan sa akin. Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa sobrang inis. Buti na lang, kinausap ko pa kanina si Bea-ang rude naman kung hindi ko sinagot ang tanong niya. Unti-unti kong minulat ang mata ko, at hindi ako nagkakamali, si Bea tulog pa. Naka-lean ako sa shoulder niya, at 'yung ulo niya, naka-lean naman sa ulo ko.

Paano nangyari 'to, Jhoana naman e.

Medyo gumalaw si Bea, kinamot niya 'yung chin niya pero binalik naman niya 'yung kamay niya sa hita ko. What the heck.

"Isabel, Jhoana, malapit na tayo," biglang sabi ni Madam. Nadinig ko, pero hindi ako sumagot.

"Isabel," medyo malakas ang pagkakasabi ni Madam, at dahil hindi siya tumitingin dito, hindi niya kita 'yung position namin ni Bea. Medyo nagulat si Bea, namumula pa 'yung mga mata niya nung iminulat niya ang mga ito at napatingin sa akin.

"What, Mom?" sabi niya.

"Ikaw na bahala kay Jho. I'll transfer money sa account mo, help Jho buy her clothes." Hindi kumibo si Bea. Hinawakan niya ang ulo niya at huminga ng malalim.

"I'm sorry, I didn't know na nakatulog ako," sabi niya, pero hindi ko siya pinansin. **Kala niya, ha.** Hindi nagtagal, huminto ang van.

"Isabel, look after Jho. Jho, look after Isabel. Don't hesitate to buy what you want," sabi ni Madam. Tumayo si Bea at lumabas ng van na hindi nagsasalita.

"Sige po, Madam and Sir, salamat po. Ingat po kayo," sabi ko. Nginitian ako ni Madam pati ni Sir Elmer. Isasara ko na sana ang pinto ng van.

"Jho," sabi ni Madam.

"Call me 'Tita'," nakangiting sabi ni Madam, at nahihiya naman ako.

"Sige na, mauna na kami. Ikaw na ang bahala kay Isabel. Wag ka din lalayo sa kanya. Mag-ingat kayo."

"S-sige po, Tita. Ingat po," sabi ko. Nakakahiya naman-isang hamak na nagtatrabaho lang ako sa kanila, tapos 'Tita' daw itawag ko. Isinara ko ang pinto habang naka-ngiti sa akin ang mag-asawa, pero 'yung anak nila, ayon, nakasibangot. Nakakainis talaga. Bumusina ang van at umalis.

Naglakad si Bea kaya sinundan ko. **Mamaya mawala ako dito.** May pera naman ako kahit papaano, pero hindi ko talaga alam ang lugar na 'to. Pumasok siya sa Ralph Lauren.

"Good morning and welcome back, Ms. Bea. And Ms.?" sabi ng staff. So kilala siya dito?

"She's Jho," sagot ni Bea.

"Good morning, Ms. Jho."

"Let me assist your beautiful girlfriend, Ms. Bea," nakangiting sabi nung staff at nauna nang lumapit. Magsasalita sana ako pero nagsalita si Bea.

"Jho, get whatever you want. Basta comfortable ka," sabi niya habang nakangiti at nakatingin sa akin, pati na rin 'yung staff. **Baliw ba siya? Bakit di niya sinabi na boss ko siya.**

"Hindi tayo makakabili ng damit mo kung tatayo ka lang d'yan," dugtong niya, medyo ngumiti 'yung staff.

"Ah, Ms. Hindi po niya ako girlfriend. Boss ko po siya," sabi ko, sabay inirapan ko si Bea. Hindi naman siguro nakita ng staff.

"Ah, sorry po. Akala ko kasi girlfriend ka ni Ms. Bea. Bagay po kasi kayo. Tara po, assist ko na kayo." Nakita ko na nagsmirk si Bea pero binaliwala ko na lang at sumunod sa staff.

Bea's POV

Kanina pa napapansin ko na hindi ako pinapansin ni Jho. Pinapanood ko lang siya habang namimili ng mga damit, pero 30 minutes na kaming nandito at wala pa rin siyang napili.

"Ms.," tawag ko sa staff. Lumapit siya sa akin at iniwan si Jho na tinitingnan 'yung plain shirt. Nakakunot-noo siya.

"Wala pa rin siyang nagustuhan?" tanong ko.

"Ah, wala pa po, Ms. Bea. Kapag po kasi nakikita niya 'yung price, binababa niya," sabi ng staff. Napakamot tuloy ako ng di oras sa batok.

"Tanda mo pa lahat ng hinawakan niya?"

"Opo, mga simple lang po kasi 'yung mga tinitingnan niya."

"Kunin mo lahat ng hinawakan niya at pati na rin 'yung mga titingnan pa niya. Ako na bahala sa kanya dito, we will get them. Call me nalang if okay na, I'll pay. Baka may madagdag pa. Puntahan ko lang siya." sabi ko sa staff, sabay tingin ulit kay Jho.

"Sige po, Ms. Bea," sagot ng staff, at sinimulan niyang kunin ang mga damit na tinignan ni Jho. Lumapit naman ako kay Jho.

"Hey, almost 40 minutes ka nang namimili," sabi ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at kinamot ang ulo niya, haha.

"What?" tanong ko.

"Eh, ang mahal kasi. Wala bang mas mura? Hanap nalang tayo ng ukay-ukay, katulad sa bayan natin. Madami din naman maganda doon, at mas mura pa. Nakakahiya kasi, halos kalahati na ng sahod ni Papa ang presyo," sabi niya. Nginitian ko siya.

"Hindi naman ikaw ang magbabayad, Jho. Look, Mom transferred money to my bank account, and you heard what she said kanina, diba?"

"Kahit na, nakakahiya pa rin. Tara na, lipat tayo sa mas mura," sabi niya.

"Excuse me po, Ms. Bea. Okay na po, nasa counter na din po," biglang sabi ng staff.

"Okay, wait here's my card and add this nalang." Kinuha ko 'yung shirt na tinitingnan niya at binigay ko sa staff.

"Okay Ms. Bea," nakangiting sabi nung staff, nginitian ko nalang din at umalis siya

"Don't be shy, Jho, let's go." hinila ko 'yung kamay niya papunta sa counter para sundan yung staff

"Total of 149 thousand pesos po, Ms. Bea. Enter your code nalang po," sabi ng staff habang hawak ko pa rin ang kamay ni Jho.

"Thank you, Ms. Bea. Balik po kayo ulit," sabi ng staff.

"Thank you din, sure. My driver will go here nalang para kunin 'yung mga paper bags. Thanks," nakangiti kong sagot at hinila ko si Jho palabas.

"Bea..." sabi niya, at huminto kami. Tumingin ako sa kanya, like I'm asking what's wrong.

"Sobrang mahal... baka magalit si Madam," sabi niya habang parang nanggigigilid na 'yung luha niya.

"Hindi magagalit 'yon. She gave me money, and that's for you. Let's go, I'm hungry. Sorry, lahat ng hinawakan mo pinakuha ko sa staff kasi ang tagal mo mamili e," sabi ko, pero nakita kong tumulo ang luha niya. Hala.

"Hey, what happened?" tanong ko, hawak ko pa rin ang right hand niya at lumapit ako sa kanya.

"Nakakahiya kasi. Boss kita tapos ang laki ng ginastos niyo... para lang sa damit ko, ang daming pwede gawin sa pera na yon." sabi niya, umiiyak na talaga. Nginitian ko siya.

"Don't be shy, it's okay. You deserve that naman, and Mom insisted," sabi ko habang hinalikan ko siya sa noo. Tumingin siya sa akin, at nginitian ko siya habang pinunasan ko ang luha niya.

"Wag ka nang mag-alala, okay? Let's eat."

----

A/N: I apologize for any typo and grammar errors you may have noticed. :D

Bahala na ulit kayo di ako nagproofread😭😆

Bound by SecretsWhere stories live. Discover now