Dumating ako sa hospital na nasa private room na si Bea. Kumatok ako, at pagpasok ko, ay tumingin sila tita Det at tito Elmer sa akin. Si Jho naman, nasa loob, naka-bantay kay Bea at nakatulala. Lumapit ako kay tito at nag-bless.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
A/N: This looks like Bea's private room. Then, may room pa na bukod doon, nasa right side glass wall yun, haha, para lang maimagine niyo.
"Kumusta po si Bea?" Huminga ng malalim si tito Elmer.
"She's in a coma. Sa lakas daw ng pagkakatama sa ulo niya, nagkaroon siya ng traumatic brain injuries," napa-iling nalang ako. Si Jho ay hindi pa rin ako napapansin. Tumingin ako kay Jho. mukhang nag-get naman ni tito Elmer.
"Kanina pa siya diyan, buhat nung nalipat si Bea dito. Sinisisi niya yung sarili niya, siya daw ang dahilan bakit naaksidente si Isabel," sabi ni tito, halatang sobrang lalim ng iniisip ni Jho.
From what tito Elmer said kanina, nung tumawag siya sa akin, naghanap ako ng news at nakita ko yung ilang clips bago nadala sa hospital si Bea.
Parang miracle nalang din na nakaligtas siya, ang laki nung truck na nakabanggaan niya.
"May dala po akong lunch from my restaurant. Kumain po muna kayo para din po makapagpahinga muna kayo. Ako na po muna ang bahala dito, alam ko po na wala pa din kayong tulog," dahil kakabalik lang nila from the States.
"Salamat, Alyssa. Laking pasasalamat namin na nakilala kayo ni Isabel, paki sabi nalang kay Den na salamat sa pagalaga sa apo namin," tita Det said.
"Nako, wala po iyon, tita pamilya na po kayo samin. Lapitan ko lang po," referring to Jho na nasa loob.
"Nandoon, Ly, yung unused PPE para makapasok ka," tita said. Pumasok muna ako sa room kung saan tinuro ni tita para magsuot ng PPE.
Pagpasok ko sa room, tulala pa din si Jho. Lumapit ako sa kanya at nirub yung likod niya. Tumayo siya at niyakap ako; nagsimula siyang umiyak.
"Kasalanan ko lahat 'to. Kung sana mas naging matapang lang ako, sana hindi siya nakahiga diyan. Sana kasama namin siya ng anak namin," umiiyak sabi niya. I rubbed her back; hindi ko naman alam kung ano nangyayari sa kanilang dalawa ni Bea. But one thing I know, gagawin lahat ni Bea para sa kanya.
"Shh, Jho, wala kang kasalanan. Don’t blame yourself. Hindi matutuwa si Bea. Accident ang nangyari. The investigation said that hindi si Bea yung may kasalanan. Naka-inom siya, pero yung driver nung truck nakatulog kaya nagkabanggaan sila. So this is not your fault, okay?" Umiiling siya at patuloy na umiiyak.
"Sabayan mo sila, tita, mag-lunch. Kanina ka pa daw sa tabi ni Bea," sabi ko, pero umiiling siya. Hindi naka-hospital dress si Bea; nakabandage yung upper body niya, pati yung head niya.
Third Person POV...
2 weeks na ang nakalipas, pero hindi pa din gumising si Bea. Ilang beses din siya nag-seizure. Pabalik-balik ang magulang niya sa hospital; si Jho ay isang beses palang umuwi. Nakiusap si Jho na siya na ang bahala mag-alaga kay Bea, kaya naisip ng magulang nila Det at Elmer na sunduin si Bennie sa Bulacan para sila na ang mag-alaga.
Ginawan din nila ng paraan para makapunta at makapasok si Bennie sa hospital dahil hinahanap na ni Bennie ang dada at mommy niya; nakakatulog ito kakaiyak.
Nalaman nila Ella ang nangyari, kaya nagpupunta din sila madalas sa hospital. Isama mo pa na dumuduty siya minsan sa St. Luke's.
Ganon din sila Jia; madalas ay kasama niya sila Den at Ly kapag dumadalaw kay Bea. Ngayon araw na 'to, pupunta si Bennie; nakakausap naman ni Jho si Bennie using video call.
"Love, gising ka na diyan. Miss na kita, lalo na ng anak mo. Hinahanap ka niya. Umiiyak siya araw-araw kapag kausap ko siya at pinapakita na natutulog ka. Gising ka na, please. Aayusin pa natin ang family natin; yun ang gusto mo, 'di ba? Magiging mas malakas na ako; hindi na mauunahan ng takot lang ako lumaban, pero ikaw pa rin naman, ikaw lang naman," bulong ni Jho habang nirurub ang kamay ni Bea at pinapahid ang luha niya.
"Mommmy!" Hindi namalayan ni Jho na nandiyan na pala ang anak niya. Ang mga magulang ni Bea ay tumayo; binuhat niya ang anak at nag-bless sa mag-asawa.
"Momm, why is dada sleeping so long?" Hindi alam ni Jho ang sasabihin niya.
"Dada is just resting and gaining energy to play with you, kaya she's sleeping," sabi ni Jho at tumingin siya kay Elmer at Det; nginitian naman siya ng mga ito.
"Oh, I should kiss dada. When she's asleep and I make gising to her, she not making gising if I don't kiss her." Tuwing umaga kasi pumupunta sa room ni Bea si Bennie kapag nauunahan niyang gumising si dada niya, so kaya pala nagtatagal siya doon sa room ni Beatriz.
"Okay, I'll carry you to kiss your dada, but be careful ha, you might hurt your dada," Jho said at hinalikan nga ni Bennie ng paulit-ulit ang dada niya, pero hindi pa din nagising kaya umiyak na si Bennie.
"Dada, wake up! I miss playing with you," he said while sobbing. Napansin ng mag-asawang Det na pati si Jho ay naiiyak na din, kaya nagpasya sila na lapitan.
Since ginawan nila ng paraan para makapasok at makapagstay din si Bennie sa hospital, nakapagdala din sila ng ilang toys ni Bennie.
"Bennie, for the meantime, daddyLo muna playmate mo. Look, dun kayo oh, tanaw mo pa din si dada mo," sabi ni Det.
"But daddyLo can't run faster like dada," kaya natawa si Det at Jho sa sinabi ni Bennie.
"Oh, I'm the one who taught your dada to run faster," sabi ni Elmer.
"Really, DaddyLo?! You should teach me. Let's go, dada, and I will run when she woke up," nabuhayan na si Bennie at nagpabuhat sa DaddyLo niya.
Lumabas ito at pumunta sa kabilang room, nakita naman kung nasaan sila Jho dahil glass room. Tuwang-tuwa si Bennie dahil sa mga pinag-gagagawa nilang mag-lolo hanggang umabot na ng gabi.
"Mommy, can I stay here? I want to sleep here, I want to be with you and dada."
----
A/N: I apologize for any typo and grammar errors you may have noticed. :D
Sorry nagiging weekend lang yung update sobrang busy pa sa office this feb sana hindi na kasi miss kona magwattpad. 😭