Bea's POV
Agad akong sumunod sa kanila. Hindi ako pinansin ni Jho buong biyahe, pero madali lang naman ang biyahe namin since Loyola lang naman kami nanggaling at malapit din naman ang Ateneo. Agad akong pumarada; bababa na sana si Jho kasabay nila Ate Ella.
"Ah, Ate Ella, una na kayo. I'll talk to Jho lang saglit," sabi ko. Tumingin naman siya sa akin, nagtataka.
"Ay, sige, pero bilisan niyo ha. Baka ma-late kami," sabi ni Ate Ella bago lumabas kasama si Jema. Naiwan kami ni Jho sa loob ng kotse. Tahimik siya, nakatingin lang sa bintana.
"Jho..." simula ko, pero hindi siya lumingon.
"Galit ka ba, love?" tanong ko in a malumanay na voice. Mahirap na. Hindi pa rin siya sumagot. Huminga ako nang malalim at hinawakan ang kamay niya, pero pilit niyang inalis.
"Beatriz, may pasok pa ako. Huwag mo na akong pigilan," malamig niyang sabi.
"Sorry na..." mahinang sabi ko. "Alam kong naiinis ka kasi nakakakulit ako minsan, pero—"
"Minsan lang ba, Beatriz? Parang araw-araw ata," sabat niya, pero sa tono ng boses niya, parang may halong biro na rin. Napatingin siya sa akin, at kahit kunwaring seryoso siya, kita ko ang ngiti sa sulok ng labi niya.
Ngumiti ako. "Oh, edi sorry na nga. Babawi ako mamaya. After ng klase mo, ayusin ko na lahat ng gamit ko para wala nang aayusin mamaya—bonding na lang tayo."
"Good. Dapat lang," sagot niya, sabay lalabas na sana ng kotse.
"Wait, love, may papakita ako sa'yo." Kaya di siya tumuloy, lumingon siya pabalik.
"Beatriz, tigilan mo na ang mga kalokohan mo ha. Mag-behave ka buong araw."
Tumawa ako. "Yes, ma'am! Promise. But..." pinakita ko yung panty niya.
"Beatriz! Bakit nasa 'yo yan?! Akin na nga 'yan!" sabi niya.
"No, this is mine. Saka mamaya may makakita pa nito na iba. Ako lang p'wedeng makakita nito," sabi ko.
"Ang manyak, Beatriz! Nakakainis ka!" Sasagot sana ako pero kinatok kami ng guard, kaya sabay tago ko sa panty niya.
Inopen ko yung window. "Ma'am, bawal po magtagal dito ng parking. Lipat na lang po kayo."
"Ay, sorry kuya. Sandali lang po, baba ko din po siya. Kinakausap ko lang," sabi ko.
"Sige po, ma'am. Salamat po," sabi nung guard. Sinara ko ulit yung window, naka-kunot ang kilay niya. Hahaha! Lumabas ako at inopen ko yung passenger door.
"I love you," ngiting-ngiti sabi ko sabay peck sa lips niya.
Napailing siya, pero ngumiti rin. "Sige na nga. Alis na ako." Tumalikod siya at sumabay na kay Ate Ella papasok sa campus.
A Day Later
Third Person POV
Aalis na ngayon si Bea. Papunta na sila sa airport, at si Jho nga lang ang naghatid sa kanya gaya ng inaasahan. Mabuti na lang at sumama si Ella at Jema.
Simula paglabas ng mansyon nila Bea, hawak na niya ang kamay ni Jho at ayaw bitawan hanggang sa loob ng sasakyan. Sa airport na sila dumeretso. Tahimik si Jho at Bea buong biyahe papunta sa airport. Yakap ni Bea si Jho habang nakalagay yung head niya sa chest ni Bea.
Bea took a deep sigh.
"Love..."
"Uhmm?"
"Don’t you want to come with me ba talaga?" Hinawakan ni Jho yung kamay ni Bea.
"Napag-usapan na natin yan, 'di ba? Nandito yung pamilya ko. Almost two years pa bago ako makagraduate," tumahimik lang si Bea after sabihin ni Jho iyon.
Nilagay ni Jho yung isang kamay niya sa face ni Bea saka hinalikan. "I love you," sabi ni Jho. Hinalikan naman ni Bea yung forehead ni Jho saka yumakap nang mahigpit si Jho kay Bea.
Hindi nagtagal, nakarating sila sa airport. Sinalubong naman agad sila ni Jema at Ella.
"Parang labag na labag naman sa loob mo pag-alis, Bei?" sabi ni Ate Ella. Tinignan naman ng masama ni Jho kaya nag-peace sign si Ella.
Ella’s POV
"Ang lungkot ni Bea."
"Nasanay kay Jho e," sagot ni Jema habang pinapanood namin yung dalawa. Umiiyak si Bea—masyadong mahal si Jhoana.
"Kung bakit ba kasi ayaw sumama ni Jho?" tanong ko kay Jema. Mas close kasi sila ni Jho.
"Wag ka madaldal ha. Sinasabi ko sa’yo, EllaDJ. Ang alam ko, mainit sa ulo ng mama ni Jho sa kanya. Tapos nakuwento din sa’kin ni Jho na sinabi ng mama niya na hindi sila bagay ni Bea dahil lupa daw si Jho at langit si Bea—parang ganyan. Kaya ayaw din ni Jho ilabas yung kanila," napatango naman ako. Kawawa naman pala si Jho, mismong mama niya pa walang suporta sa kanya.
"Naawa nga ako d’yan kay Jho. Nagtitipid 'yan ng allowance niya para daw kapag umuwi siya, may maabot daw sa mama at papa niya."
"Swerte na sila kay Jho. Ang simpleng tao niya, 'di ba? Lab-love. Kahit na mayaman ang jowa, tingnan mo." Nakita namin nakahalik si Bea sa noo ni Jho habang nakayakap siya kay Jho.
"Papunta sila dito. Wag ka maingay, Jorella. Sinasabi ko sa’yo ha," sasagot sana ako pero naunahan na ako ni Bea.
"Ate Ella, Jema. Please take care of my Jhoana." Nginitian ko siya at ipinat yung shoulder niya.
"No problem, Bei. Makakaasa ka."
"Thank you, ate ella and Jema bawi ako pagbalik ko,"
"Love, please wait for me," Bea said at hinalikan si Jho sa lips. Nagulat ako don! Hindi nagtagal, pumasok na si Bea dahil tinawag na yung flight niya. Buti nga may kapit kami kaya nakapasok kami hanggang dito. Tahimik lang si Jho na nakatingin sa boarding gate na pinasukan ni Bea.
"Psst, Lab-love, kausapin mo," bulong ni Jema. Syempre susunod ako.
"Okay lang 'yan, Picasso. Mabilis lang ang isang taon," naka-ngiti kong sabi sa kanya. May napansin lang ako kanina pa pagdating nila ni Bea dito.
"Jho, ano nangyari sa leeg mo? Pasa ba 'yan?" Dinuro ko, pero hindi man lang siya umaray. Nagkatinginan kami ni Jema.
"Ayon, naka-homerun pa ata bago bumalik ng States," sabi ko.
"Ha? Homerun ka jan? Ginawa mo namang baseball, Ate Ella."
"Sus, Jho. Okay lang 'yan. 'Di ka naman namin ija-judge."
----
A/N: I apologize for any typo and grammar errors you may have noticed. :D
Bahala na ulit kayo di ako nagproofread😭😆
Sorry medyo dry di na magfunction brain ko hahaha Good night :)
