Bea's POV
It's been 2 weeks, hindi ako nagpaparamdam kay Jho, pero nakikibalita ako kay ate Den. Inaasikaso na din ng attorney ko yung gusto kong mangyari, and pag-uusapan nalang namin 'yon ni Jho. That’s why I’m going there.
Ngayon, kausap ko sila Mom and Dad. Nalaman nila ang lahat dahil sa family attorney namin. Gusto nilang pumunta dito. Sabi ko I can handle it na, pero they’re persistent to go here, at Christmas is coming naman daw.
"Are you sure with your decision ba? Think about it, Isabel. Kung nag-explain naman sa’yo si Jhoana, and you think na kaya niyo pa ayusin, ayusin niyo nalang. Kawawa ang apo namin, he’s just 5 years old," sabi ni Mom. Palibhasa gustong-gusto niya si Jhoana.
"Elmer, bukas ha, we’ll go shopping. Bibili tayo ng mga toys and clothes ni Bennie. Wait, Isabel, what is his real name?" dugtong ni Mom. Hindi ko pa nasasagot yung unang sinabi niya. Napapailing nalang ako.
"Mom, you’re too excited. You have 1 week there pa. Don’t think about it, I’ll handle it. About that, I don’t think maayos dahil may boyfriend si Jhoana. That’s why I’m taking Bennie din, to be sure na maaalagaan siya mabuti. John Benedict, Mom, and he is using Maraguinot, Jhoana’s last name," sagot ko. Kasi baka mapabayaan niya. Mas okay na matutukan ko din. 5 years ang nawala sa’kin, hindi naman selfish 'yon. Itinago niya nga sa’kin eh. He can borrow Bennie naman, pero iuuwi niya pa din sa’kin at the end of the day.
"I don’t have any say about your decision, but consider what your mom said," Dad said. Hindi ko naman agad kukunin, dahan-dahanin ko naman. Hindi pa nga niya alam na ako yung Dada niya.
"I’ll think about it, Dad. I have to go, Mom, Dad. I’m going to Bulacan. Gonna visit him after 2 weeks."
"Okay, drive safe, Isabel," Dad said.
"Be nice to Jho," Mom reminded me.
"Yeah, thanks, Dad. Mom, come on." They chuckled. Napailing nalang ako bago i-end yung call. Lumabas na ako. Nakaready naman na yung mga dadalhin ko for Bennie. Dadaan nalang ako pag pauwi, kila Ate Ly.
Agad akong umalis. Pagdating ko sa bahay nila, lumabas si Jho, halatang nagulat nang makita ako. She’s just wearing a spaghetti top and short shorts. Napalunok nalang ako at binaling ang tingin kung saan
"Bea?" sabi niya, kaya natauhan ako.
"Hi, I just came to visit Bennie. Don’t worry, gusto ko lang makasama siya today," sabi ko, pilit na ngumiti.
"P-Pasok ka," sagot niya, halatang may takot sa mata.
"Gusto ko lang makipaglaro kay Bennie. Okay lang ba? Alam kong hindi pa kayo nag-uusap ng lawyer ko. But tomorrow pupuntahan kana niya."
Nakatingin lang siya sa’kin, tumango rin makalipas ang ilang minuto. "Sige," tipid niyang sagot.
Pagpasok ko sa loob, nakita ako ni Bennie kayaa tumakbo si Bennie papunta sa amin.
"Tita Bea! Kasama mo ba si Dex?" tanong niya, halatang excited.
Umiling ako, nakangiti. "Sorry, Bennie, hindi kasama si Dex. Pero may dala ako para sa’yo."
Napangiwi siya, halatang nadismaya. "Oh... okay po," sabi niya, pero kita ang lungkot sa mukha.
Nilabas ko ang malaking bag na dala ko, punong-puno ng mga laruan. "Pero tignan mo 'to. Anong gusto mong laruin? Cars? Lego? Or may gusto kang iba?"
Biglang lumiwanag ang mukha niya. "Wow! Ang dami! Para sa akin po lahat 'to?"
"Of course, para sa’yo," sabi ko, at binuksan namin ang bag. Nagsimula siyang maglaro, halatang masaya.
Jhoana's POV
Pinanood ko lang silang dalawa. Si Bennie, tawang-tawa habang nilalaro ang bagong laruan, habang si Bea naman, nakangiti lang na parang hindi niya napansin na ang saya-saya niya kasama ang anak namin.
Hinayaan ko silang maglaro. Kahit hindi ko maalis sa isip ko ang posibilidad na baka kunin niya si Bennie sa akin, hindi ko kayang sirain ang araw na ito para sa anak ko.
Malapit nang umalis si Thirdy, pero may nahanap ako na bagong mahihingahan ng mga nasa isip ko ang kaibigan ni Bea, si Jia. Nung una, nagdodoubt ako sa kanya kasi kaibigan siya ni Bea, pero pinatunayan niya na pure yung intention niya na maging kaibigan ko. Sabi niya sa akin na balak ni Bea kunin si Bennie, pero susubukan niya na ma-convince si Bea na pag-usapan namin mabuti.
Hindi ko kaya mawala ang anak ko sa’kin. Oo, may batas, pero wala naman akong pera para labanan si Bea. Nabubuhay kami ni Bennie nang sakto lang, masaya. Kumakain tatlong beses sa isang araw, at naibibigay ko yung mga pangangailangan niya.
Pinapanood ko lang silang dalawa, naglalaro pa din si Bea at Bennie. Sobrang saya ng anak ko. Paano pa kapag nalaman niya na si Bea at Dada niya ay iisa? Napahinga nalang ako nang malalim, sabay pahid sa luha na tumutulo sa mukha ko.
Bea's POV
"Ang saya po nito, Tita Bea," sabi ni Bennie, habang tinitingnan ang bagong laruan niya. Bigla siyang tumigil at tumingin sa akin. Nginitian ko siya.
"Okay ka lang, Bennie?" tanong ko.
"Opo... naisip ko lang po si Dada," sabi niya, halatang seryoso. "Sana po kasama ko siya. Lagi po kasi sinasabi ni Mama na malayo siya, pero gusto ko po siyang makasama kahit isang araw lang."
Napalunok ako. Hindi ko alam kung paano sasagutin ang sinabi niya, pero napangiti ako nang konti. Can’t wait na tawagin mo akong Dada.
"Bennie, gusto mo ba ako nalang ang Dada mo?" tanong ko, dahan-dahan. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya.
"Huh? Kayo po?" tanong niya, nakangiti pero halatang naguguluhan.
"Oo, ako. Lagi tayong maglalaro. Gagawin natin lahat ng gusto mo. Gusto mo ba 'yon?" tanong ko ulit, nakangiti.
Tumigil siya saglit, tapos biglang yumakap sa akin. "Talaga po? Pwede po ba 'yon? Ang saya ko po!"
Hindi ko napigilan ang sarili ko. Niyakap ko rin siya nang mahigpit. This is my chance. Hindi ko hahayaan na mawala pa siya sa akin.
"Pwede 'yon. Simula ngayon, tatawagin mo na akong Dada. Ayos ba 'yon?" sabi ko.
"Ayos po, Dada! Mommmmm! I have Dada na!" sigaw niya. Sakto naman pagtingin ko, papunta siya dito. Damn, she’s still sexy baka kung kami pa hindi lang si Bennie ang anak namin. Nakakapagtaka, wala yung boyfriend niya.
"Hey Dada, close your mouth, flies might go inside," sabi niya habang natatawa.
----
A/N: I apologize for any typo and grammar errors you may have noticed. :D
Bahala na ulit kayo di ako nagproofread😭😆
Merry Christmas, Everyone!!!🎄
